PAGKALIPAS NG TATLONG TAON…
"The President is back" pagbibigay-alam ng receptionist ng isang MGM Building Tower 2 habang hawak ng parehas na kamay nito ang telepono sa desk. Kausap nito si Assistant Xander sa telepono.
"Okay." Ang tanging sagot ni Xander saka nito ibinaba ang telepono. Pinihit nito ang katawan saka hinarap ang batang apat na taong gulang na nakaupo sa itim, malapad at malambot na sofa.
"Khalid, the meeting was over. Your Dad is here." Sabi nito sa batang may apat na taong gulang.
Tumingin lang si Khalid kay Assistant Drake saka nito binalik ang tingin sa nilalaro nito na 'Legendary Witch' game App sa isang eight inches na tablet.
His Mom really looks like Twilight Mary, that's why he likes to play this Game App. Kaarawan niya sa araw na iyon at nakatakda silang magpunta sa paborito niyang lugar, ang 'bahay' ng Mommy niya.
Ilang saglit pa, bumukas ang elevator sa opisina ng Presidente at iniluwa nito ang Daddy niya, si Cally na nakasunod ang tatlong sekretarya.
"Master." Bungad dito ni Xander.
Dumeretso lang si Cally ng lakad patungo sa batang may apat na taong gulang na nakaupo sa malapad na sofa. Naiwan ang tatlong sekretarya malapit sa pintuan.
"Are you ready?"
Nanatili na tahimik si Khalid. Kilala naman siya bilang bata na kakaunti lang ang mga salita. Ayaw niya ng maraming daldal na katulad ni Angel..
"Your Angel is here" tudyo ni Cally. Bahagyang namula naman ang pisngi ng batang lalaki sa nadinig.
Sa Taiwan nakatira ang pamilya ni Kai pero taon-taon ay nasanay na sila na mag-celebrate ng kaarawan ng dalawang bata ng sabay, kaya madalas na nagpupunta ang mga ito sa Maynila.
Hindi lang si Kai at Bella ang nakakasama nila taon-taon, kahit ang mag-asawang Lorenz at Cassandra na wala pa ring anak hanggang sa ngayon at si Mat-mat at Donna na may anak na triplets na dalawang taong gulang, tatlong lalaki na makukulit.
Inangat ni Khalid ang paningin sa Daddy niya.
"To Mom" simpleng hiling niya para maiba ang usapan. Ang ibig niyang sabihin doon ay 'magpunta na sila sa bahay ng Mommy niya'. Everyone in the family is smart and he is not an exemption.
Tumahimik si Cally. Tila may bumara na bagay sa lalamunan niya nang maalala si Prin. Ilang saglit din siyang natahimik.
"May I have a glass of water please?" baling niya kay Xander. Agad naman itong tumungo sa water dispenser at saka kumuha ng tubig. Matapos inumin ni Cally ang tubig, hinarap niya muli ang anak.
"Let's go!" Pinilit niyang ngumiti dito.
Inabot nito ang tablet na hawak kay Xander saka pumayag na magpaakay kay Cally. Tinungo nila ang elevator saka sila sumakay sa naghihintay na sasakyan na nakaparada sa tapat ng MGM Building.
"To Prin" simpleng utos ni Cally sa chauffeur habang nasa likod sila nakaupo ng anak niya.
Ilang saglit pa, huminto ang sasakyan sa isang maliit na tahanan. Isang 8 square meter lang iyon. Gawa sa s.e.m.e.nto na hanggang bewang ang haligi nito at mga nakapagitan na bakal kada isang dipa na may mga disenyo mula sa s.e.m.e.nto hanggang kisame.
Mga halaman ang mga nakapalupot sa mga nakapagitan na bakal na halos kumontra ang mga pulang rosas na patuloy na namumukadlad. Pinababantayan madalas ni Cally ang mga iyon at patuloy na inaalagaan.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cally matapos niyang bumaba ng kotse. Sumikip bigla ang dibdib niya at hindi siya muli makahinga. Kung tutuusin, ayaw niya na nagpupunta doon pero kailangan niyang pagbigyan ang anak niya sa araw na iyon bilang kaarawan nito.
Hinayaan niya na umupo ang anak niya sa s.e.m.e.nto saka ito hinayaan na maglaro at magsketch ng kung ano sa drawing book gamit lang ang mga colored pen na dala nito.
Dahil hindi halos makahinga si Cally, lumabas muna siya saglit sa gate, sakto lang na natatanaw niya pa ang anak sa loob at naglabas ng isang piraso ng sigarilyo.
Patuloy kasi na hindi siya makahinga sa loob. Nangako siya noon na hindi na iiyak para sa anak nila ni Prin, pero may magagawa ba siya kung patuloy din na naninikip ang dibdib niya tuwing maaalala ang huling araw na ngumiti ito sa kanya sa pagitan ng nagliliyab na apoy?
Matapos ang tatlumpung minuto, pinilit na ni Cally na ayain ang anak niya na umalis na sa lugar na iyon.
"Khalid, let's go!"
Tumango lang ito.
"Bye bye Mommy!" saad ng anak niya sa isang kwadradong bato habang kumakaway.
May marble na kwadrado ang nakadikit sa s.e.m.e.nto at nakaukit ang 'PRIN MATSUI-HAN'.