Chapter 278 - Princess Ghost Ship (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Galit si Cally habang papalapit ang barko na may pangalang Princess Ghost Ship sa Maria Celeste 1. Ang sasakyang pandagat na iyon ng Dark Guards ay niregalo ni Aiden Park sa grupo. 

Halos lahat yata ng galit niya ay maibubuhos niya ngayong gabi. Ginawa niya ang lahat para mailigtas si Prin pero sadyang matigas ang ulo ng asawa niya. 

He wants to cursed everyone for what is happening. Pati tuloy siya ay nagduda na kung tama ba na iniwan niya ang asawa niya sa Matsui Mansion.

Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa apat na monitor na may tig-70 inches ang sukat na pinagtabi-tabi. Titig na titig siya sa dalawang berdeng kumukurap-kurap. Iyon ang tanda ng Maria Celeste 1 at ng barko nila. Ang ibang sasakyan ay naka-marka ng kulay dilaw para hindi sila malito sa kung anong sasakyan ang hahabulin nila. 

Sa loob ng ilang kilometro, makakamit niya na ang paghihiganti na inaasam niya sa loob ng ilang taon na pagtitimpi niya. 

Mukhang naipon ng mag-asawang Mayu at Captain Yeo ang galit niya at sobrang nasagad pa ngayong araw dahil hawak ni Ana ang asawa niya -- Ang traydor sa grupo. 

Nakatakda si Lorenz na maging bantay ni Cally sa misyon na iyon kaya naman naroon lang siya sa tabi ni Cally at walang planong iwan ang master nila. 

Alam ni Lorenz na iba ang mood ni Cally sa mga oras na iyon. Kinakabahan siya sa mga akto ni Cally na parang bulkan na sasabog anumang oras. 

Halos bumaba ang temperatura sa loob ng monitoring room kung saan binabantayan nila ang galaw ng kalaban dahil sa init ng ulo ni Cally. Ramdam ng mga tao sa kwarto ang pressure. 

Matalim at titig na titig ang master nila sa monitor na nasa loob ng monitoring room ng barko. 

Ilang saglit pa, pinutol ni Tom ang atensyon niya sa monitor ng sumigaw ito. 

"Shi Cally, nakita ko na si Gon Peter! Nakasakay siya sa isang cruise ship na malapit sa east west, ilang kilometro ang layo sa Maria Celeste 1. Ang nakapagtataka nasa paligid lang din ang yate niya." pagbibigay-alam nito. 

"Bakit nasa cruise ship siya kung nasa paligid lang ang yate?" tanong ni Lorenz at tinungo nito si Tom na nasa isang table para silipin ang screen ng laptop nito. 

Tulad ng sabi ni Tom, na-capture si Gon Peter sa CCTV ng cruise ship at naganap lang iyon bente minutos ang nakaraan. Kasama nito si Levan Hung kaya sigurado sila na ang lalaki talaga iyon. 

Hindi nagsalita o nagkomento si Cally sa nadinig pero sigurado siya na ang rason ay para linlangin sila dahil gusto nito na makita na lulubog sila kasabay ng Maria Celeste 1.

Ha! Sigurado na mas malilinlang ang kawawang si Gon Peter sa plano niya. May plano siya na lagyan na ng ekis ang mukha nito sa gabi na iyon. Ilang tao na ang mga naghirap dahil sa lalaki. 

Kahit ang kaibigan niya na si Bea na walang kamalay-malay ay dumanas sa lupit nito. Ang Shogun, ang pagkawala ni Prin sa loob ng ilang taon at marami pa. 

And this time is a payback time. 

"Magsihanda ang lahat!" sigaw ni Lorenz sa mic kung saan nakakonektado ang bagay na iyon sa lahat ng bluetooth headset ng Dark Guards. 

Tinawag nito ang atensyon ni Kai. 

"MB5, nasa cruise ship si Gon Peter. Maghanda ka na." pagbibigay-alam ni Lorenz kay Kai na kasalukuyan na nasa deck at hawak ang binoculars para suriin ang cruise ship. 

"copy" sagot ni Kai. 

====

Nakaupo si Ana sa tanning bed ng yate at tinititigan ang mga kislap ng bituin. Madilim ang paligid at tanging alon lang ang nadidinig niya. 

Ilang minuto pa lang nang iwan niya ang kaibigan na si Prin sa kamay ng mag-asawang Mayu at Captain Yeo. Hindi niya maramdaman ang pagka-guilty o kaya naman ay ang kasiyahan sa isang daang milyon na makuluha niya. 

Inaliw niya na lang ang sarili sa panonood ng nagkikislapan na bituin. 

Nabigla na lang siya nang may tumutok sa kanyang liwanag. Mula sa dilim ay kailangan pa niyang mag-adjust sa sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa kung saan. 

Tinakpan niya ang mukha ng braso dahil nasilaw talaga siya at hinayaan na kilalanin ang nagmamay-ari ng maliwanag na ilaw. 

Buong yate yata ay tinutukan ng bagay na ito ng liwanag. 

Habang nakatakip ng kamay ang mukha niya at pinakikiramdaman ang nagmamay-ari ng maliwanag na ilaw, lumagabog na lang ang nasa gilid niya at nanlaki ang mga mata nang makita na nagilitan na ng leeg ang dalawang kasama niyang tauhan ni Gon Peter. 

Nakarinig din siya ng putok ng baril mula sa manibela ng yate na 'yon. 

'Anong nangyari?' 

Nang makabawi ang mata niya sa sobrang liwanag, doon niya lang nakita ang napakalaking barko sa tabi na hindi niya alam kung saan nanggaling. 

Nanlaki ang mata ni Ana. 

Para itong multo na bigla na lang sumulpot sa tabi ng yate kung saan siya naroon. Mas ikinabigla niya ang pagtalon ni Lorenz mula sa deck ng malaking barko na iyon. 

Sigurado na naroon ito para bawian siya dahil alam na nito ang ginawa niya mula kay Mat-mat. 

Alam niyang hindi niya kaya si Lorenz pero hindi naman siya papayag na basta magpatalo rito. Naghanap siya ng pwedeng pagtaguan. 

Ginilid niya ang tanning bed at nagtago doon mula kay Lorenz, saka hinagisan ang lalaki ng patalim. 

"Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon Ana?" mayabang na sabi ni Lorenz na sinalo lang ang patalim na hinagis dito ng babae.