Chapter 282 - To capture Gon Peter (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagpalitan si Kai at Levan ng espada. Parang walang gusto na magpatalo sa kanila. Aminado si Kai na malakas talaga si Levan base sa mga sagot nito sa tira niya. 

"excited na 'kong patayin ka!" sabi nito sa kanya. 

"Kung ganoon, goodluck!" saka niya inabante pa ang katana patungo sa leeg nito. Nakaiwas si Levan. 

Tinuhod naman nito si Kai sa binti dahilan para mapaatras siya saka nito hinampas din ang espada na hawak. 

Nang magkaroon ng tsansa, nangigigil na hinila niya ang buhok ni Levan saka inuntog iyon sa pader. 

Habang ginagawa iyon, napansin niya sa gilid ng mata niya na naiinip na si Gon Peter sa paghintay sa elevator at pinaputukan sila nito ng hawak nitong beretta (isang uri ng baril). Mukhang nagtagumpay si Tom na hindi magamit ang elevator

Sinalag niya ang katawan ni Levan sa mga bala kaya tumama sa balikat nito ang isa.

*bang bang* kita ang pagkabukas ng puting kasuotan nito sa balikat. 

"Tsch!!!" Levan hissed. Lalo na't kita ang pulang dugo na dumaloy sa puting kasuotan nito. 

"Don't wear white next time. It's ugly!" pang-aasar ni Kai sa lalaki. 

Natalo rin naman ng dalawang Dark Guard ang mga kalaban nito na tauhan ni Gon Peter at kasalukuyan ng nakabulagta sa sahig na halatang wala ng buhay. 

Napansin ni Kai na tinungo ni Gon ang east-fire exit kaya pinasa niya si Levan sa dalawa. 

"Bantayan niyo ang isang ito. Dalhin niyo siya sa deck. Susundan ko si Gon."

"Copy Leader MB5!" sagot ng dalawa. 

Tinitigan lang ni Kai ng pailalim si Levan saka sinundan si Gon Peter na nakalabas na sa kabilang fire exit.

Mabilis ang mga hakbang na sinundan niya ang lalaki. Sinalubong ang grupo ni Gon ng tatlong Dark Guards na kasalukuyang nasa east-fire exit. 

Nagkikiskis ng mga ngipin na nagpaputok muli si Gon ng beretta na nakatutok sa mga kasama niya. 

*bang bang*

"Mga bwisit kayong Dark Guards Kayo!" 

Hinagisan naman ito ng shuriken ng kasama niya ngunit ginamit ni Gon ang dala nitong gamit para salagin ang star na may matutulis at matalim na bakal. 

Matapos iyon ay sinipa nito ang isang Dark Guard ng ubod lakas. Ang dalawang kasama nito ay kasalukuyan din na nakikipaglaban sa kapwa niya Dark Guard. 

Tumilapon sa pader ang Dark Guard na iyon dahilan para makalusot si Gon papa-akyat. 

"Ako na ang bahala, MB12. Tapusin niyo ang dalawang iyan!" utos niya dito. 

Mabilis ang pag-akyat nila ni Gon sa deck ng cruise na halatang naghahabulan. Pinaputukan muli siya nito ng bala sa ibaba dahil siya ang humahabol dito. Gumilid naman si Kai para hindi siya matamaan. 

Hanggang sa makalabas sila sa deck. Parang inaalon-alon din ang ginintuang buhok nito dahil sa hangin ng dagat. 

Matalim ang pagkakatitig ni Kai kay Gon.

"Lumayo ka!" nilabas nito ang isang maliit na bagay na kasing laki ng maliit cellphone at itinaas iyon at akmang pipindutin. 

"Ito ang remote ng bomba na nasa Maria Celeste 1"

Naglakad ito paatras sa pinakadulo ng deck. Sumusulong naman si Kai palapit kay Gon habang nakahanda ang katana niya para saktan ito anumang oras. 

Napipikon na siya sa lalaki gusto na niyang pugutin ang ulo nito at ipakain sa pating. 

"I must admit Leader MB5 that you did great." tumawa ito ng malakas. 

"But what will you do if I did something to your little kitten?" 

Lalong sumama ang mukha ni Kai. This guy dares to do something with his girls? In your dreams. 

Ha! Mukhang ayaw na talaga nitong mabuhay. Wala siyang pakialam kahit sumali pa siya sa war ng pamilya Kent at Peters pero wala ni isa ang magtatangka na gumawa ng masama kay Bella o Angel. 

"Hah!!!" galit na tinalon ni Kai si Gon at parang slo-motion na pinutol niya ang kamay nito na nakataas at nakahawak sa remote. 

Hinampas niya ang katana pakaliwa, saka at dahan-dahan na nilipad ang kamay nito na hawak ang remote patungo sa sahig. 

"Shiiit! F.u.c.k you Kai Jang! This is not the last day I will see you! You better help Prin in Captain Yeo's ship! You have 30 minutes." galit na sabi nito saka tumalon sa dagat. 

"F*ck!" pinilit pa niyang habulin ang lalaki ngunit nawala na ito sa paningin niya. Nangigigil na nasuntok na lang niya ang bakal na sumusuporta sa deck

Nilapitan niya ang kamay nito na hawak ang tila isang remote. Nabigla si Kai nang makita ang mga nakasulat doon. Nagc-countdown na ang mga numero nito. 

Tulad ng banta ni Gon, mayroon silang 30 minutes para iligtas si Prin na kasalukuyan na nasa barko ni Captain Yeo. 

Kinuha niya ang radyo "Tom, call Shi! Kailangan natin bawiin si GW8 sa loob ng 30 minutes!"