[Feibulous: warning! karahasan content]
Nakikiramdam si Rob sa paligid saka kumilos para hanapin ang taong nakajacket ng kulay gray.
Kahit pa sabihin na madilim pa ang paligid at madaling araw pa lang, sigurado si Rob sa tamang kulay ng suot nito. Gray.
Naiinis siya dahil abot-kamay niya na ang lalaki, nawala pa. Kapag nakita niya talaga ito ay pasensyahan na lang.
May narinig siyang kaluskos sa likod ng dalawang sasakyan kaya naging alerto siya. Nag-a-apoy pa ang bandang likuran ng isa dito.
Dahan-dahan siyang kumilos na tinungo ang likod ng nakatagilid na van at kinuha ang baril niya sa bulsa. Bigla ang pag-ikot niya at nagkagulatan sila ng isang lalaki na nakajacket ng maong. Nakaluhod ito at parang may sinisilip sa bintana sa loob ng van na nakataob.
"T-tulungan mo ako… Rescuer ka din po ba? 'y-yung anak ko po nasa loob ng van." natataranta na sabi nito sa kanya
Sinilip ng bahagya ni Rob ang loob ng van at ang tinuturo nito. "Be a man, get your child, sige na" sabi niya dito saka tinapik ito sa balikat.
Halos maiyak ang lalaki na pinasok ang van para kunin ang apat na taong gulang na bata. Sinuksok naman muli ni Rob ang baril niya sa bulsa.
"P-patay na siya." saka ito umiyak.
Naglabas ng kaha ng sigarilyo si Rob mula sa isang bulsa at sinindihan ang isa dito. Nakita naman niya ang lalaki na inilabas ang bata mula sa loob ng van kahit wala na itong buhay.
"Gusto mo?" alok niya dito bago humithit ng sigarilyo.
"Okay lang po ba?" humihikbi pa na tanong nito.
"Oo naman. heto" inabutan niya ito ng isang stick na sinindihan na muna niya saka inabot dito.
"Saan nga pala kayo galing ng pamilya mo?" tanong niya.
"Sa… Hokaiddo"
"Ah…" iyon lang ang huling tanong ni Rob at sabay na silang natahimik. Hinintay niya lang na maubos ang parehas na sigarilyo. Ang hinihithit ng lalaki at ang hawak niya.
"Gusto mo pa?" alok niya muli.
"A-ayoko na po. Salamat po" sabi nito at nag-vow pa
"Sige." Tinapik ito ni Rob sa balikat. "ingat!"
Tumango lang ang lalaki.
Paalis na ang lalaki at katatalikod lang nang sipain ni Rob ang binti nito. Napahiga ang lalaki sa s.e.m.e.nto at saka niya pinaibabawan ang katawan ng lalaki. Mabilis na kinuha ang patalim sa nakatagong bulsa at isinaksak ang dulong bahagi nito sa leeg ng lalaki. Sakto lang para hindi pa ito bawian ng buhay.
Nanlalaki ang mata ng lalaki na hinawakan ng magkabilang kamay nito ang kamay ni Rob na may hawak na patalim. Nagpupumilit na pumiglas sa pagkakadiin niya sa katawan nito.
"Hehe… Gulat ka noh?" nakangisi na tanong ni Rob at tila may pang-iinis sa tono.
"Akala mo ba ay ligtas ka sa akin?" parang nakakademonyong dagdag na tanong niya dito.
Nagsisimula na ang pagdaloy ng dugo sa bibig nito.
"ughhh…" ungol nito.
"I'll tell you kung saan ka nagkamali para sa susunod na buhay ay hindi mo na ulitin ang katangahan mo."
"Una, nalaman ko na huwad ka nang tanungin mo ako kung rescuer din ba ako. That is dumbest question na narinig ko mula sa isang survivor! Nakakagago!"
Kung survivor kasi ito at nakakita na ng naunang Rescue team, hindi na ito magdadalawang-isip na manghingi ng tulong doon at hindi na ito aabot pa sa kanya. Lalo na sa panahon na iyon na kahit maliit na tulong ay tatanggapin ng kahit sinong survivor.
"Pangalawa, how come na wala ka mang lang bahid ng kahit anong galos? Samantalang, halos hindi na nga makilala ang bata at ang driver." diniinan niya ng kaunti ang patalim habang nagpapaliwanag.
"Pangatlo…" ngumisi muna si Rob bago nagpatuloy. "masyadong masikip ang suot mong maong na jacket." hinawakan pa ng isa niyang kamay ang jacket na suot nito.
"Pang-apat, I saw the marks in your wrist nang inabot ko sa iyo ang yosi"
"panglima, hindi magsusuot ng maong na jacket ang taga-Hokkaido dahil may snow ngayon doon, bobo!" saka niya tuluyan na nilaliman ang patalim.
Bumilis ang pagpupumiglas nito hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Saka niya hinila ang patalim mula sa leeg nito at tumayo.
Tulad ng pangako ni Rob, kapag nahuli niya ang jacket na naka-gray ay hindi siya magdadalawang-isip na saksakin ito sa leeg with his favorite weapon of all time.
"Gagawa ka na lang ng dahilan hindi mo pa ginalingan! Tsk!" singhal niya sa bangkay nito.
Sa palagay ni Rob, ang may ari ng jacket na suot nito ay ang driver ng sasakyan kung saan naroon ang bata na nakasuot lang ng simpleng damit at kumot. Malakas ang palagay niya na galing ang mga ito ng Okinawa kung saan summer ngayon. Hindi inasahan ng mga ito na nagsimula na ang winter sa siyudad kung saan sila naroon kaya binalutan na lang ang bata ng kumot para hindi ito lamigin.