Chapter 264 - The girl

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa Matsui Mansion.

Maayos na nakabalik ang mag-asawang Prin at Cally kasama ang anak nila at ang tatlo pang Dark Guards.

Tulad ng usapan, sinundo sila ni Mat-mat gamit ang skyjet nito sa kagubatan. Matapos sindihan ang natitira nilang red torch, mabilis na nakita ng grupo nito ang pulang usok. Saka bumaba mula sa skyjet gamit ang mahaba at makapal na lubid.

Sumakit na naman ang ulo ni Prin pero binalewala niya na iyon para hindi rin mag-alala sa kanya si Cally. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan papaakyat na gawa sa mga kahoy na nakakonekta rin sa lubid dahil sa biglaang pagkahilo.

Pinilit niyang ipakita na maayos ang lagay niya sa lahat hanggang sa makarating sila sa Mansion.

=====

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Prin mula sa Mommy niya.

Wala pa ang magulang ni Cally dahil kasalukuyan na nagbbyahe pauwi doon. Hinintay pa ng mga ito si Bantay na makabalik kung saan din nila ito pinakawalan. Nasabihan na ang mga ito simula pa lang nang makausap nila si Mat-mat sa malamig na kagubatan na maayos ang lagay nila.

Kasalukuyan na hindi pa tapos ang trabaho ng Daddy niya na si Rob dahil iniimbestigahan pa nito ang mga pagsabog.

"Oh Honey, nag-alala talaga ako sa iyo" bungad ng Mommy niya habang yakap siya nito.

"I'm sorry, Mom" sagot niya.

Mas tumindi ang kirot ng ulo niya kaya pasimple siyang nagpaalam kay Cally na sasama muna sa Mommy niya sa kwarto.

"Mom, can you help me clean Khalid?"

"Sure." kinarga nito ang anak niya at sabay sila nito na tinungo ang kwarto niya sa mansyon.

Napansin ni Prin na walang pinagbago ang kwarto niya. Napuna niya iyon kahit pa masakit ang ulo niya at may nararamdaman na pagkahilo.

Magkatabi silang umuupo sa kama. Saka siya yumakap sa bewang ng Mommy niya. Gumapang naman si Khalid papunta sa dibdib ni Prin. Parang baby panda rin ang anak niya na ayaw humiwalay sa magulang nito.

"I love you Mom" buong pagmamahal na sabi ni Prin sa Mommy niya.

"Uhmmma…" napangiti siya na marinig na naman ang tawag nito.

Pumikit siya saglit at parang switch iyon na naging hudyat para makatulog siya.

Sa general hall naman ng Matsui Mansion… Hindi naman nagawa ni Cally na magpahinga dahil sinimulan niyang trabahuhin ang electronic ch.i.p.s na pinadala ni Rob na nasa loob ng e-card.

Katulad ng pag-analisa ni Rob ang mga nakuha niyang sagot. Ginamit ng Hantataiga ang mga bagong e-cards na iyon para ipamudmod sa mga mamamayan.

Ang reader sa exit ng airport ang sumala sa itim na sasakyan sa iba pa. Hindi na nila nahuli pa ang babaeng nakatoka sa 'exit' ng car parking sa airport. May tumatakip din sa bibig nito na itim na facial mask kaya hindi nila ito makilala.

Sa 'search' ni Mat-mat gamit ang computer, limang babae ang lumitaw sa screen gamit ang mata nito, ang height, ang buhok at ang pagkilos ng kahera sa exit.

At nabigla sila na kasama ang anak ni Apolo na miyembro ng Dark Lords na bente dos lang ang edad at si Prin na lumitaw dahil ka-mata ng mga ito ang babaeng suspek at kasing taas din.

Hindi naman napansin iyon ni Cally nang dumaan sila noon para magbayad dahil nasa likuran sila ni Prin.

"Come to think of it, napansin ko na parehas sila ng mata ni GW8." Komento ni Joen.

"Hindi naman siguro magiging suspek ang asawa ko dahil lang sa ka-mata niya 'yung kahera, tama?"

"Don't worry, may apat pa naman tayong iimbestigahan." Sagot ni Mat-mat.

Sa ganoong bagay, bilib si Cally sa pinsan niya dahil mabilis at maasahan ang trabaho nito. Mas malalim pa nilang pinag-aaralan ang bomba at ang babae nang dumating ang magulang ni Cally kasama si Bantay.

Halatang nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makita na ayos lang siya. Bukod sa kakaunting galos na nakuha niya sa pakikipaglaban sa puting lobo, wala nang natamong sugat o kung ano pa man si Cally.

=====

Maria celeste 1...

Isang sasakyan ang huminto malapit sa dalampasigan.

Isang babae ang nakagapos at may telang nakatali sa bibig papaikot sa batok ang hawak ng kasama nitong lalaki na nakasumbrero papaakyat sa deck ng Maria Celeste 1.

Kasalukuyan na nasa kalapit na isla ang barko at nakatigil dahil pinaghahanap ang mga ito ng kinauukulan. Kasalukuyang madilim ang paligid na nakadagdag sa pakiramdam ng babae na parang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Tinulak ang babae ng kasama nitong lalaki sa harapan ni Mayu.

"Tsk tsk!" Napapalatak agad si Mayu. Tila nag-eenjoy ito na makita na nahihirapan ang kung sino. Tinanggal nito ang telang nakatali sa bibig ng babaeng bagong dating.

Dinuraan agad nito si Mayu.

"Ha ha ha!" Tumawa lang ang babaeng terorista ng nakakademonya at saka sinampal ang babae ng ubod lakas na halos matanggal na ang pandinig nito. Hindi na nag-abala pa si Mayu na pahirin ang pisngi na nabahiran ng laway ng huli.

"Nasaan ang Mama ko! Tapos na ang pinagawa mo sa akin! Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho! Sumabog na ang lahat ng itim na sasakyan dahil nasala ko sila ng mabuti kaya ibalik mo sa akin ang Mama ko!"

"Tsk tsk! But I always broke the rule my Dear Yuna!"

"...I already killed your Mom" tinapos ni Mayu ang pag-uusap nila ng babae na tuwang-tuwa sa ginawa nito. Naiwan naman na tulala ang babaeng may pangalan na Yuna.