Palibhasa ay nanggaling ang mag-ama sa Prin's garden kung saan nakahimlay ang katawan ni Prin, pakiramdam ni Cally, may bumara na matigas na bagay sa lalamunan niya.
His gaze is cold remembering the past that keeps haunting him.
Ang parehas na mga larawan kung saan napabayaan niya si Prin na mahulog sa bangin at nang makita ng dalawang mata niya ang pagkakasaksak ni Mayu sa dibdib nito.
Nakikiramdam naman si Khalid sa tabi ng Daddy nito na para bang naiintindihan nito ang saloobin ni Cally.
Ilang saglit lang, nasa tapat na sila ng White Castle, ang tahanan ng mag-ama na niregalo ni Rob Matsui.
Literal na puti ang anyo nito mula sa labas pero magara ang mga kagamitan sa loob ng tahanan.
Hindi iyon tipikal na kastilyo na tulad ng pangalan nito. Isang villa lamang iyon na may 700 square meters na kabuuan ng floor area. Nasa 2,000 square meters naman ang kabuuan ng lupain nito. Ang kalahati ng lupain ay nahahati pa sa isang playground na may swimming pool, tree house at garden.
Hindi lingid sa mga katabing bahay o sa labas ng White Castle na hindi simple ang tahanan na iyon. May isang daang guards ang nagbabantay sa buong villa para protektahan ang mag-ama at CCTVs sa kahit saang parte ng bahay.
Simula ng mamatay si Prin, doon na nanirahan ang mag-amang Cally at Khalid.
Bumaba ang dalawa mula sa itim na kotse.
"Nandito na sila?" tanong ni Cally sa isang kasambahay na sumalubong sa kanila. Ang tukoy niya ay ang pamilya, si Mat-mat, si Lorenz, Kai at ang mga asawa ng mga ito.
"Opo, Shi." sagot naman ng napagtanungan niya.
Pagbukas pa lang ng pintuan ay natagpuan na nila ang grupo na sa palagay niya ay may ilang minuto na rin na naghihintay sa kanila ni Khalid.
Nakapalibot sa isang tea table ang mga babae. Si Bella, si Cassandra, si Donna na kasama ang magkapatid na Crayola at ang buntis na si Christen.
Nasa couch naman ang mga lalaki at may sariling topic ang mga ito habang umiinom ng wine.
"Khalid!" matinis at masaya na bati ni Angel nang makita ang pagpasok ng mag-ama. Tumakbo ito patungo kay Khalid.
Umikot ang mata ng batang lalaki bilang sagot.
"Happy Birthday! I ordered a cake for you. For sure it was delivered." pangungulit ni Angel. Kinuha nito ang kamay ni Khalid at hinila para tumakbo patungo sa kusina. "Faster Khalid!"
Napapailing na lang si Khai habang nakatingin sa malikot na anak niya.
"You have to guard your baby girl." narinig niyang tudyo ni Mat-mat.
Pinukulan niya ito ng masamang tingin.
"pakyu! Apat na taon pa lang ang anak ko at ano naman ang ggwardiyahan ko sa kanya? Wala! Dahil mukhang hindi rin interesado sa kanya si Khalid." napapailing na lang si Kai.
"Kung ako sa iyo, galingan mo na lang ang pagbantay sa triplets mo" dagdag pa habang tinuro ang tatlong batang lalaki na kung saan-saan sumuot.
Nasa ilalim ng coffee table ang isa at kinakagat ang isang paahan nito. Ang isa ay tumatakbo pasunod kay Angel at Khalid. Ang isa ay nakakunot ang noo na pinapuputok isa-isa ang bubble wrap na kandong ni Donna.
"it shows kung gaano ka kalikot nang mga panahon na ginawa niyo ni Donna ang mga batang iyan" napapailing si Khai.
Mat-mat "..."
Ang pangalan ng mga anak ni Mat-mat ay Popoy, Moymoy at Kukoy na pinili ng lola ni Donna at pare-parehas pa na malilikot. Wala siyang nagawa kahit gusto niyang palitan ang pangalan ng mga ito dahil nagustuhan ng asawa niya ang bininyag na mga pangalan ng matanda.
Ayaw niyang aminin na sa kanya nagmana ang kalikutan ng triplets niya. Baka sa lola ni Donna, pwede pa!
Sa kabilang banda naman, may inggit na naramdaman si Lorenz habang nakatingin sa mga bata na magugulo sa paligid. Wala pa kasi silang anak ni Cassandra. Tatlong taon na silang mag-asawa nito pero hindi pa sila nabiyayaan na magkaroon kahit isang supling lang.
Ang paliwanag naman ni Christen, normal lang ang mga ganoong cases na katulad nila ni Cassandra. Ang iba nga daw ay inaabot pa ng ten years bago tuluyan na makabuo ng baby.
Nilapitan niya na lang si Cally na tinungo ang wine bar. Alam nila na nagtungo ang mag-ama sa Prin's garden kaya tahimik na naman ito at malamig sa paligid.
"How are you, Shi?" he asked.
Tahimik lang si Cally na nagsalin ng alak sa isang maliit na baso. Saka nito tinungga ang lahat ng laman ng baso nito. Base sa ekspresyon ng master at kaibigan niya, sigurado na nabagabag na naman ito ng memorya ni Prin.
Bubuka pa sana ang bibig ni Lorenz nang marinig nila sa kusina si Khalid na umiiyak.
"Mommy!!! Mommy!!! Don't go!!"
Nakakunot ang noo nila na tumungo sa kusina.
*****
Feibulous : Happy New Year Readers! Sana ay nagustuhan niyo ang simpleng gift ko sa pag-publish ng chapter (ha ha ha)