Chapter 291 - You'd better marry my sister

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinagmamasdan ni Felix si Yuna simula pa lang nang dumating ito sa VIP lounge. She has a character now. Ibang-iba na talaga sa Yuna noon.

Her height and her eyes are still the same. Bukod sa boses nito na bahagyang tuminis, nagbago ang ilong nito, ang nipis ng labi at ang buong personalidad ng ex girlfriend niya dahil dumaan ang dalaga sa plastic surgery.

He admit na mas gumanda si Yuna ngayon dahil siguro hindi na rin ito ang mahinhin na Yuna na baliw na baliw sa kanya noon. He admit na isa ng matinik na rosas na ang dalaga, hindi na ang simpleng gumamela lang noon.

Masyado nitong natapakan ang pride niya ng nakaraang taon nang makipaghiwalay ito sa kanya.

Hindi niya pa tanggap sa sarili noon na nagbago na ang dalaga. Pero sa totoo lang ay mas gusto niya ang Yuna ngayon kumpara noon. Lumala lang ang lahat dahil nabuntis niya ang kapatid nitong si Mari.

Akala niya ay makikita niya ang panghihinayang sa mga mata nito kaya pumayag siya sa suhestyon ni Mari na magpunta doon sa Maynila para hingin ang pagpayag nito sa pagpapakasal nila. Sa halip, kabaligtaran sa inaasahan, tila wala itong pakialam.

Parang binalewala nito ang ilang taon nila na magkasintahan.

=====

"Yuna!" Tawag sa kanya ng binata.

Umakto si Yuna na hindi nadinig ang binata.

Halos umusok naman ang ulo ni Felix dahil sa galit at init ng ulo. Talagang hindi na nahihiya ang dalaga na ipahiya siya.

"Yuna!" Tawag muli nito.

Napilitan na si Yuna na harapin ang lalaki kaysa makaistorbo pa sila ng ibang guest ng hotel. Umikot ang mata niya na hinarap ito.

"Master Felix, may I remind you that this is a hotel? Nakakaistorbo ka sa mga guest namin."

"Yuna, you sure have the guts now." Malamig na saad ng binata.

"Well, thank you"

Saglit na tinitigan siya nito na kinabwisit niya.

"Kung wala ka ng kailangan, I have to go. You heard my Dad. I'll bring cake sa bahay ni Master Cally" sabi niya dito.

"Oh! Looks like you wanted to climb a bigger tree now."

Nakaramdam siya ng pagkabwisit sa pangungutya nito pero hindi niya pinahalata. Sa halip, nilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng labi.

"Oh Yeah, I think you are right! I heard he's a widower. It's not bad if I seduced him right?" Saka ito inirapan at tinalikuran muli.

"I will forgive you kung sakaling babalik ka sa akin. Tatapusin ko ang kung ano man na usapan namin ni Mari at hindi itutuloy ang kasal."

'Ano daw?' Siya ang hihingi ng patawad dito? What an assh0le! Hinarap niya ulit ito.

"Master Felix, I think nahalo na rin ng mga baraha sa Casino ang kaisipan mo. Kung gusto mo talaga na magkaroon tayo ng koneksyon sa isa't-isa, you'd better marry my sister. In that way, we will became brothers. don't you think?" Inismiran niya ang binata saka siya tuluyan na umalis.

Naiwan naman si Felix na nakakuyom ang kamao sa pagka-inis. Sobrang nagbago na talaga ang Yuna na ito, as if someone is living in her body.

Tumalikod si Felix na bwisit na bwisit. Habang daan, nakasalubong niya si Mari.

"Felix, forgive my sister, sigurado na nasaktan lang siya na nabuntis mo ako." Sabi nito sa malumanay na paraan. Parang pinaaalala pa nito na may tagapagmana siya sa sinapupunan nito. Hahawakan sana siya nito sa braso nang iiwas iyon ni Felix.

"Don't touch me!" Singhal ng binata at nagpatuloy siya sa paglakad para magpunta sa hotel suite.

Nabigla naman si Mari sa inakto nito saka nilingon sa kabilang panig ng hallway si Yuna na naglalakad. Bumilog ang kamao ni Mari at napuno ng pait ang mata habang nakatingin sa walang pakialam na si Yuna.

=====

Isang malaking villa ang bumungad kay Yuna. Nagpahatid siya sa isang chauffeur ng hotel patungo sa White Castle kung saan nakatira ang grandchild ni Ginny Lopez.

Sa gate ay hinarang sila ng guard na nakaitim. Pinakita niya ang espesyal na ID ng Byrnes na pinahiram ni Apolo para makapasok siya doon.

"Hello, I'm Apolo's daughter, from Romantik Grand Hotel. We have a cake for Master Khalid." Sabi niya sa gwardiya.

Kinuha nito ang ID na dala niya saka iyon in-scan sa isang aparato. Nang makumpirma na isa siyang Byrne, binalik sa kanya ang ID.

"You can bring the cake at the kitchen" sabi ng gwardiya na tinuro pa ang lugar kung saan sila magpa-park.

"Okay, salamat!" Matapos iyon, pinapasok nito ang puti nilang sasakyan sa loob. Huminto ang kotse nila sa gilid ng malaking Villa kung saan malapit ang kusina.

"Wait for me" utos niya sa chauffeur.

"Hindi mo ba kailangan ang tulong ko Miss Yuna?"

"No. Ako na ang bahala."

Nang makalabas siya, isang itim na limousine ang nakita niya na pumasok sa gate. Saka niya nakita na bumaba mula roon ang master nila na si Cally. Kasunod ang isang batang lalaki.

Sa malayo, kapwa may yelong nakapalibot sa dalawang nilalang.

Napapailing na lang siya na nilabas ang iniingatan na cake mula sa passenger seat ng puting kotse.