May dalawang buwan na yata si Yuna na nananatili sa Pilipinas.
Her Dad insisted na manatili siya doon para i-manage ang business nito na nasa Maynila. Si Mari, her step-sister ay pinadala nito sa Malaysia. Ayos lang, dahil ayaw niyang makita kahit kapiranggot na anino lang nito. Sa totoo lang, hindi maganda ang relasyon nila nito.
Tuwing magkikita sila ay inis ito sa kanya at natutuwa naman siya na iniinis ito.
Matapos na magising siya sa ospital noon, pinaliwanag sa kanya ni Apolo kung sino siya at kung ano ang mga ginagawa niya sa araw-araw.
Ayon dito, her Mom died sa parehas na panahon noong maaksidente siya sa barko. A terrorist named Mayu killed her Mom and kidnapped her. Mabuti na nga lang daw at ipinaalam ng isang Prin Matsui na ligtas siya.
Base sa mga napag-alaman niya, maihahalintulad siya sa isang pekeng prinsesa noon na hindi pa siya nagkaka-amnesia.
Wala siyang ginawa noon kun'di ang mangibang bansa at hindi man lang niya na-practice ang tinapos niya sa kolehiyo na Hotel and Restaunt Management. Tila wala siyang goal sa buhay noon kun'di ang maging nobya lang ni Felix.
May nobyo siya na Felix Smith ang pangalan na matapos niyang magising noon sa ospital, umalis din naman agad ang lalaki at nagpunta sa UK para sa meeting daw nito.
Hiniwalayan niya rin naman ang lalaki nang nakaraang taon dahil hindi niya makapa sa dibdib na gusto niya talaga ito.
Pumayag naman agad si Felix. Dahilan nito? Because she doesn't have her old face anymore. And according to him, she is no longer the same old Yuna, his sweetest and ignorant girlfriend!
Panay ang reklamo nito sa kanya dahil hindi na siya ang submissive nitong girlfriend noon. Palagi nitong inuungot na may maganap sa kanila, na inayawan niya ng sobra.
If the old Yuna wanted him, it doesn't mean that her new self has to agree with it.
She even kicked him nang pilitin siya nito, and that's it! sinabi niya na gusto niya nang makipaghiwalay. Tila natapakan niya ang pride ng lalaki na isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ito na makipaghiwalay.
She doesn't want her old self na mahina, api-apihan at sunud-sunuran kay Felix.
Nasunog ang malaking parte ng mukha ni Yuna, tatlong taon ang nakaraan. Kaya naman matapos niyang magising noon sa ospital, nanatili pa siya ng isang taon sa ospital sa Korea para lang dumaan sa plastic surgery.
At sa totoo lang, sa loob ng dalawang taon na pakikipagrelasyon niya kay Felix, nagkikita lang sila nito tuwing maisipan lang ng binata. At nang nakaraang buwan nga ay napag-alaman niya na engaged na ito kay Mari, na kapatid niya kay Apolo.
Matapos niyang umalis ng ospital, nagsimula na siyang pag-aralan ang business ng pamilya. Ayaw niyang maging ignoranteng Yuna na nananahimik lang sa bahay. Magtsaa tuwing hapon, magdilig ng halaman sa garden, magbasa ng mga libro at kung ano pa na gawain ng isang perfect lady. Perfect housewife for Felix.
Isang Yuna na parang palamunin at umaasa lang sa allowance na bigay ni Apolo. Medyo nakaramdam pa siya ng inis at hindi makapaniwala na ganon siya noon, isang palamunin.
Kaya naman pinilit niya na magbago sa loob ng dalawang taon matapos niya na makalabas ng ospital sa Korea.
Nang nakaraang taon, lihim sa Daddy niya ay binuo niya ang Night Sparrow. Biglaan lang din ang pagkakabuo niya nito.
Isang babae na Coffee ang nakita niya na kamuntikan nang ma-r.a.p.e sa Hotel na mina-manage nila sa France.
Someone put drugs in her drinks and she happen to see her staff na may nilagay sa inumin ng babae. Pagkatapos n'on, her instinct told her na subaybayan ang inumin hanggang sa matagpuan niya na binitbit ng apat na kalalakihan si Coffee.
She fired her staff matapos niyang tulungan si Coffee sa apat na lalaki. At simula noon, naging kaibigan niya ang babae.
Kinalaunan, napag-alaman niya na nasa isang sindikato ito noon at nabuwag ang grupo nito nang mamatay ang Boss nito.
Tinulungan niya si Coffee na samahan ito sa mga transaksyon kasama ang dalawa pang kasama na si Mikey, isang doktor at David isang international spy hanggang sa ideklara na lang ng mga ito na siya na ang bagong boss.
Hindi niya alam but she enjoyed their company kaysa sa manatili sa hotel at ayusin ang mga kakailanganin doon.