Bitbit ang isang box ng 2 layer cake ay tinungo ni Yuna ang likod na pintuan kung saan matatagpuan ang daan patungo sa kusina.
Isang maid ang nakasalubong niya. "Hello, pwedeng magtanong kung saan ito pwedeng ilapag?"
Saglit itong natigilan sa kanya. Tila nagandahan sa kanya ang babae.
Nakasuot kasi si Yuna ng isang simpleng sky blue na bestida na abot hanggang tuhod. Kita ang buong braso niya. Nakapatong sa wavy niyang buhok ang headband na kulay asul din at tanging light pink na lipstick lang ang kolorete niya sa mukha, kaya kitang kita ang sobrang kinis niyang balat.
Sa isipan ng maid ay isa siyang anghel na hinulog mula sa langit.
"Miss?" tawag niya dito dahil para itong robot na naubusan ng baterya kaya napatulala.
"Ay sori po, iyan po ba 'yung cake na in-order ni Miss Angel?" tanong nito.
"ah, Hindi po, regalo po ito ni Master Apolo para kay Master Khalid" nakangiti niyang sagot.
Lalo namang na-starstruck si Ate.
"Ay, dito niyo na lang po ilagay Miss" tinuro nito ang mahabang mesa na nasa katabing kwarto.
Tumango si Yuna. Napansin niya na busy ang mga tao sa kusina dahil mukhang naghahanda ang mga kasambahay. Sa tingin niya ay may mga bisita sa bahay na iyon dahil napuna na rin niya ang maraming sasakyan sa labas ng bahay.
Tinanggal niya ang cake na kulay sky blue din mula sa kahon at napansin na bahagyang nasira ang ibang parte nito.
'Tsk tsk!' mabuti na lang at may dala siyang extra na icing na nasa loob ng isang supot at sinimulan niya na magpipe.
Habang naglalagay ng icing, hindi napapansin ni Yuna na may dalawang mata na nakatitig sa kanya na pumasok sa loob ng hapag. May batang humila-hila ng laylayan ng bestida niya kaya nalipat dito ang paningin niya.
"Hello, is that the cake I ordered?" isang batang babae ang nasa tapat niya.
Kulot ang mahabang itim na buhok nito, maputi ang balat. Namumula at matataba ang pisngi. Nababagay pa dito ang ilong nito na katamtaman ang tangos. Sakto ang nipis na mga labi. Nakasuot ito ng bulaklakin na bestida na nababagay sa maganda nitong mukha. Parang hinubog ang batang ito na maging anghel sa katawan ng tao.
Nginitian ni Yuna ang batang babae nang makabawi siya. Ayaw niya kasi itong ipahiya at sabihin na regalo nila iyon para kay Khalid.
"Pwede ako lagay ng icing?" sabi nito sa bulol na paraan dahil nakita nito ang ginagawa niya.
"Sure. Halika!" binuhat niya ito at pinatong sa isang silya para mas maangatan nito ang cake na nasa ibabaw ng table.
"Come, Khalid!" tawag nito sa batang lalaki. Pero nabigla si Yuna na lumapit ito at mas pinili nito na kumapit sa isang binti niya at inangat ang ulo para makita siya nang mas malapitan. Hinayaan niya na lang ito
Tinuruan niya ang batang babae kung paano maglagay ng icing. Seryosong-seryoso naman ito sa naglagay ng icing sa cake.
Ngunit hindi niya napigilan na matawa dahil nasira na ng tuluyan ang cake na bitbit dahil sa mga icing na nilagay ng batang babae.
"Yehey! That was fun Khalid! Come come! Put an icing." bumaba ito ng silya at panay ang talon.
Binuhat niya rin si Khalid na tahimik at tinuruan ito na maglagay ng icing sa cake.
Ayos lang naman kay Yuna na nasira ang cake dahil mukhang nag-enjoy naman ang mga bata sa cake na bitbit niya.
Nang maubos ang laman sa pipe na dala niya, naisip niya na magpaalam sa dalawa.
"O pa'no, Untie must go. Happy Birthday!" sabi niya sa dalawa.
Pero nagulat siya na kumapit muli si Khalid sa binti niya.
"No, Mommy, don't go" panay ang iling nito.
Kumunot ang noo ni Yuna. Lumuhod siya para pantayan ang mukha ni Khalid.
"May work pa kasi si Untie Yuna." paliwanag niya dito.
Noon niya lang napagmasdan ang kabuuan ni Master Khalid. Brown ang kulay ng buhok nito. Malusog na bata dahil siksik ang laman nito braso at binti, bukod sa mas matangkad ito sa normal na edad. He looks like Cally, she thought.
Masyado nga lang formal ang kasuotan nito na nakaitim na suit na parang hindi nito kaarawan. Nanunuot pa ang amoy ng rosas sa ilong niya na nagmumula dito. Sa tingin niya ay may dinaanan ang mag-ama bago umuwi doon sa White Castle.
Nag-iisip siya kung paano magpapaalam nang sumilip sa pintuan ang chauffeur.
"Miss Yuna, ready na po ba kayong bumalik sa hotel. May susunduin pa kasi akong guest sa airport" saad ng chauffeur na kasama niya.
"ah, Yes. Bye kids. Again, Happy birthday!" tinungo na ni Yuna ang pintuan papalabas.
"Ahh!! No no, Mommy!!! Mommy!!! Don't go!" nagsimula na itong umiyak.
Nahabol siya nito sa pintuan at kumapit sa binti niya. Nagkaproblema na si Yuna kung paano aalis nang walang iiyak na bata.
Si Angel ay clueless nang una kung bakit kumapit si Khalid sa isang binti ni Yuna. Ang ginawa nito ay nakigaya kay Khalid dahil akala nito ay naglalaro sila.
Nakikapit din ito sa kabilang binti niya. "yes, yes, Don't go, don't go" hiling ni Angel.
Yuna "..."
Nadagdagan tuloy ang problema niya kung paano aalis.
"Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan. Napatuwid ng tayo si Yuna nang salubungin ang mata ni Cally.
Pakiramdam niya ay may ninakaw siya doon kaya ayaw siyang paalisin ng dalawang bata.