Chapter 283 - New Friend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nasa loob ng isang kulungan ng Maria Celeste 1 si Prin at Yuna. Wala kahit isang gamit ang makikita sa loob ng kwarto kaya parehas silang nakasalampak lang sa sahig. 

Tahimik na lumuluha si Yuna sa tabi. Kasalukuyan namang nanghihina si Prin. 

"Can you tell me about yourself, Yuna?" tanong niya dito. Naisip niya kasi na iligaw ang malungkot nitong anyo. Tutal naman ay hindi niya pa lubusang nakikilala ang babae kaya naisip niyang kausapin ito. 

Halata ni Prin na na-trauma talaga ito sa mga nangyari sa nakalipas na araw. 

Tumingin ito sa kisame at tila nagbalik-tanaw sa buhay nito. "I never had a good life in the past." simula nito. 

"... My Dad never loved my Mommy, but my Mom loved him since the first time they met." 

Natahimik si Prin. Everyone in the family knew that Apolo loves Ginny Lopez, her mother-in-law. Nagawa pa nga ni Apolo na dukutin ang Mommy ni Cally noong kabataan ng mga ito. At alam niya na hindi rin ito kaila kay Yuna. 

Vocal kasi ang lalaki sa nararamdaman nito at hindi nahihiya na ipakita ang pag-ibig nito kay Ginny Lopez kahit pa sa harapan ng Daddy ni Cally na si Cloud Han. 

"Walang pinakasalan ang Daddy mo sa dalawang babaeng nabuntis niya?" tanong niya dito. Alam din naman kasi ni Prin na may dalawang babae si Apolo.

"None. Ang totoo, nangailangan lang siya ng descendants but unfortunately parehas kaming babae ni Mari." sumama ang mukha nito nang banggitin ang pangalan ng kapatid.

"...My sister and her mom are both witches. We lived together in one villa na nasa India. Hati dapat ang lahat sa aming dalawa sa loob ng villa na iyon pero inaangkin nilang mag-nanay ang para sa amin ng Mommy ko. My life is like a modern Cinderella with a step-sister and an evil step-mother"

"Paano mo nalaman ang mansyon ng Matsui? Saka paano ka nakatakas kay Ana?" naisip niyang itanong dito. 

"She kept me in a van for a couple of days na naroon lang sa area… nang magkaroon ng tsansa, tumakas ako sa isa sa mga guard na kasama niya. Sa loob ng ilang araw hindi nila ako pinakain o pinainom ng tubig" nagsimula na naman na lumuha ito.

"w-where is your Mom?" naisip niyang ibahin ang usapan, ngunit lalong sumama ang loob nito at mas dumami pa ang daloy ng luha sa mga mata.

"My mom died last month nang panahon ng pagsabog. Mayu Killed her" 

Parang kumirot ang dibdib ni Prin sa sinabi nito. Kahit nanghihina, nilapitan niya ang babae at niyakap ito. Naisip niya ang Mommy niya. Kung ang Mommy niya ang nalagay sa alanganin sigurado si Prin na hindi na lilipasan ng araw si Mayu.

Naisip niya na napakasama talaga ng babaeng iyon. 

"Don't worry, you still have your Dad" Naipaalam niya na sa grupo ni Apolo na sunduin si Yuna. Hindi niya lang alam kung nasaan na ang grupo nito. 

Biglang pumasok sa isip niya si Cally, ang anak niyang si Khalid at ang magulang niya. Parang may patalim na tumatarak sa dibdib niya matapos maisip na iiwanan niya na naman muli ang mga ito. 

"Yuna, kung sakaling mamatay ako dito, pwede mo bang ipangako sa akin na babantayan mo ang baby boy ko?" 

Halatang nabigla ito sa sinabi niya "Bakit?" 

Natahimik si Prin. "Nothing… Do you have a boyfriend?" 

"Yes, he is from Smith Family… unfortunately, his family doesn't like me dahil anak ako sa labas"

Kilala ni Prin ang pamilya ng Smith. Isa ang pamilya nito sa pitong pamilya ng Dark Lords. Nasa UK lang din nakabase ang pamilya nito pero hindi masyadong active sa organisasyon. Casino naman ang forte ng pamilya ng Smith.

"How's your relationship with him?"

Bago pa ito sumagot ay nagkakagulo na ang mga tao sa barko ni Captain Yeo. nakarinig sila ng mga papalapit na yabag

"Tumayo kayo diyan!" utos sa kanila ni Casper. Nakasunod dito si Mayu na matatalim ang tingin na pinupukol kay Prin.

"Buksan ang gate!" utos ng babae dito. 

Nanginginig sa takot si Yuna habang nakayakap sa kanya. Matapos mabuksan ang gate na bakal, hinila ng mga ito ang dalaga mula sa kanya at pinasa kay Mayu. 

Hinawakan siya ni Casper para ilabas sa kulungan. Sinimulan siya nitong hilahin habang naglalakad sila sa pasilyo. May mga naririnig siyang mga hiyaw sa deck. 

Naisip niya na baka nandiyan na ang asawa niya dahil nakatakda naman talaga na harapin nito ang barko na iyon. Pinilit niyang hugutin ang lahat ng natitirang lakas, hinugot ni Prin ang patalim mula sa kamay ni Casper at sinaksak ang lalaki sa leeg. 

Tinalon naman niya ang isa pang kasama nito at binali ang leeg nito.

Nabigla si Mayu sa bilis ng pagkilos ni Prin. Tinutukan nito si Yuna ng patalim sa leeg. "Don't you dare, Prin Matsui"

Naglakad ito paatras at hinihila si Yuna habang nakatutok dito ang patalim. Nanlilisik ang mata ni Prin habang nakatingin sa babae lalo na at nakikita niya na lumuluha si Yuna. Natagpuan niya ang bago niyang kaibigan sa katauhan ng babae kahit pa mas bata ito sa kanya ng ilang taon.

Naghahanap siya ng tyansa para bawian ang luka-lukang si Mayu hanggang sa makarating sila sa deck.

Tumawa lang si Mayu. "Do you know where is Captain Yeo? I killed him" nakangisi pa ito na parang proud sa ginawa nito. 

"...And It's all your fault!" namumula ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"You are crazy!" sigaw ni Prin sa babae. 

"Ha! I'm always crazy!" sinaksak nito sa kaliwang dibdib si Yuna, malapit sa collarbone.

"No!" Sigaw ni Prin.