Chapter 273 - The traitor (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Halata na kinabahan ang guard na nagbabantay sa chamber ng mga armas sa banta ni Prin. Hindi muna ito tuminag sa banta niya at nanlalaban din ang mga mata nito kay Prin. 

Naghahamon ang mata at halatang seryoso si Prin sa nais niya sa mga oras na iyon  hanggang sa makita nito ang pagtulo ng dugo sa leeg niya. 

Alam nito kung gaano katalas ang katana ni Master Rob na nagmula pa sa Edo Period. 

Pikit-mata at nakuyom na lang nito ang palad na umusog sa gilid at hinayaan siya nito na pumasok sa loob. 

Kumuha siya ng apat na patalim, dalawang baril at kung anu-ano pa na magagamit niya sa laban. 

Walang nagawa ang guard ng chamber na iyon kundi ang humingi ng tulong sa head ng Matsui guards. 

Matapos mailagay sa bag ang mga kailangan niya. Tinungo niya ang sariling kwarto saka nagpalit ng damit. Kumuha siya ng extra at inilagay sa bag na bitbit niya. 

Kinalma ni Prin ang sarili at inisip ng mabuti ang gagawin. Umupo muna siya saglit sa isang silya dahil nakaramdam siya ng hilo. Tama ba ang plano niya? Tama ba itong ginagawa niya? 

Sinubukan niyang tawagan si Cally ngunit tulad ng una, isang operator ang sumagot. 

Bigla niyang naisip si Ana na kasama ngayon ng Mommy niya at ni Khalid. Tinawagan na muna niya ang kaibigan habang bumabawi ng lakas. 

"GW8?" sagot nito sa kabilang linya. 

"Ana, hindi ko alam ang gagawin ko." sabi niya dito. 

Bahagyang natahimik sa kabilang linya. "Bakit?" 

"Kailangan kong iligtas si Cally at ang iba pang kasama natin sa Maria Celeste 1." 

"Ano ang… ibig mong sabihin?" 

"There is a bomb in Maria Celeste 1 at may plano si Gon Peter na pasabugin iyon sa laban" 

Muling natahimik ang babae sa kabilang linya. 

"I'll go with you" sabi nito matapos makapag-isip sa kabilang linya. 

"but…" 

"Gusto kong sumama sa iyo, Prin" dagdag pa nito. 

Nag-isip si Prin, kung tutuusin malaking tulong si Ana sa kanya kaya pumayag siya sa gusto nito. 

"I can find a boat that we can use. Let's meet at the city's port." Mungkahi nito. 

Pumayag si Prin at nagpasalamat na rin siya dahil mapapabilis ang aksyon niya dahil sa pagtulong ni Ana. 

Matapos nilang magkasundo sa eksaktong lokasyon kung saan magkikita, iniwan niya ang cellphone doon at sinundo niya si Yuna sa kwarto kung nasaan ito. 

"Joo…" bahid ang pag-aalala sa mukha ng isang maid na nagbabantay dito. Hindi pa rin kasi nila nakakausap si Rob o si Cally.

Hindi naman ito pinansin ni Prin. 

Nagmamadali siya na hinila si Yuna mula sa pagkakahiga sa kama na halatang hindi pa nakakabawi mula sa mahaba nitong paglalakbay para makaalis na sila doon. Inabot niya ang bestida niya dito dahil suot pa rin nito ang marumi nitong bestida na may mga mantsa ng dugo at putik. 

Nang masiguro na ayos na ang lahat. Tinungo nila ang parking kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng Daddy niya at Dark Guards. 

Napili niya ang big bike na pag-aari ni Rob Matsui.

Pinasakay niya sa likod si Yuna saka iyon pinaandar.

Pagdating sa gate, sinubukan ng guards na harangin si Prin na sakay ng motor. 

"Joo, tigil!" naka-formation ang mga ito na hawak ang katana sa gate. 

Hindi talaga siya lulubayan ng mga ito kaya inatras ni Prin ang motor para kumuha ng pwersa. 

*brroom brroom*

"Kumapit kang mabuti sa akin" utos niya kay Yuna na ginawa naman ng huli. 

"Joo, parang awa mo na, mahigpit ang utos ng Master na manatili ka dito!" sigaw ng head ng guards.  

"Ha! Stop calling me your 'Joo' then!" siya ang anak ni Rob Matsui. Apo ng isang Matsui at nagmamay-ari sa bahay na iyon for God sake!

*broom broom*

Saka buong pwersa at mabilis na pinaandar ni Prin ang motor. 

"Open the gate!" tiim ang bagang na sigaw ng head ng guards. Hindi nito itataya ang kaligtasan ng mga guard dahil kilala nila si Prin. Sa pwersa na binigay ng Joo nila, sigurado ito na may plano ang babae na italon sa kanila ang motor at banggain ang gate. Kaya mas pinili na nito ang bagay na walang mapapahamak sa kahit na sino.

Tulad ng inaasahan binanga ni Prin ang gate matapos nilang magsitaboy sa gitna. 

Dahil nabuksan na iyon ng bahagya, hindi naman siya nasaktan o kahit si Yuna na mahigpit ang kapit sa kanya nang banggain niya iyon. 

Walang nagawa ang lahat ng guards kundi ang subukan muli na tawagan ang Master nila at ipaalam ang pag-alis ni Prin sa mansyon. 

=====

Sa port… 

Matyaga na naghihintay sa kanya si Ana sa isang yate na gagamitin nila sa pag-alis. 

Nakatalikod ito sa gawi nila at nakapamulsa na naghihintay. 

Inakay niya si Yuna palapit dito dahil kilala niya ang babae kahit nakatalikod. 

Nang humarap ito, dalawang metro ang layo nila, humigpit ang kapit ni Yuna sa braso niya. 

"P-prin…" usal nito

"Hello, medyo matagal na akong naghihintay dito" malamig na sabi ni Ana sa kanila. 

"P-prin, siya yung sinasabi ko sa'yo. Siya si Kai Jang, ang traydor sa Dark Guards" natatakot na pagbibigay-alam ni Yuna.