Chapter 296 - Something wrong with her brain in the past

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sampung minuto bago mag-alas otso ng gabi, naghihintay na si Yuna sa lobby para kitain ang mga kaibigan niya. Maganda na sana ang gabi niya kung hindi lang sumulpot sa harapan niya si Mari na kasama si Felix. 

Naka-angkla ang isang braso nito sa braso ni Felix na nakapamulsa.

"Hey sister Yuna, nakapag-dinner ka na ba? Sumabay ka na sa amin ni Felix" 

Kunwari ay walang napansin si Yuna sa paligid at nagpatuloy sa pagbasa ng magazine.

"Ganyan ba kayo mag-welcome ng guest niyo dito?" halatang hindi nagustuhan ni Felix ang attitude niya. 

Medyo napalakas ang boses nito dahilan para magsipaglingunan ang mga tao sa gawi nila. 

Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkainis si Yuna sa dalawang nilalang na parang bangaw sa paligid niya. 

Hinarap na lang niya ang dalawa kaysa lumala pa ang sitwasyon. Sa ugali na mayroon si Felix at Mari, hindi malayo na maka-istorbo sila ng iba pang guest.

At alam niya na hindi makabubuti sa sitwasyon niya at siya ang lalabas na masama kung sakali na mag-escalate ang sitwasyon kay Apolo. 

"Oh, nand'yan pala kayo, Is there anything you need Master Felix? Nakapag-dinner na ba kayo?" pang-iinis niya. 

He is gritting his teeth at nagpipigil. Lihim naman na umismid si Mari. 

"Haay… Sobra-sobra na nanghihinayang talaga ako na hindi ko kayo makakasabay kumain ngayong gabi. I'm sorry brother-in-law and sister Mari, may kasabay na kasi ako na kakain ng dinner sa labas. so, I guess hindi ko kayo masasabayan." 

"Anyway, you can put the bill on my tab. My treat." pang-iinis niya. 

"Sister Yuna, we are just inviting you to dinner. It's been a long time na nakasama ka namin ni Felix. Please don't be mad at huwag mo kaming ipahiya" saad ni Mari.

Ngumiti si Yuna kahit ayaw niyang patulan ang pakikipagplastikan nito sa kanya. 

Matalim ang mga tingin na pinupukol ni Felix sa kanya. Agad din naman na umismid ito. 

"Walang problema, marami pa rin namang panahon para makasabay ka namin sa dinner. Mari and I are decided to stay here for two months" 

Hindi maiwasan na manlaki ng mata ni Yuna sa nadinig. 'What??? Two months?!' ibig sabihin ay pagtyatyagaan niya ang mga bangaw na ito sa loob ng dalawang buwan?

"Mari is pregnant at pinagbawalan siya ng doktor na magbyahe muna. Magb-bedrest muna siya sa loob ng dalawang buwan dito sa hotel. Posible rin na baka dito na kami ikasal" paliwanag ng lalaki. 

"Sinabi ko nga kay Felix na ayos lang ako, pero sobrang nag-aalala talaga siya sa akin kaya we decided to stay here in two months" mahinhin na sabi ni Mari pero alam ni Yuna na may laman ang mga sinabi nito. 

Nasa isip siguro ng kapatid niya na magseselos siya at may plano ito na inisin siya sa loob ng dalawang buwan.

Well, inis nga si Yuna dahil ayaw niyang makita ang kaplastikan nito at kayabangan ni Felix.

Hindi niya masisisi si Mari kung isipin nito na nasasaktan siya na makita na magkasama ang dalawa. Ayon na rin kasi sa mga nakalap niya, patay na patay siya dati sa lalaki. 

And they have been together since her college days. 

Maybe there is something wrong with her brain in the past. O kaya naman ay nabagok ang ulo niya at natauhan lang siya para magbalik ang normal niyang pag-iisip. 

May sasabihin pa sana siya dito nang putulin ang pag-uusap nila ng Assistant nito. 

"Master, your table is ready" sabi nito. 

"Yuna, my offer is still valid" makahulugan na sabi nito. 

Nginisian niya lang ito. "Don't forget the receipt" 

Nakakapalan lang talaga siya sa mukha ng lalaki na landiin siya habang naroon ang bago nitong nobya na kapatid niya. 

Mayabang lang talaga!

"Lalamig ang pagkain na hinanda ng hotel para sa inyo Master Felix. Sayang naman at baka hindi sanay sa bahay na kanin ang young master ng Smith. You'd better be at the restaurant." paalala niya muli. 

Sa huling pagkakataon ay iniwanan siya ni Felix ng pang-iismid saka nagtungo ang mga ito sa restaurant. Nagbato pa ng lihim at nakamamatay na tingin si Mari sa gawi niya bago umalis ang mga ito. 

Sakto naman na alas otso na ng gabi. Nakita niya sa di kalayuan ang tatlo na lumabas ng elevator. 

Tumayo siya para salubungin ang mga ito. Isang ngiti ang make-up niya sa gabi na iyon. Ngiti na nagagawa niya lang kapag nasa paligid ang mga kaibigan. Ewan niya pero natutuwa talaga siya sa company ng tatlo. 

"You know what dear Yuna, as much as I wanted to be with you tonight. I have a date" sabi ni Coffee nang makalapit. 

"Me too. So, iiwan ka namin kay David." si Mikey. 

Nakaramdam naman ng pagkailang si Yuna sasabihin na sana niya na sa ibang araw na lang sila mag-dinner ng may sumigaw mula sa pintuan. 

"Mommy!!!" 

Nanlaki ang mata ni Yuna nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa gawi niya. 

Coffee, David and Mikey "..."