Huminto ang motor na minamaneho ni Prin sa tapat ng isang yate sa city's port tulad ng usapan nila ni Ana.
Dumadampi ang hangin mula sa dagat sa pisngi niya at nililipad nito ang mahaba niyang buhok. Matapos ang mahigit isang taon, nakaamoy na naman siya ng tubig-alat.
Hindi naman siya nabigo na makita si Ana na nakatalikod paharap sa yate kaya agad niya itong nilapitan kasunod si Yuna.
Ilang dipa lang ang layo nila ni Yuna dito nang humarap sa kanila si Ana.
"Kanina ko pa kayo hinihintay." malamig na sabi nito sa kanila.
Humigpit ang kapit sa kanya ng kasama niyang si Yuna nang makilala ng babae.
"P-prin siya si Kai Jang, ang taksil sa Dark Guards" natatakot na sabi nito sa kanya.
Natigilan si Prin sa nadinig. Sinuri niya ang mensahe ng kasamang si Yuna at ayaw tanggapin ng utak niya ang sinabi nito.
"I-imposible. Baka nagkakamali ka lang."
Hindi akalain ni Prin na magpapanggap si Ana bilang Kai Jang.
Mas ikinabigla niya nang umismid si Ana. "Tsk tsk! Kahit kailan talaga Prin, tatanga-tanga ka. Gusto ko tuloy magduda kung karapat-dapat kang maging asawa ni Shi Cally."
Naging seryoso si Prin matapos niyang marinig ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na sasabihan siya ng ganoon ng kaibigan niya sa loob ng mahabang panahon. Ang babaeng sinamahan siya simula pa noon. Ang matalik niyang kaibigan.
"Ayos na sana ang lahat e, kaya lang…" nanlilisik ang mga mata nito na tumingin kay Yuna.
"Hindi ko akalain na makakatakas si Yuna. Dapat talaga pinatay na kita" sabi nito na may halong pananakot.
Nagtago sa likuran niya si Yuna.
Nabibigla si Prin sa mga pinagsasasabi ng kaibigan niyang si Ana. Parang ibang nilalang ang nasa harapan niya kaya unti-unting nags-sinked in sa utak niya ang lahat.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan nito. Nakasama niya si Ana simula pa lang fourteen siya, bukod na lang sa mga panahon na nasa poder siya ni Captain Yeo ay wala siyang naiisip na dahilan nito para magtaksil sa kanila.
Nag-isip siya ng mabuti habang nakatitig sa kaibigan na hindi niya makilala sa oras na iyon. Kasama ni Kai madalas ang babae simula pa noon kaya hindi na rin nakapagtataka na makuha nito ang gold na dogtag ni MB5.
Isa rin si Ana sa grupo na naghahanap sa Maria Celeste 1 at hindi na mahirap sa babae na magbigay ng lugar kung nasaan ang barko.
Naisip niya si Cally at ang lahat ng mga kasamahan niya na Dark Guard na babagsak sa kamay ni Ana.
Ilang saglit pa, humugot ito ng baril sa bulsa at ganoon din kabilis si Prin na humugot ng armas. Parehas sila ni Ana na may hawak ang parehas nilang kamay na nakatutok sa isa't-isa.
Si Yuna sa tabi ay kinabahan at nasapo ang dibdib sa sobrang takot.
Napansin ni Prin ang isang lalaki sa yate na may hawak na armas at pinaputukan niya iyon sa ulo, nahulog ito sa yate. Kasabay ng lalaking nasa likuran, pinaputukan niya rin ito dahil kahina-hinala ang kinikilos nito.
Ngumisi si Ana at pumalakpak. "I know kung gaano ka kagaling sa paghawak ng baril pero sasama ka pa rin sa akin. Give me those guns" sabi nito na nagbigay ng utos sa kanya.
"I'm not an idiot. Why would I do that?"
"Dahil hawak ko ang anak mo at ang Mommy mo. Sapat na dahilan na ba iyon?"
Napapikit si Prin. Pikit-mata na inabot niya ang dalawang baril dito.
"perfect!" sabi nito saka sinuksok ang mga iyon sa bulsa.
Inutusan nito ang isa pang lalaki sa likuran na talian sila ni Yuna.
"Ana, we are friends, bakit mo ito ginawa?" malungkot na tanong niya.
"Dahil gusto ko ng kapangyarihan. Nangako sakin si Gon Peter na magiging leader ako ng White Guards kung sakali na mapupunta sa kanya ng posisyon ni Cally" sabi nito habang nakangisi.
"Pero alam mo na hindi siya mapagkakatiwalaan!"
"At kanino ako magtitiwala kay Kai Jang? Na sa loob ng ilang taon walang ginawa kundi utus-utusan ako? Nakakapagod na Prin. I want money, power at lahat ng iyon ay pinangako sa akin ni Gon Peter"
"But you are my friend! Kung gusto mo pala na maging lider tulad ni Kai, bakit hindi mo siya talunin sa Battle of Dark guards na ginaganap kada dalawang taon? You know the rule! Alam mo ang dahilan kung bakit nasa posisyon na iyon si Kai sa loob ng ilang taon"