Chapter 276 - Dearest friend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Lalong sumama ang mukha ni Ana sa sinabi ni Prin. Alam ni Ana ang bagay na iyon. Kada dalawang taon nagaganap ang battle of Dark Guards kung saan magiging pinuno ang mananalo.

Kung nais niya na maging leader ng Gray Guards o Black guards o kahit ang Shogun. Kailangan niya na talunin ang tatlong lalaki na kasalukuyan na pinuno ngayon.

Sinimulan na itali si Prin at Yuna ng kasamang lalaki ni Ana. Kinuha nito ang bag ni Prin na may mga gamit at armas at sinukbit iyon sa likuran.

"Ana, don't do this. I love you as one of my dearest friends." Nakikiusap na sabi ni Prin sa kaibigan.

Hindi siya nito pinansin. Pinasok sila ni Yuna sa yate at parehas na pinasok sa isang kwarto doon.

"Saan mo dinala si Khalid at ang Mommy ko?" Tanong muli ni Prin sa kaibigan.

Hindi siya nito sinagot. Nagsimulang lumuha si Prin. Hindi niya kakayanin kung sakali na may mangyari sa anak niya at sa Mommy niya. Ang pinakamasakit sa lahat, hindi niya inaasahan na si Ana ang gagawa nito sa kanya.

"You will soon meet your husband kaya huwag ka nang umiyak" sabi ng kaibigan niya.

Namumula ang mata ni Prin at hindi alam ang gagawin. Gusto niyang lumaban pero nag-aalala siya kung saan nito dinala si Khalid.

"Ana… nakikiusap ako sa 'yo. Don't do this..." sabi niya habang umiiyak. Nagsimula muling sumakit ang ulo ni Prin kaya bahagya siyang napangiwi.

Hindi sumagot si Ana at sinara ang pintuan matapos silang papasukin sa loob ng kwarto. May isang maliit na kama ang maliit na kwartong iyon.

Umupo si Prin sa kama at niyakap ang sarili.

Tila bumalot ang dilim kay Prin matapos siyang iwan ni Ana sa loob. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam at wala siyang nagawa kundi ang lumuha.

Niyakap siya ni Yuna. "I'm sorry Prin. Hindi kita matulungan at wala akong magawa. Ilang araw na akong mahina"

Hinayaan naman ni Prin na yakapin siya nito. Naisip niya na maswerte pa rin siya dahil naroon si Yuna at may balikat siyang naiiyakan. Napahagulgol siya sa nangyayari. Ano ang mangyayari sa kanila ni Cally? Nasaan ang anak niya?

Halo-halo ang emosyon niya hanggang sa unti-unting nagdidilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.

Samantala, nag-utos na si Ana na paandarin ang yate. Si Gon Peter ang may ari ng yate na iyon at alam niyang nasa paligid lang ang lalaki.

Hindi niya rin naman inasahan na kunin nito ang serbisyo niya sa katauhan ni Levan Hung. Mukhang minamanmanan siya nito kahit noon pa kaya nagawa nito na suhulan siya sa terms na nais niya.

Kasalukuyan siyang nasa deck at bahagyang namula ang mata niya ng maisip si Prin. She knew that Prin is one of her dearest friends. Kasama niya sa halos kalahati ng buhay niya.

May mga bagay siyang nakamit dahil sa pagiging malapit nila ni Prin at talagang nasaktan siya ng sobra ng mahulog ito sa bangin noon. Pero iba na ang kaso ngayon. She wanted more.

Nakaupo siya sa isang silya at sinasariwa ang mga ala-ala nila ni Prin at ng mga kasamang Dark Guards habang dumadampi sa kanya ang malamig na hangin sa dagat. Ininda niya ang lamig at hinayaan iyon na manuot sa katauhan niya.

Gusto niyang isipin na mali ang ginawa niya pero iyon ang pangarap niya noon pa man.

Ilang saglit pa, tumunog ang cellphone niya sa bulsa at nakita na si Mat-mat ang tumatawag.

Humugot siya ng malalim na hininga saka sinagot ang tawag nito.

Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nila ni Mat-mat. Hindi niya ikakaila na malalim ang pagkakagusto niya sa lalaki at pinangarap niya sa loob ng ilang taon na maging asawa ito.

Idagdag pa na mayaman si Mat-mat. Para sa isang katulad niya na nabuhay sa isang mahirap na pamilya, sino ang hindi maghahangad na magkaroon ng mayaman na asawa? Inaasahan niya noon na makukuha niya ang puso ni Mat-mat pero na-inlove ito sa bwisit na si Donna.

"Yes?" sagot niya dito sa cellphone.

"Ana, where did you bring Prin?" Bungad nito sa kanya.

Agad na tumalim ang mata niya sa nadinig. Sigurado siya na nakuha na ng lalaki na siya ang taksil sa grupo. Alam niyang ganoon kagaling si Mat-mat.

"Hell." Simpleng sagot niya dito.

"Don't do this. Where did you bring Khalid and Untie Ingrid?" Tanong muli nito

Napangiti siya ng simple. Wala siyang gagawin sa dalawa. Natutuwa siya kay Khalid at mabait sa kanya sa loob ng maraming taon ang Mommy ni Prin. Tinuring siyang anak ng babae lalo na ng mga panahon na nawawala ang anak nito.

Tinakot niya lang si Prin at ginamit ang dalawa para kusa itong sumama sa kanya at hindi na dumanak pa ang dugo sa pagitan nila ng kaibigan.

"Dont worry Mat, I will never do anything bad with Khalid and Untie Ingrid. Sigurado na nakabalik na sila sa mansyon. You can check sa Head Guard if you want." sabi niya sa lalaki.

Halata naman na nakahinga ito ng maluwag sa kabilang linya.

"Saan mo dadalhin si Prin?"

"Sa Maria Celeste 1"

*****

(Message from Feibulous)

Hello Readers,

Alam ko na hindi kaila sa inyo at halata na tinatamad ako na magsulat. As much as I wanted to release a mass, di kaya ng powers ko. Recently, sobrang blangko ng utak ko kaya naman paisa-isa o padala-dalawa ang publish ko. My plan is, tatapusin ko lang ang volume two at magpapahinga muna ako sa loob ng ilang linggo.

Plano ko sana sa volume three pa ilabas si Ana since betreyals ang volume 3. Kaya lang, baka magka-umay mode na kayo sa novel ko dahil puro labanan na lang. Gusto ko sana mag-focus na muna sa love story nila sa ikatlong volume at sa dulong-dulo na lang yung huling labanan.

Tulad ng plano, baka sa January 2020 ko na po ituloy ang volume three dahil pagod na pagod na po ang utak ko now. Sagad na ang brain cells ni Author Feibulous and I really need a break.

Tulad nga ng sabi ng kapwa ko author na si Dear Anjgee, WRITERS BLOCK IS REAL. Di ko 'to malalaman kung hindi dahil sa kanya. Char!

Anyway, let's enjoy ang mga huling chapters ng volume 2. Mga less than 10 na lang siguro lahat.

Maiba tayo, it's my Birthday nga po pala hahaha. DEC 14. Happy Birthday to me at sa mga may birthday rin na katulad ko. (' ',)

Thank you all Readers!

(Hugs and Kisses)