Chapter 284 - Ai Shiteru Yo (I love you)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sinisimulan ni Mat-mat at Tom na pigilin ang bilang ng bomba kasama ni Rob Matsui. 

Kung wala sana si Prin sa Maria Celeste 1 ay ayos lang sa kanila. Pero naroon ang anak niya at hindi niya hahayaan na maging abo ito at mapabilang sa impyernong barko na iyon kaya lahat ng paraan ay gagawin nila. 

Si Tom at Rob ang actual na sumusuri sa pisikal na detonator habang si Mat-mat naman ang nakatoka sa koneksyon nito sa bomba na nasa barko. 

Sigurado si Mat-mat na nakakonekta ang parang tila cellphone na detonator sa linya ng telepono at iyon ang sinisimulan niyang i-hack. Ganoon din naman ang nasa isip ni Rob

Binuksan na nila ang case nito at sinusuri ang mga wires. Halos sampung minuto na nilang iniimbestigahan ang bagay na iyon, wala pa silang nakukuhang resulta. 

Pinutol na nila ang halos kalahati sa mga wire at may mga tinanggal na rin katulad ng antenna nito pero patuloy pa rin iyon sa pagbilang ng countdown. 

"Uncle Rob, we only have 10 minutes" sabi ni Mat-mat sa kabilang linya. 

"kailangan natin magmadali kung ganoon... Mat, I trust you."

Mabilis ang kilos ng mga daliri ni Mat-mat sa kabilang ibayo ng mundo para putulin ang koneksyon ng detonator sa bomba

=====

Samantala, sa barko ni Captain Yeo… 

Napuno ng galit ang buong anyo ni Prin nang saksakin sa dibdib ang bago niyang kaibigan na si Yuna. Sobra na ang panghihina niya dahil naibuhos niya na ang lahat ng lakas sa dalawang lalaki, ilang minuto ang nakaraan. Kaya hindi niya alam kung paano babawian si Mayu. 

Nasa paligid ng deck ang mga ilang kasama niyang Dark Guards at nakikipaglaban sa mga pirata na tauhan ni Captain Yeo. 

"You know why I killed my husband? Because of you! Since nilason mo ang utak niya, I put poison in his wine and told everyone here that you did it" nakangisi na saad nito. 

Habang napopoot siya na nakatingin kay Mayu, tatlong bomba ang pinasabog ng Princess Ghost ship sa barko ni Captain Yeo. 

Gumewang-gewang ang barko nito matapos sumabog ang pinaka-bungad ng deck, ang gitnang bahagi at likuran, at nagkapira-piraso sa maliliit na kahoy. Nagsimula na rin ang pag-apoy sa iba't ibang panig ng barko. 

Dahil sa malakas na pag-galaw ng barko, tumilapon si Prin sa nakatambak na mga crates ng kahoy at dumausdos siya sa sahig. 

Lalong nakaramdam ng hilo si Prin at nagsimula na ring kumirot muli ang ulo niya. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya na makita na bumaba mula sa malaking barko si Cally. 

She looked at him habang sapo ang ulo. Tulad ng dati para itong prinsipe na bumaba mula sa langit at naglakad patungo sa kanya. 

Bahid ang pag-aalala kay Cally na makita si Prin na hindi maayos ang lagay. Namumutla ang labi ng asawa niya. Nagsisimulang mangitim ang mga mata. Wala na sa ayos at gulo-gulo na ang mahaba nitong buhok. 

What happened to her? Naisip niya. 

Tumakbo si Cally patungo kay Prin ngunit naunahan siya ni Mayu. Limang metro na lang ang layo niya, di pa siya nakaabot. 

Hinila nito si Prin mula sa pagkakasalampak at tinutukan ng patalim sa leeg na may bahid ng dugo dahil sa saksak na ginawa nito kay Yuna. 

Tumalim ang tingin ni Cally dito at kumuyom ang mga kamay niya. 

"Bitiwan mo ang asawa ko" madiin na utos ni Cally sa normal na taas ng boses. 

"Ha ha ha… tsk tsk! Pati ba ako ay inuutusan na rin ni Master Cally?" nakangisi na tanong ng babae. 

Nakatitig naman si Prin sa asawa niya. Nasa lalaki lang ang buong atensyon niya at wala na sa iba pa. Wala siyang pakialam kay Mayu o sa iba pa. 

Nginitian ni Prin ang asawa niya. She wanted to give her best for Cally because he deserves it but she guess na hanggang dito na lang ang kaya niya. Deep inside her heart ay alam ni Prin na iyon na talaga ang huli. 

Kumirot ang dibdib ni Prin ng sobra. 

Gusto niyang manghingi ng tawad dito dahil isang taon lang sila muling nagkasama. Hindi naman ito nabigo sa pagpaparamdam muli nito sa kanya ng pagmamahal. 

Mabilis na kumalat ang apoy sa paligid. Mula sa dilim ng gabi kitang-kita ang pagkapula ng apoy pati na ang maliliit na alipato, gawa ng kahoy. 

Gumitna pa ang apoy sa pagitan nila ni Cally na para bang pati tadhana ay nakikiisa na paghiwalayin sila. 

Mas kita ni Prin ang sinag ng liwanag ng apoy sa pisngi ng asawa niya. 

Lumapit si Lorenz at tumabi kay Cally na nakaporma ang hawak nitong espada. "Shi… We only have two minutes" bulong ni Lorenz. 

Nabasa ni Prin ang galaw ng labi ng Shogun kahit pa hindi niya ito nadinig. 

Napapikit si Cally sa nadinig. Tinitigan niya si Prin, nagsimulang mamasa ng mga mata niya at manikip ang dibdib niya habang nakatitig sa mga mata nito kahit sa ilang metrong distansya. 

Bakit pakiramdam niya ay mauulit sa kanila ni Prin ang nangyari noon? Katulad lang ba o mas malala pa noon? The look in her eyes is telling him na huwag na itong iligtas pa. Nagbabadya na ng pamamaalam. Naninikip ang dibdib ni Cally. Tila hinihipnotismo siya ng asawa na huwag na itong iligtas pa. 

"Ai. Shi.te.ru. yo…" galaw ng labi ni Prin. Hindi naman nahirapan si Cally na mabasa iyon kaya hindi niya napigilan ang luha. Palapit na siya kahit pa ang suungin ang malalaking apoy sa pagitan nila nang biglang magsalita si Mayu. 

"Ha! Ang boring niyong dalawa! Mabuti pa ay tapusin na natin ito!" sinaksak si Prin sa dibdib ni Mayu tulad ng ginawa nito kay Yuna. 

"Noooo!!!" sigaw ni Cally. 

Ibinuhos naman ni Prin ang lahat ng lakas niya para gilitan sa leeg ang babae ng hawak niyang patalim. Nagtuluy-tuloy ang daloy ng dugo ni Mayu hanggang sa bumagsak ito. 

"Prin!!!" sigaw ni Cally. Hindi niya alam kung paano susuungin ang malalaking apoy. 

"Hah!!!" nakikita niya pa ang mukha ng asawa sa kakaunting siwang ng mainit na apoy na nakangiti sa kanya na lalong tumatarak sa dibdib ni Cally. 

"Shogun… please get my wife…" pakiusap ni Cally sa pagitan ng mga pagluha. 

Tumango si Lorenz. 

Plano na nitong tumalon sana sa kabilang panig nang umingit ang barko ng Maria Celeste 1 at gumewang iyon. 

Ilang saglit pa, isang maliit na pagsabog ang naganap sa barko ni Captain Yeo at nahati sa dalawa ang barko nito. 

Sa halip na tumalon si Lorenz sa kabilang panig, hinila niya si Cally palayo sa apoy at sa sumabog.