Hindi lingid sa kaalaman ni Yuna na namatay na ang Mommy ni Khalid na si Prin Matsui at ang balita sa kanya ng Daddy niya ay kasama niya ang babae noon.
Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-guilty at awa kay Khalid lalo na nang makita niya ang bilog na mata nito na namasa dahil sa luha.
'Uhmmaaa' tila umaalingawngaw sa pandinig ni Yuna ang iyak ng isang sanggol habang kapit na kapit sa binti niya ang batang lalaki.
Bahagya siyang natigilan.
"Miss Yuna?" tawag muli ng chauffeur na mukhang naiinip na.
"Ahh…" hindi niya alam ang gagawin at napakamot na lang siya sa ulo. Nakadagdag pa sa pressure niya ang pagpigil din sa kabilang binti niya ng batang babae.
"Don't go… don't go" nakigaya si Angel kay Khalid.
'Lord, please tell me, ano ang nangyayari?'
Kulang na lang ng dalawa pang bata sa magkabila niyang braso at mapagkakamalan na silang Voltes 5 na mabubuo para maging isang robot!
"Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan.
Malamig ang boses nito na katamtaman lang sa pandinig niya. Hindi naman galit ngunit may dating at halatang may awtoridad ang paraan nito ng pagtatanong.
Napatuwid si Yuna ng tayo nang salubungin ang mata ni Cally. Kasama nito si Lorenz. Bahagya rin na napayuko ang chauffeur na kasama niya na nasa pintuan papalabas para galangin si Cally.
Ang totoo, nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ang sabi sa kanya ay kasama niya sa barko na nasunog noon si Prin Matsui. Kahit hindi siya ang nasa lagay ng mga ito, sigurado na masakit ang mawalan ng asawa o magulang.
Kaya naman bahagya siyang nalungkot habang nakakapit sa binti niya si Khalid.
"M-Master Cally, sorry po. Naghatid lang ako ng cake mula sa Romantik Grand Hotel" kinakabahan niyang sabi. Hin
Kumunot ang noo nito at tiningnan ang cake na nasa mesa at ang dalawang bata na kapit na kapit sa binti niya.
"Wa-wala po akong ninakaw!" biglang sabi ni Yuna.
Sa dami kasi ng gwardiya at sa higpit ng seguridad sa White Castle, baka kasi may ginto doon at baka isipin na may binulsa siyang gamit kaya siya pinipigilan ng dalawang bata.
Cally "..."
"U-uuna na po ako!" nagsimula na siyang maglakad ngunit mabigat ang una niyang hakbang dahil sa dalawang bata na ayaw siyang paalisin.
"P-pwede niyo po ba akong tulungan?" nakikiusap ang mata ni Yuna na nakatingin sa dalawang lalaki.
Ilang saglit pa, sumilip sa pintuan si Kai. Nakakunot din ang noo nito nang makita siya.
Hindi maiwasan na kabahan si Yuna. Bilang isang Byrnes, hindi kaila sa kanya ang identity ng mga taong nasa bungad ng kusina kaya napalunok siya.
"Angel, what are you doing? Come here. Come to Daddy" tawag dito ni Kai na masama ang tingin kay Yuna dahil baka iniisip nito na nam-bu-bully siya ng mga bata.
"Daddy, we are playing 'Please don't go'" sagot nito.
Yuna "..."
Cally "..."
Kai "..."
Lorenz "..."
Chauffeur "..."
"Pa-pasensya na po kayo kung naistorbo ko ang party. Nagdala lang po ako ng cake" napangiwi siya nang makita ang anyo ng cake. "I… I have to go"
"Mommy… No, please don't go"
"Mommy, don't go" panggaya ni Angel dito na halatang clueless ito sa nangyayari.
'Dear, hindi tayo naglalaro ng bahay-bahayan'
Napansin ni Yuna ang disgusto sa anyo ni Kai at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng anak.
"Khalid, Angel, Come here" tawag ni Cally sa dalawang bata. Bumitaw naman si Angel dahil takot ito sa daddy ni Khalid at tumungo sa daddy nito pero nanatili si Khalid sa binti niya.
Malamig ang mga tingin na pinupukol ni Cally sa kanya kaya lalo siyang kinabahan.
'My dearest baby, your Dad will kill me, please spare my life'
"No… Mommy, please stay" saad ni Khalid na tuluyan nang umiyak.
Napansin ni Yuna na tumalim ang mga mata ni Cally at halatang hindi ito natutuwa sa nangyayari.
"I…"
"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko Khalid. Come here!" malamig na utos. Napangiwi siya dahil mukhang nagalit ang devil. Hindi naman siya pwedeng makialam dahil ito ang tatay at siya ay tagahatid ng cake.
Napakamot si Yuna at napangiwi siya na makita ang luhaang pisngi ni Khalid. Bahagya na nga rin na namasa ang laylayan ng bestida niya. Hinawakan niya ang kamay nito saka siya lumuhod para harapin ang batang lalaki.
"Ahh look baby, may work kasi si Untie Yuna saka si Uncle chauffeur" turo niya sa lalakign nasa bungad. Kinuha niya ang wallet na nasa sling bag at may kinuha na business card doon.
"Ganito na lang. You can call me anytime dito sa number na ito." sa isip ni Yuna, sigurado na hindi na ito mag-aaksaya pa na tawagan siya kaya ayos lang kahit na ibigay niya dito ang telepono niya sa opisina.
Basa pa rin ang pisngi nito pero bumitaw na ito sa kanya at inabot ang tarheta. Hindi niya napigilan na kunin ang panyo sa bag at punasan ang basang mata ni Khalid.
"Happy Birthday!" saka nya ito hinalikan sa pisngi.
Mukhang nakuntento naman ito at lumapit sa Daddy nito.
"Ahh Master Cally, patawarin niyo po ako sa biglaan kong pagpunta. Pasensya na rin sa cake na napaglaruan namin kanina. Uuna na po ako." hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at dali-dali na siyang lumabas ng kusina.
Pakiramdam niya kasi ay kakainin siya ng dragon kapag nanatili pa siya doon.