Chapter 281 - To capture Gon Peter (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos matanggap ni Kai ang utos na puntahan ang cruise ship na nasa paligid lang din. Kasama ang lima pang Dark Guards ay tumuloy sila patungo sa mamahalin na barko na iyon. 

Sumakay sila ng helicopter na nakaparada lang doon sa malawak na deck ng Princess Ghost ship. 

Habang nasa himpapawid, nanghingi sila ng pahintulot sa kapitan ng cruise na magla-land sila sa ibabaw ng deck nito. 

Pinayagan naman sila nito nang makilala nito ang may-ari ng helicopter. Sinalubong pa sila ng kapitan sa deck nang makalapag sila sa cruise ship. 

"I'm Kai Jang" pagpapakilala niya dito. 

"I know you Second Young Master or Leader Kai. I am Doc Mikko's friend."

"Oh! Good to hear. Hinahanap namin si Gon Peter, kung matutulungan mo kami ay mas maganda." 

Seryoso lang ang kapitan na yumuko sa kanya. "Patawarin mo ko Leader Kai, I don't want to offend anyone. I can let you search the whole ship but I can't say where exactly is Gon Peter." 

Naiintindihan naman ni Kai ang ibig nitong sabihin. Malaking bagay na ang pagpayag nito na maghanap sila sa cruise nito. Alam naman nila ang eksaktong kwarto ni Gon Peter kaya siguradong hindi na siya mahihirapan kahit hindi pa sabihin sa kanya kung nasaan ang lalaki. 

"Walang problema." sinenyasan niya ang mga kasama para tumuloy sila sa loob ng malaking cruise. Nasa ika-apat na palapag ang grupo ni Gon kaya doon sila tutungo mula sa deck. 

"Tom, where is Gon idiot?" tanong niya sa kasama gamit ang radyo na koneksyon nila sa Princess Ghost ship. 

"Nasa kwarto pa din dahil nakikita ko si Levan na nagbabantay sa labas." sagot nito.

Hinarap niya ang limang kasama. Tinuro niya ang tatlo sa mga ito. "Doon kayo sa east-fire exit. Kayong dalawa sumunod kayo sa akin. Sa 4th floor tayo magkita-kita."

Tumango lang ang mga ito saka tinungo ang lugar na mga nakatoka dito. 

Sabay-sabay silang nagsipagtakbuhan patungo sa floor kung saan naroon si Gon Peter. Sigurado si Kai na minamanmanan nito ang barko ng Maria Celeste 1 kaya nananatili ito sa kwarto nito.

"Kai, lumabas si Gon ng kwarto!" narinig niyang sabi ni Tom sa radyo. 

"...Hindi ko alam kung saan siya patungo pero binitbit niya na ang personal niyang gamit." dagdag nito.

Nataranta naman si Kai sa sinabi nito kaya napabilis siya ng hakbang sa mga baitang ng hagdanan. 

"Faster guys!" sigaw niya sa mga kasama sa bluetooth earpiece na koneksyon niya sa mga Dark Guard sa cruise ship na iyon. 

Hindi niya hahayaan na makaalis ang kumag na si Gon Peter sa paningin niya ngayong gabi.

Sakto naman ang paglabas nila sa fire exit sa ika-apat na palapag. Naglalakad si Gon at Levan na may kasamang limang guard din nito sa pinakagitna ng hallway.

Halatang nagulat ang mga ito sa biglaan nilang pagsulpot sa hallway. 

Sumilay ang pagkakangisi ni Kai sa mga labi at agad na tinakbo ang grupo ni Gon. Nagpaputok ng baril ang mga ito sa kanila habang umaatras patungo sa elevator.

"Mauna ka na Master!" sigaw ni Levan.

Agad naman na tumalikod si Gon Peter patungo sa elevator na ilang metro lang ang layo mula dito na bitbit ang mga personal nitong gamit, kasunod ang dalawa pang Guard nito.

Umismid lang si Kai habang sinasalag ang mga bala gamit ang isang katana na bitbit niya. Naisip niya na kung si Cally iyon ay siguradong hindi ito basta tatalikod na lang para iwan ang kahit na sinong Dark Guards para lang iligtas ang sarili nito. 

Ibang-iba dito kay Gon Peter na parang umuurong ang buntot sa takot nang makita siya.  

Hinugot ni Kai ang radyo niya para bigyan ng signal si Tom "patayin mo ang elevator ng cruise." 

Matapos iyon ay nagpatuloy sa pagtakbo si Kai, ganoon din naman ang dalawa pang kasama niya patungo sa mga taong kailangan nila. Hindi niya hahayaan na makaligtas sa paningin niya si Gon Peter, ito ang misyon niya sa gabing iyon. 

"Hahhhh!!" hinugot ni Levan ang espada nito para harapin si Kai. Ganon din ang dalawa pang kasama nito saka sila sabay-sabay na hinarap.

Si Kai laban kay Levan Hung at ganoon din ang dalawa pa nilang kasama 

Winasiwas nito ang espada para patamaan si Kai at ganoon din naman siya sa lalaki. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na suntukin ito sa mukha. 

Napansin niya si Gon na naiinip na sa elevator, humugot ito ng baril at pinaputukan sila nito habang tinutungo ang east-fire exit.