Chapter 285 - Strong for his baby

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Binuksan ni Cally ang pintuan ng kwarto ng asawa niya. He welcomed by a pair of small eyes. Khalid sat in the middle of the soft bed. Doodling on a single white sheet using his favorite crayon. Lumabas ang tagabantay nito nang makita siya.

"Hey buddy"

Nakasuot siya ng 'mofuku'. Isang black traditional japanese clothing na sinusuot sa lamay. Ikalawang araw ng lamay ni Prin at sinabi niya na ngayong gabi ay dadalhin na niya sa Pilipinas ang asawa niya at doon niya ito ililibing.

Sumang-ayon naman ang Uncle Rob niya at Tita Ingrid niya.

Sa muling pagkakataon, hindi niya alam kung paano haharapin ang mag-asawa.

Umupo siya sa dulong bahagi ng kama ng kwarto ni Prin sa Matsui mansion. Gumapang naman si Khalid patungo sa kanya. Inupo niya ito sa binti niya at tinitigan siya nito sa mata.

"Uhmma…" ungol nito.

Nagsimula na namang magsipaglaglagan ng luha ni Cally. Pati ang anak nila ay nasanay na hanapin ang asawa niya.

Ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Khalid. Paano pa sa mga susunod na buwan at taon?

Halos ayaw niyang harapin ang bangkay ni Prin na naging yelo na sa lamig at nasunog ang halos kalahati ng katawan. Tanging mga mata lang nito ang natira sa maganda nitong mukha.

He will no longer received his beautiful smile every morning. He will no longer touch her face whenever he wanted to. He will no longer kiss her sweet and kissable lips. He will no longer…

Hindi napigilan ni Cally ang humagulgol. Humiga siya sa kama para damhin kahit man lang ang naiwan na amoy ng asawa niya sa loob ng kwarto nito.

He knew it! na iiwan siya ni Prin sa misyon ngayon. Daig pa ang sampung patalim na sabay sabay na tumarak sa dibdib niya ang sobrang sakit na bumabalot sa katauhan niya.

'Why are you so unfair?'

"Uhmmma…" nagsimula na rin na umiyak ang anak niya na para bang naramdaman nito na wala na ang mommy nito.

Dumapa si Khalid sa dibdib niya at parang nakiisa sa pagluluksa ni Cally. Pati ang anak niya ay hindi na rin napigilan ang pag-iyak. Sabay sila na nagluluksa sa pagkawala ng asawa niya.

"Uhmmma…" he cried together with him.

"Don't worry buddy, you still have me… you have me…" niyakap ni Cally ng mahigpit ang anak saka hinagod ang likuran nito at pinilit niya na magpakatatag para man lang dito.

Kailangan niyang magpalakas at magpatuloy sa agos ng buhay dahil may Khalid pa siyang kasama. He needed to be strong for his baby.

Ipinapangako ni Cally na sa mga susunod na araw ay hindi na siya iiyak. Iyon na ang huli.

=====

Dalawang buwan pa ang lumipas…

Dahan-dahan na nagmulat ang isang babae na nakahiga sa isang hospital bed. Kung anu-anong mga kable ang nakakabit sa katawan nito.

Sa una, malabo pa ang lahat ng naaaninag niya sa paligid. Halos wala siyang masilayan.

Nanunuyo ang lalamunan niya na pumikit muli para bigyan ang sarili ng oras ang paningin niya.

"Tu...big…" mahinang usal niya.

Si Felix na kasalukuyang may ginagawa sa laptop ay napatayo nang madinig ang babae. Iniwan nito ang laptop sa maliit na mesa na naroon din sa loob ng hospital.

"Babe!"

Napalingon kahit si Apolo na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo. Napatayo rin ang may-edad na lalaki para lapitan ang anak niya.

"Tu...big…" tila galing sa hukay ang tono ng boses nito.

Pinindot ni Apolo ang buton para humingi ng tulong sa nurse o doktor. Ilang saglit pa ay dumating ang doktor kasunod ang tatlong nurse. Binigyan ang babae ng kakaunting tubig.

"I want... more…" sabi ng babae matapos inumin ang tubig na nasa maliit na paper cup.

"I'm sorry Master Apolo. Kailangan munang mag-adjust ng katawan niya bago siya muling uminom ng tubig. Hintayin natin ang thirty minutes bago siya ulit makakainom"

Tumango si Apolo.

"How are you Yuna?" Tanong ni Apolo sa anak.

"How are you, babe?" Si Felix.

"Si-sino kayo?" Tanong ng babae sa mga ito.

Tumingin si Apolo sa doktor. Mabilis naman na kumilos ang doktor para suriin muli ang dalaga.

May mga tinanong sa kanya na mga kung anu-ano katulad ng mga masakit sa katawan at kung ano pa. Sinagot naman niya ng tapat ang lahat. Wala siyang kilala sa lahat. Ang totoo, kahit ang sarili niya ay hindi niya kilala.

"My amnesia ang anak niyo Master Apolo. I think it's because of what happened to her. Nagkaroon ng phobia ang Miss sa mga nangyari." Paliwanag ng doktor.

"Yuna…" hinawakan ng binata ang kamay niya.

"...I am Felix, your boyfriend for two years. Don't you remember me?" Tanong nito.

Sinimulan niyang suriin ang mukha ng lalaki. He has gray eyes, dark haired na maalon-alon at katamtaman haba, makapal na kilay, matangos ang ilong at katamtamang nipis ng labi. Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan mahigit.

Hindi niya makapa sa dibdib niya ang sinasabi nito na nobyo niya ito. Why does her heart feels like it belongs to someone else?

Umiling siya. Doon niya lang napansin na parang mabigat ang ulo niya kaya hindi niya napigilan na hawakan ang mukha.

May mga nakapa siyang mga benda. Dinama niya iyon. Nagsimula ang pag-aalala sa kanya. Panget ba siya kaya nakabalot ang mukha niya?

"Wh-what happened to me?" Tanong niya sa mga tao sa paligid. Nagsimulang kumirot ang ulo niya at tila may naririnig siyang matinis na ingay.

Nataranta ang dalaga pati na ang lahat. Nagsimula siyang mag-hysteria kaya walang nagawa ang mga doktor kundi ang turukan siya ng pampakalma.

(Volume 2 ends here)