Matapos makaalis ni Yuna, tumitig si Khalid sa mata ng daddy niya.
Para namang nabasag na bloke ng yelo ang tinayo ni Cally sa paligid nito nang makita ang nagsusumamo na mga mata ng anak. Hinaplos niya ang buhok nito na para bang isa itong maliit na tuta.
"She is not your mom" saad ni Cally.
"I want my phone" sa halip ay sagot nito at parang hindi pinansin ang sinabi niya.
Inabot na lang niya dito ang cellphone mula sa bulsa kaysa mag-away pa silang dalawa.
Napansin ni Cally ang nakasulat sa calling card na hawak ng anak.
'YUNA HIROSE - General Manager, Romantik Grand Hotel, PH'
Kumunot ang noo ni Cally sa nabasa.
Another japanese girl.
Napansin niya na hindi nakuntento ang anak niya sa pagtipa sa keyboard para i-save ang number ng babae. Kinuhanan pa nito ng picture ang calling card at itinago ng mabuti sa bulsa ang tarheta na akala mo ay may katumbas na ginto ang simpleng papel na iyon.
"Shi, have you seen her eyes? why--" pinutol niya ang kung ano man na komento ni Lorenz.
"I know…" alam ni Cally dahil ang unang napansin niya kay Yuna ay ang pagkakatulad ng mata nito sa mata ng asawa niya.
Kaya naman hindi niya masisisi ang anak kung tawagin nitong 'Mommy' si Yuna.
Ilang saglit pa, may pinasok muli na isa pang cake ang isang kasambahay sa hapag.
"Miss Angel, here's your cake"
"Oh, oh! That's my cake" agad itong bumaba sa pagkakabuhat ni Kai at excited na lumapit sa cake nito.
Sumampa muli ito sa silya at ilang saglit pa inikot-ikot nito ang box at parang may hinahanap doon. Ngunit tanging apat na kandila lang ang nakikita nito na naka-scotch tape sa ibabaw ng kahon.
"Where is my shuh… shuh…?" tanong nito sa babaeng nagpasok ng cake na akala mo ay may kinuha ito sa box bago nito ipasok iyon. Ginalaw nito ang kamay at umakto na parang nagp-pipe ng icing.
Nakakunot naman ang noo ng babae. Tumingin ito sa gawi ni Kai.
"Daddy, where is my shuh... Shuh..?" malungkot na tanong nito.
"Bakit cake khalid weron ganon?"
Nagsalubong ang kilay nito "Daddy, call the Untie earlier. Order a cake for me too. I want my shuh… shuh…" pangungulit nito.
Napakamot si Kai sa ulo. Biglang naging palaisipan tuloy sa kanila ang sinasabi ng anak niya na 'shuh... shuh'. Ginalaw niya pa ang kamay na katulad ng kinilos ni Angel. Para bang isa iyong crossword puzzle na mahirap sagutan.
"It's an icing pipe" si Cally ang hulog ng langit na sumagot sa tanong niya.
Kai "..."
=====
Nakahinga ng maluwag si Yuna nang makabalik sa kotse. Para siyang aatakihin sa puso sa loob ng bahay ni Cally dahil sa sobrang kaba.
Nang masiguro na wala silang naiwan at maaari na silang umalis, inutusan niya ang chauffeur na bumalik na sila sa Hotel.
"Tara na kuya"
Nagbalik lang sa normal ang tibok ng dibdib niya nang mapansin na malayu-layo na sila sa White Castle. Normal naman na kabahan siya lalo at marami siyang naririnig tungkol kay Cally. They say he is ruthless. Even the two guys she saw earlier are ruthless.
Kaya nga hindi siya nagpakilala dito ng maayos. Dahil baka kapag nalaman ng mga ito na siya ay si Yuna Byrnes, baka hindi na siya makaalis ng White Castle. Baka utusan siya ni Cally na ibalik sa lupa ang asawa nito .
Ayos nang isipin nito na isa lang siyang General Manager ng hotel.
Hindi rin naman alam sa hotel ni Apolo ang totoo niyang pagkatao. Isa sa mga kondisyon na binigay niya dito bago siya nagpunta sa Maynila ay gagamitin niya ang apelyido ng mommy niya at walang makakaalam na anak siya nito.
Sa France kasi kung saan nanatili si Yuna ng dalawang taon, wala siya masyadong maituring na kaibigan dahil masyadong aloof sa kanya ang mga tao doon nang malaman na anak siya ni Apolo. Their master.
Mabuti na nga lang at nakilala niya si Coffee, Mikey at David.
Kaya nang ilipat siya sa Maynila para mamahala naman doon, tanging Yuna lang ang pakilala niya sa mga staff doon.
Hindi naman mahirap magpanggap na hindi siya anak ni Apolo, mas lamang kasi sa anyo ng daddy niya ang caucasian look. Samantalang mas lamang sa kanya ang pagiging haponesa.
Hindi naman nagtagal at huminto ang puting kotse sa entrada ng hotel. "Ako na lang ang bababa. Pwede mo nang sunduin ang guest sa airport. Salamat ulit Kuya"
"Salamat din Miss Yuna, ang bait niyo po talaga. Naku, kung wala lang gerlpren ang anak ko ay inireto ko na sa inyo."
Yuna "..."
Ngumiti na lang siya ng pilit. "Kayo talaga, lalabas na ako"
Pumasok na lang siya sa loob ng hotel. Inayos niya ang mga napapansin niya sa lobby sa lounge sa Pool area at sa iba pang parte ng hotel. Inayos niya ang isang may kataasang base dahil bahagyang lumilis iyon sa mesa. Inutusan ang isang hotel staff na i-vaccuum ang carpet na bahagyang nadungisan. Pinalinis ang tiles at kung ano pa.
"Hello my dearest. how are you?" sabi ng isang tinig na kilalang-kilala niya habang busy siya sa trabaho.