Chapter 272 - I will kill myself

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tinawagan ni Prin ang cellphone ni Cally para magbigay dito ng warning na may taksil sa Dark Guard. 

"The customer you are trying to reach isn't accepting calls at this time" isang mensahe mula sa operator. Sinubukan niyang tawagan si Kai at ang Shogun ngunit parehas na mensahe ang nakuha niya.

Hindi niya alam kung blacklisted ba siya pansamantala sa mga telepono ng mga ito para hindi niya ito makausap.

Nanggigigil si Prin na ibinalik na lang ang telepono niya sa bulsa bago hinarap muli si Yuna. 

"I will call your Dad. Remember that he will receive a punishment kung sakali na nagsisinungaling ka sa akin" banta niya dito.

"I'm not lying" mariin naman na sabi nito. 

Ilang segundo na tinitigan ni Prin ang babae bago niya ito sinabihan na ayusin ang sarili dahil aalis sila kung sakali na makahingi siya ng tulong.

Tinawagan niya si Mat-mat para magpasundo dito. Hindi naman siya nabigo na makausap ang lalaki matapos lang ang ilang 'ring'.

"Ano 'yon mahal na prinsesa?" tanong nito sa kabilang linya.

"I need your help. Alam kong alam mo kung saan patungo sila Cally. You should bring me there."

Naging seryoso naman si Mat-mat. "Alam ng asawa mo na posible na tawagan mo ako kaya nasabihan niya na ako ahead of time. Huwag na huwag daw kitang dadalhin sa Maria Celeste 1" 

"Matty, I promise that I will kill myself here kung hindi mo ako dadalhin doon." pagbabanta niya. Gusto nang maiyak ni Prin. Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal na hinatulan ng pagkakakulong sa bahay na iyon. Hindi niya magawa ang gusto niya at sobrang limited ng resources niya.

Halatang kinabahan naman ang lalaki sa kabilang linya.  

"Prin, Cally is just concern about you. You've been missing for a couple of years because of your last mission. I understand him kung ayaw niya na maulit ang nangyari noon."

"But you have to bring me there Matty. How can you all do this to me? It's a ploy! Maria celeste 1 is a ploy na ginawa ni Gon Peter. Ah, ano pa ba? Ahh yeah. Someone in the Dark Guard is behind all of this!"

Halata naman na natigilan si Mat-mat sa kabilang linya. "What do you mean?"

"May traydor sa Dark Guards, Matty…" Kinuwento ni Prin ang lahat sa lalaki. Simula sa nang makita niya si Yuna sa tapat ng mansion at kung ano ang mga sinabi nito. 

"I want you to find who is this traitor. But please, tulungan mo rin ako na makapunta doon. I wanted to help Cally." 

Rinig niya ang pagbuntong-hininga si Mat-mat sa kabilang linya. "I'm sorry Prin. Hahanapin ko ang kung sino man ang traydor na iyan sa Dark Guards. Aabisuhan ko si Cally at sasabihin ko na may bomba sa barko para makapag-ingat sila pero hindi kita matutulungan sa gusto mo na dalhin doon. Si Christen na mismo ang nagkumpirma na hindi ka pa magaling"

"Fine! You don't want to help me. I'll find my ways."

"Aughhh!" 

Matapos makausap si Mat-mat ay hindi napigilan ni Prin na umiyak.  Napahagulgol siya sa nangyayari. Bakit ang saklap naman yata sa kanya ng pagkakataon ngayon?

Gusto niyang intindihin si Cally sa nais nito. Pero paano naman siya? Naiintindihan ba nito na mamamatay siya sa bahay na iyon kung maghihintay lang siya at walang ginagawa? Mamamatay siya sa suspense at pag-aalala sa mga kasama lalo na kay Cally.  

Gustong niyang sumigaw sa sobrang sama ng loob. 

Maya-maya, pinilit ni Prin na ayusin ang sarili. Hindi siya maaari na magpatalo sa emosyon niya kaya tinungo niya ang General Hall sa mansyon para maghanap ng ebidensya na magagamit niya at makakapagturo sa kanya kung saan papunta sila Cally. 

Hindi naman siya nabigo na makuha ang eksaktong lugar. 

30.3953° N, 125.9152° E -- Ito ang nakalagay sa white board at nasisiguro ni Prin na iyon ang lugar kung saan niya matatagpuan ang Maria Celeste 1.

Sunod na ginawa ni Prin ay magpadala ng email kay Apolo. Sinabi niya sa lalaki na kasama niya ang anak nito na si Yuna. Para ipaalam na rin sa lalaki na kung sakali na niloloko sila ng anak nito ay sigurado na si Apolo ang mananagot. 

Kumirot ng sobra ang ulo ni Prin na parang may nakabarang bato sa ugat niya. 

Umupo muna siya para kalmahin ang sarili. Nang makabawi, tinungo ni Prin ang chamber ng mga armas bitbit pa rin ang katana ngunit hinarang siya ng isang guard. 

"Joo, ano pong gagawin niyo?" napansin nito ang Dark suit niya kaya may ideya na ito na may plano siya na umalis ng mansyon. 

"I am getting a weapon" 

"I'm sorry Joo, mahigpit ang utos ng Shi na hindi ka pwedeng umalis." mariin na tanggi nito.

Tumiim ang bagang ni Prin sa nadinig. Tinapat niya sa leeg ang hawak na katana.

"Let me in, or I will kill myself" matigas na sabi niya.