Chapter 263 - White wolves versus Bantay

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Bumalot ang takot at kaba sa dibdib ni Cally ganon din kay Prin nang makita ang lobo na takam na takam sa kanila ni Khalid. Bahagya siyang napapaatras para lumayo dito.

Parang nainip naman ang lobo kaya bigla silang tinalon nito.

"Ahhh!!!" napasigaw siya at napapikit hanggang sa niligtas siya ng isang malaking bulto.

Ilang dipa na lang ang layo ng puting lobo kay Prin at Khalid nang talunin din ito ni Bantay at kagatin sa leeg ang mabangis na hayop.

*awrrr*

Gumulong ang dalawang hayop sa nagyelong sahig palayo sa mag-ina. Saka muling nagmulat ng mata si Prin dahil walang nangyari sa kanila ni Khalid. Nakahinga naman ng maluwag si Cally at tumakbo patungo sa asawa at anak.

"Are you okay?" tanong ni Cally.

"Yeah we are safe! Si Bantay ba iyon?" Sabay nilang nilingon ang nag-aaway na leopard at puting lobo.

Sigurado si Cally na si Bantay iyon base sa prints sa katawan nito. Napatanong siya kung ano ang ginagawa nito doon.

Kung titingnan mas malaki si Bantay sa puting lobo. Nasa three feet ang lobo na mas malaki sa karaniwan na lahi nito, samantalang nasa five feet si Bantay. Pero alam ni Cally na matapang ang parehas na hayop at wala sa laki nasusukat ang laban.

Gumanti ng kalmot ang lobo kay Bantay kaya napaatras ito. Matalim ang mga mata at umaangil ang parehas na hayop.

Sa lugar naman ni Tom at Joen…

Matapos mapatay ni Bob ang lobo na sumugod sa kanya, tinulungan niya si Tom na nakikipaglaban sa lobo. Sinuntok ni Tom ng ubod-lakas ang lobo at dumeretso ito sa kamay ni Bob na may hawak na patalim. Ginilitan ito sa leeg ng binata kaya nawalan ng buhay ang mabangis na hayop.

"Ayos ka lang?" tanong ni Bob. Hinihingal naman na tumango si Tom. Hinanap agad nito ang laptop para makapagpadala ng mensahe sa base.

Nakita naman nito ang laptop na maayos niyang pinatong sa isang malaking bato.

*Ahooooo*

Umungol ang lobo na kalaban ni Bantay dahilan para mawala ang atensyon ng lobo na kasalukuyang tinutulak ni Joen para hindi siya makagat nito. Lumayo ito sa kanya at sumama sa lobo na kalaban ni Bantay. Nakahinga naman ng maluwag ang binata.

*Grrrr…* Umangil si Bantay kasabay ng panlilisik ng mata. Parang tunog ng motor ang mga pag-angil nito.

Kasabay naman niya na nagagalit din ang dalawang puting lobo. Parang nagagalit na aso naman ang mga pag-angil ng mga ito.

Umikot ang tatlong hayop ng pabilog at naghihintay kung sino ang unang kikilos. Pare-parehas na nakaangil.

"Husbie, tulungan mo si Bantay." nag-aalala na sabi ni Prin.

"I trust him don't worry."

Ilang saglit pa, sabay na tumalon ang dalawang lobo sa alaga nila. Mabilis na tinulak ni bantay ang isa dahilan para tumilapon ang katawan nito sa isang malaking puno. Sinakmal naman muli ng leopard ang isa pa at parang nagagalit na winasiwas ang katawan nito habang kagat-kagat ang leeg.

Umungol muna ang lobo hanggang sa makita na maraming dugo na ang dumaloy sa leeg nito. Saka nito hinagis ang katawan ng lobo na wala ng buhay. Dinura pa nito ang mga dugo sa bibig.

Umangil muli si Bantay para sa natitirang lobo. Umungol lang ito saglit nang makita ang mga kasama na pare-parehas na walang buhay sa sahig saka tumakbo paalis.

Parang minasaker ang lugar dahil naghahalo ang puti at pula dahil sa snow at sa dugo ng apat na lobo.

Bantay hiss and growl na parang mainit pa ang ulo hanggang sa nilapitan ni Cally at hinaplos ang balahibo nito.

"What are you doing here boy?"

Parang bulang naglaho ang galit nito nang makilala ang kamay na humaplos dito. Nilundag nito si Cally at dinilaan, wala na ang talim sa mga mata. "Good job!" Sabi niya dito habang pinipisil ang magkabilang pisngi.

"Uhmma…" ungol ni Khalid habang nagpalipat-lipat ang tingin sa lugar nila Cally pati sa kanya. Naisip ni Prin na baka akala ng anak niya ay kinakain ng hayop ang Daddy nito. Naaaliw naman si Prin sa bagong pinakita na iyon ng anak niya.

"Great job everyone!" Puro ni Cally sa lahat.

Kasalukuyan naman na nakakonekta na si Tom sa base at mukha ni Mat-mat ang bumungad sa kanila ni Bob.

"Hey! Mga punyemas kayo buhay pala kayo!" Bungad nito sa kanila.

"Natural, inaabangan mo bang mamatay kami?" Si Tom ang sumagot dito.

Nilapitan ni Cally ang dalawa para siya na mismo ang kumausap sa pinsan niya. "Anong nangyari? bakit nauna ka pa sa amin sa Matsui mansion?"

"At kailangan mo pa talagang itanong sa akin iyan matapos akong tawagan ni Tita Ginny ng madaling araw para hanapin kayo? Hindi na ko nakasal kay Donna."

Hindi niya pinansin ang huling mensahe ni Mat-mat. Ngayon ay nakuha na ni Cally ang sagot kung bakit naroon din si Bantay. Malamang ay pinahanap siya ng Mommy niya dito. Biglang nakaramdam ng init si Cally sa mayelong lugar na iyon nang maisip ang Mommy niya.

"Nangangarap kang makasal kay Donna samantalang wala ka pa ngang singsing na binibigay sa kanya" si Joen ang sumagot.

"Excuse me! Mahal ako ng ate Baba ko kaya meron akong singsing sa kanya!"

"Mamaya ka na magreklamo at magdaldal. We need help. Pasabihan sila na narito kami sa bandang norte ng masukal na gubat. Sisindihan namin ang red torch ng Dark Guard kapag narinig namin ang ingay ng Skyjet. Come and fetch us!"

Magrereklamo pa sana ito pero pinatay na ni Cally ang koneksyon para wala na itong magawa pa.