Chapter 280 - I'm wrong

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous : Warning! Marahas content. Not suitable for minor]

Pailalim na tiningnan ni Lorenz si Ana. 

Namimilipit sa sakit ang babae habang hawak nito ang braso na naputulan. Hindi na nga nito mahanap ang kamay na natanggal at naisip na baka tumalsik iyon sa dagat. 

"I can't believe of all people na ikaw pa ang lilitaw na taksil sa grupo. Where is Prin?" sabi ng Shogun sa babae. 

Hindi ito sumagot pero bumalot ang takot sa mukha nito. 

Mas dumoble ang takot sa mukha ni Ana nang makita si Cally na papalapit sa kanya matapos din nitong tumalon mula sa malaking barko. Wala siyang mabasang emosyon sa tinuring niyang Shi sa loob ng mahabang panahon at alam niya na mas nakakatakot ito kapag ganoon ang anyo nito. 

Kasabay ni Cally na lumabas din ng deck si Joen msa loob ng yate. 

"Shogun, wala dito si GW8." pagbibigay-alam nito. 

Mas tumalim ang mga mata ni Cally sa nadinig. Umupo siya sa tanning bed na ginamit ng babae ilang minuto ang nakaraan saka inutusan ang mga kasama niya. 

"Baliin isa-isa ang mga daliri niya sa kabilang kamay!" malamig na utos ni Cally. 

He will slowly torture Ana at hindi niya tatapusin ang paghihirap nito sa araw na iyon. Ito na yata ang pinakamalupit na parusa na mararanasan ng isang Dark Guard sa mga kamay niya. 

Nanlaki ang mata ng babae sa utos ni Cally at dumoble ang takot niya lalo na nang humakbang papalapit ang apat na Dark Guards sa kanya kabilang ang Shogun.

Sinubukan nitong lumayo at tumakas ngunit nahuli na ng Shugon ang balikat ng babae. 

Bahagyang nakangisi si Lorenz. 

Si Joen ay pikit-mata sa gagawin. Gusto niyang maawa sa babae dahil may malalim na pinagsamahan sila nito. Tinuring niya rin na kapatid si Ana. Pero nabuhay sila na hindi dapat makaramdam ng awa lalo na kung ang pagbabasehan ay utos mula sa master nila. 

Alam ni Ana ang sinumpaan nito at hindi dapat makaramdam ng ganid ang isang Dark Guard. Hindi nga ba at ito ang unang karakter na pinaintindi sa kanila noong trainees pa lang sila? Ito ang naging dahilan noon kung bakit pinaalis sa training si Levan Hung. Kaya hindi niya maintindihan ang babae. 

Sa loob ng mahabang panahon, lahat sila ay namuhay sa paniniwala na lahat ay nakukuha sa abilidad. 

Hinawakan ni Joen at dalawa pang kasama nila ang magkabilang braso at binti ni Ana para pigilin. 

Nagsimulang lumuha ang babae lalo na nang hawakan ng Shogun ang isang daliri niya para baliin. 

"Sayang naman kung isa ng braso mo lang ang hindi gumagana kaya lahatin na natin." nakakalokong sabi dito ng Shogun

"Sh-shogun, please spare my life… I did wrong! I know I did something wrong! Please stop! Ahhhh!!!!" napapikit na lang ito dahil sa sakit na ginawa ng Shogun. Idagdag pa na patuloy sa pagtulo ng dugo ang kabila nitong braso. 

Narinig na lang ang pag-crack ng buto niya sa kamay. Lumapit si Cally sa grupo. 

"Where is Prin?" tanong ni Cally sa babae sa katamtaman na boses. 

"sh-sh-shi…. P-please stop… I gave her to Captain Yeo… I-I did wrong… Please stop Shogun…" umiiyak na pakiusap nito. 

Sumenyas lang si Cally na ituloy ang pagbali sa ikalawang daliri ni Ana. 

"Haaaahhhh!!!" narinig na naman ang paghiyaw ng babae. Halos mahilo na ito sa estado nito. Nagsisimula nang mamutla ang babae sa dami ng dugong nawala dito. Pati sa matinding sakit matapos mabali ang mga daliri niya. 

Hinayaan siyang malugmok ng mga kasama sa sahig na parang lantang gulay. 

Huminga ng malalim si Cally nag-iisip siya ng susunod na hakbang. 

Biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakita niya na si Mat-mat ang tumatawag kaya sinagot niya iyon. 

"Cally, Si Prin kailangan mong magdali. We only have 30 minutes para makaalis siya sa barko ng Maria Celeste 1." sabi nito. 

Nilingon niya ang lugar ng barko na binanggit nito. Maliit iyon sa paningin niya pero ok na iyon dahil mas malapit na siya sa lugar kaysa wala siyang nasisilayan. 

"Gon activated the bomb. Hawak na ni Kai si Levan pero tumalon sa dagat si Gon Peter matapos nitong i-activate ang bomba." nakakuyom ang kamao na nilapitan niya ang babae na parang wala ng buhay

"Saan naroon ang bomba?" tanong ni Cally kay Ana.

"Sa... kitchen..." nanghihinang sagot nito.

"Remember my face, Ana. Kapag may nangyari na hindi ko nagustuhan sa asawa ko, kahit sa impyerno ay susundan kita..."

"Everyone! To Captain Yeo's ship!" sigaw ni Cally.