Chapter 279 - Princess Ghost Ship (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous :Warning! Marahas content]

Ang naging stratehiya ni Cally ay patayin ang lahat ng ilaw ng Princess Ghost ship. Tulad ng pangalan nito, para itong multo na hindi nakikita at tanging mga ilaw sa loob lang ng barko ang maliwanag ngunit madilim ang kabuuan nito sa labas.

Bukod sa pulang signal nito na umiilaw sa tuktok ng barko ay wala nang iba pang liwanag ang ibinibigay nito sa iba pa.

Isang trick para hindi sila makita ni Gon o ni Captain Yeo habang pasulong sila sa sasakyan nito.

Bumagal ang pagsulong ng barko nila habang papalapit sa yate ni Gon.

Tumayo si Cally mula sa kinauupuan nang makita na ilang kilometro na lang at makakasalubong na nila ang yate na pag-aari ni Gon Peter.

Nilapitan siya ni Rob at tinapik nito ang balikat niya. Sa mga oras na iyon lang yata nagbago ang mood niya habang nakatingin sa mata ng ikalawa niyang ama.

Ngumiti siya ng simple.

"I trust you, Cally." sabi nito.

Tumango lang siya pagkatapos ay lumabas ng monitoring room.

Nakasunod naman si Lorenz at isa pang Dark Guard kay Cally. Hinayaan nila si Rob na magmando at magtrabaho sa monitoring room.

May ideya si Cally na naroon si Ana dahil nasa cruise ship si Gon Peter ngunit hindi siya sigurado kung naroon din sa yate si Prin.

Sakto lang ang liwanag sa hallway habang naglalakad siya hanggang sa buksan niya ang pintuan papalabas sa deck at sinalubong sila ng dilim ng gabi kasabay ng lamig ng hangin.

Sinalubong sila ni Joen at ng dalawa pang Dark Guard.

Pinatungan siya ng itim na coat ng isa sa mga ito at tinungo ang pinakadulong bahagi ng deck kung saan mas kita niya kung paano dudurugin ang yate ni Gon Peter.

"Be ready!" utos ni Lorenz.

Matalim ang mga mata ni Cally habang nakatingin sa papalapit na yate.

Ilang saglit pa, hindi niya napigilan na umismid nang makita si Ana na nakahiga sa tanning bed at tila ninanamnam ang hangin ng dagat.

Tinaas ni Lorenz ang kamay biglang signal.

Hinanda ng Dark Guard na kasama nila ang riffle nito at tinutok iyon sa kapitan ng yate.

Si Joen at ang dalawa pang kasama nito ay nakaposisyon na para tumalon sa yate mula sa deck.

Nang tumabi ang barko nila sa yate kung saan naroon si Ana ay nagbigay ng signal si Lorenz.

"Go!"

Sabay-sabay na kumilos ang lahat kasabay ng pagbukas ng sampung spotlight ng Princess Ghost Ship at lahat ay nakatutok sa yate.

Tumalon mula sa barko ang tatlong Dark Guard kung saan kabilang si Joen.

Parang hangin na kumilos ang mga kasama niya sa sobrang bilis. Nilabas ang mga patalim at ginilitan agad sa leeg ang dalawang lalaki na kasama ni Ana na nag-iikot-ikot.

Parang kandila na naupos na biglang bumagsak ang mga ito sa sahig.

Matapos sumirit ng dugo sa leeg ng mga ito, pinasok pa nila ang loob ng yate para hanapin si Prin. Hahayaan nila si Ana sa Shogun para ang lalaki ang magparusa dito tulad ng nakasanayan ng mga Dark Guards.

Nakita nila na tinakpan ni Ana ang mukha nito dahil sa sobrang silaw sa sampung maliliwanag na spotlight na nakatutok dito.

Sumenyas si Cally na naging hudyat para tumalon si Lorenz mula sa deck. Halatang nagulat ang babae na makita siya doon kaya nagtago ito sa likod puting tanning bed.

Napangisi si Lorenz. Bumalot sa katauhan niya ang pagiging Leader at tuturuan niya talaga ng leksyon ang babae. Kung tutuusin, nasaktan din siya na nagtraydor ang madalas nilang kasama at tinuring na kaibigan.

Lalo pang lumapad ang pagkakangisi niya nang hagisan siya ni Ana ng patalim ng Dark Guards.

Sinalo lang ni Lorenz ang patalim na iyon ng kamay niya kahit pa bahagya siyang nasugatan. Talagang sinusubukan siya ng babaeng ito.

"Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon, Ana!" Hindi na niya nagawang tawagin ito sa code nitong GW10 dahil hindi na nito deserved ang code ng Dark Guards.

*bang bang*

Pinaputukan siya nito ng baril. Gamit ang isang katana na nasa likuran niya, mabilis niyang hinugot ang bagay na iyon para magawa niyang salagin ang mga bala.

Naglabas siya ng tatlong shuriken at hinagis dito, nailagan din naman nito ang bagay na iyon.

"Hah!!!!!" Hiyaw ni Ana saka tinalon ang Shogun na hawak ang patalim para saksakin siya sa leeg.

Mabilis na kumilos naman si Lorenz na tumalon din para harapin ang babae at winasiwas ang espada na hawak dito. Nangigigil na pinutol niya ang kamay ng babae na may hawak na patalim.

"Ahhhh!!!" Hiyaw ni Ana.

Nang makalapag ang mga paa ni Lorenz sa sahig, walang mabasa sa emosyon niya na pinunasan ang mga bahid ng dugo ng espada kahit nakatalikod pa sa babae.

"Ahhhhhh!!!" Nagkikiskis ang mga ngipin ng dalaga dahil sa magkahalong sakit at galit sa pagkakaputol ng kamay nito.

Sino bang Dark Guard ang gugustuhin na mawalan ng kamay? Sa propesyon na mayroon sila, masasabi na buhay nila ang mga binti at mga kamay.

Mabilis na binalik ni Lorenz ang katana sa case nito na nakasabit sa likuran niya, matapos na mabilis na malinisan ang bagay na iyon.

Halos maiyak si Ana habang nakatitig sa nagdudugo niyang pulsuhan.

Katulad ng banta ni Prin, wala pang bente kwatro oras ay sigurado na babawian siya ni Cally