Binigyan nila ng tubig ang babae. Gustong-gusto nang tanungin ni Prin kung sino at ano ang pangalan nito. Kaya lang, mukhang hindi nito kaya na magsalita o magpaliwanag.
Mas minabuti niya na hayaan na magpahinga ang babae sa isang kwarto sa Maid's quarter. Plano niya na bigyan ito ng kahit dalawang oras para makabawi ng lakas.
Lumabas muna si Prin ng kwarto at sinimulan na hanapin ang anak niya.
Ang huling sinabi sa kanya ay kasama ng Mommy niya si Khalid kaya naisipan niyang tawagan ang Mommy niya.
Hindi naman nagtagal nang sinagot nito ang tawag.
"Hey Honey" sagot nito sa kabilang linya.
"Ma, where are you and Khalid?"
"Lumabas kami kasama si Ana. Kawawa naman si Khalid at madalas na environment sa Dark Guards ang araw-araw na nakakasalamuha niya. Honey, I tried before na maging normal ang buhay mo at ayokong tumulad ka sa panget mong Daddy, but you still ends up being a Dark Guard. I hope na mag-iba ang direksyon ng buhay ng anak mo."
Kumunot ang noo niya sa nadinig. Gusto niyang matawa sa pagkakasabi nito ng 'panget na Daddy'.
"Nag-away ba kayo ni Daddy kaya ka nag-unwind at naisip mo na isama ang anak ko?" Usisa niya dito.
"May iba pa ba? Wala nang ginawa ang Dad mo kundi hanapin si Mayu. Mas maganda ba sa akin si Mayu para hanapin niya?"
Prin "..."
Hindi niya alam kung saan nakuha ng Mommy niya ang ideya na nagagandahan ang daddy niya kay Mayu kaya nito hinahanap ang huli.
Sa kabilang banda, nagpapasalamat siya sa Mommy niya na nailabas nito si Khalid.
Sa sobrang pagka-busy niya sa mga problema, nakalimutan niya na normal na bata si Khalid. Kailangan nito ng kalaro, magpunta sa playground, makinig ng children song at kung ano pa.
"Mommy, thank you so much!"
Napangiti naman ng simple ang mommy niya sa kabilang linya.
"I love you, Mommy."
"I love you too, Honey."
Matapos maibaba ang cellphone. Nag-aatubili siya kung sunod na tatawagan si Cally. Nasaan na kaya sa kasalukuyan ang asawa niya?
Napabuntong hininga siya at mas minabuti na bigyan ito ng oras. Nagbalik na lang siya sa kwarto ng babae na may apelyidong Byrnes. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa Matsui Mansion at kung bakit parang dumanas ng hirap ang babae sa mga nakalipas na araw.
=====
Lumipas ang dalawang oras, eksakto na nagising ang babae.
Dahan-dahan na minulat nito ang mga mata at mukha ni Prin ang sumalubong dito.
Hindi na niya pinalampas pa ang tanong na kanina pa niya pinipigilan. "Sino ka at paano ka napunta dito?"
"I'm Yuna. I'm Apolo's daughter" sagot naman nito. Maayos na ang pagkakasagot nito kaya alam ni Prin na nakabawi na ito ng lakas.
"...Ako ang babae na kahera sa airport nang nakaraang buwan." Mahinang sabi nito na para bang nahihiya ito na aminin ang bagay na iyon.
Naging alerto si Prin sa narinig. Baka kasi nagpapasok siya ng isang kalaban sa tahanan nila. Alam niya na may pamilya si Apolo pero hindi niya alam na bata pa pala ang anak nito. At hindi niya rin maintindihan kung paano nadawit ang babae sa bombing.
Naramdaman naman ito ang tensyon na ibinigay niya dito.
"Anak ako sa labas ni Apolo at hindi ako masamang tao. Nagkataon na dinukot ako ng isang young master ng Peter." Nagluluha na paliwanag nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Natigilan si Prin. Si Gon ba ang tinutukoy nito?
Nagsimula na magbalik-tanaw si Yuna.
Dinukot siya ni Gon Peter nang magtungo sila sa Singapore ng Nanay niya para magbakasyon. Dinukot siya ni Gon para iregalo kay Mayu nang hilingin nito sa babae na gusto nitong makausap.
Sinabi ni Yuna ang mga alam niya kay Prin.
"Hindi ko na alam ang eksakto pang dahilan pero nagkita sila noong nakaraang buwan kasama ako at ang Mama ko."
Kumuyom ang dalawang palad niya sa nadinig. She knew exactly why, because Yuna looks like her. Parehas din sila nito ng taas. Pwede siyang masama bilang suspect na nagtanim ng bomba sa mga sasakyan. At ginawa nitong pain ang babaeng nasa harap para makipagtulungan sa demonyitang si Mayu.
"Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga pagbomba" tinitigan siya nito sa mata.
"...dahil may taksil sa Dark Guards"
Natigilan si Prin sa nadinig.