Chapter 274 - The traitor (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos makausap ni Mat-mat si Prin. Bumigat ang pakiramdam niya. Hinilot niya ang sentido dahil parang sumakit ang ulo niya sa pag-uusap nila ng asawa ni Cally. 

"Do you have a problem, Love?" tanong ni Donna na niyakap siya sa likuran.

"Tumawag si Prin. May taksil daw sa Dark Guard at ang tinuturo ng witness ay si Kai Jang." 

Nagtaas ang kilay ni Donna. 

"That's impossible." sagot nito. 

Tumango-tango si Mat-mat. Tulad ni Prin at Donna, hindi rin siya naniniwala na si Kai ang taksil sa grupo. Nagawa nga nitong iwan ang business ng pamilya dahil masyadong loyal ang kaibigan niya bilang pinuno ng Black Guards. 

Kahit saang angulo niya tingnan malabo na si Kai ang taksil sa grupo.

Mabilis siyang nagtrabaho para hanapin ang tao na ito. Kung pagbabasehan ang mga sinabi ni Prin, ang taong hinahanap nila ay kasama nila madalas sa meeting. Alam ang araw ng uwi ni Cally at Prin mula sa UK at ang taong naglabas ng lokasyon kung saan naroon ang Maria Celeste 1. 

"If I were you, check Ana."  sabi ni Donna na nasa tabi niya.

Nilingon ni Mat-mat ang nobya niya sa tabi na kanina pa pala siya pinanonood sa trabaho. 

"Why Ana?" Hindi makapaniwala si Mat-mat dahil close din siya sa babae.

"Aside from Lorenz and Leader Kai, siya ang isa pa na malapit sa mag-asawang Cally and Prin. At isa pa, malapit din siya sa iyo. Are you sure na hindi mo niligawan si Ana?" parang nag-aakusa ang paraan ng pagtatanong nito sa kanya. 

Biglang napangisi si Mat-mat. Hindi niya aaminin kay Donna na alam niyang may gusto sa kanya ang Dark Guard na babae pero hindi niya lang iyon pinapansin dahil wala naman siyang nararamdaman dito at pinilit na balewalain ang kung anumang na pagkagusto nito sa kanya. 

O mas tamang sabihin na nagpanggap siyang walang alam o nararamdaman. Hindi naman manhid si Mat-mat para hindi iyon mapansin. 

"Halika nga dito buntis" pinaupo niya saglit si Donna sa binti niya at pinisil ang ilong nito. 

"Ang cute-cute mo magselos pero gusto kong sabihin sa iyo na wala kang dapat na ipagselos kay Ana dahil wala kaming nakaraan. At gusto kitang purihin sa mga napuna mo, My Love. Totoo nga ang tsismis na mas matalino ang mga buntis lalo na kapag nagseselos" 

Inirapan naman siya nito. 

Matapos niyang sabihin iyon, sinimulan niya na imbestigahan si Ana, katulad ng payo ni Donna. 

Kung tutuusin, swak si Ana sa deskripsyon ni Prin sa tawag nito, hindi niya lang mapaghinalaan ang babae dahil matalik itong kaibigan ni Prin. 

Sa una, wala siyang makita na kahina-hinala sa babae sa pag-iimbestiga niya hanggang sa makita niya na hindi naman pala ito tumuloy sa UK mula sa Paris kung saan nila ito kasama nang nakaraang buwan. 

Mabilis siyang nag-run ng mga code para mahanap ang eksaktong lugar kung saan nagpunta ang babae at hindi siya nabigo. Tumuloy si Ana sa Singapore. 

Napasuntok si Mat-mat sa mesa. 

Ang kwento ni Prin, sa bansang iyon kinidnap ang anak ni Apolo, parehas ng oras kung kailan ito naroon. At kung iisipin niyang mabuti, pwedeng-pwede na magpakilala si Ana bilang Kai Jang dahil ang pangalan na "Kai" ay gamit ng parehas na babae o lalaki. 

Mabilis niyang tinawagan si Cally. Hindi naman siya nabigo na makausap ito. 

"Cally, tumawag sa akin si Prin."

"Tumawag din sa akin ang mga tao sa mansyon at umalis daw si Prin ng bahay na may kasamang babae. What is happening?" nag-aalala na sabi ng pinsan niya. 

"That is Apolo's daughter. Prin asked for my help but I rejected her. She asked for your location. At dalhin ko daw siya diyan dahil isang ploy ang Maria Celeste 1. There is a bomb in Captain Yeo's ship at si Gon Peter ang mastermind."

Natahimik si Cally sa kabilang linya. "Kung ganoon gagamitin ko ang bomba na iyon para pabagsakin ang Maria Celeste 1 habang hinahanap si Gon Peter!" matatalim ang salita nito. 

"And… Ana is the traitor" naiinis si Mat-mat sa pagkakabanggit ng pangalan ni Ana. May pinagsamahan din kasi sila ng babae. 

Kinabahan si Cally sa kabilang linya. 

"Mat, kasama ngayon ni Ana ang anak ko at ang Mommy ni Prin." halata na nataranta si Cally sa kabilang linya. 

Saglit na natigilan si Mat-mat. 

"*sigh* Tatawagan ko si Ana. Wala naman siguro siyang gagawin sa anak mo." Mungkahi ni Mat-mat. 

"Balitaan mo na lang ako. At gusto ko rin malaman kung nasaan ngayon si Prin. Please locate her phone or her Dark Suit's GPS" 

"I will" saad ni Mat-mat saka niya binaba ang cellphone. 

Mukha ni Donna na nakatakas ang kilay ang sumalubong sa kanya. Mukhang matalas ang utak ng nobya niya at alam nito na gagamit siya ng pogi-power kay Ana para bumigay ang babae. 

"My love, huwag ka nang malungkot, papangit ang anak natin. Kailangan kong magtrabaho para sa ekonomiya" 

"Akala ko ba hindi ka binabayaran ni Cally?" 

"Meron na ngayon, may Hazzard Pay na extra pa, plus Christmas bonus"