Chapter 297 - I want my Mommy

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Is there anything you want for your birthday, baby?" Tanong ni Ginny kay Khalid habang nasa hapag sila para maghapunan.

Nakayuko lang kasi ang batang lalaki at halatang malungkot ito sa araw ng kaarawan nito.

Nakauwi na ang mga bisita nito ng hapon at nagkataon na inabot sila ng gabi dahil may pinuntahan pa silang meeting na mag-asawa. Idagdag pa na biglang umulan sa siyudad.

Inangat nito ang paningin kay Ginny at nagsusumamo ang mga mata.

"I want my Mommy" malungkot na sabi.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gawi ni Cally. Alam niya na ayaw ng anak na nagpupunta sa Prin's Garden, pero espesyal ang araw na iyon kay Khalid.

"Hindi kayo nagpunta sa Prin's Garden?"

"We went there pero hindi si Prin ang tinutukoy niya kung hindi 'yung babaeng nagdala ng cake." Sagot ni Cally na nagpatuloy lang sa pagkain.

Nilingon niya tuloy ang paningin sa asul na cake na nasa isang bahagi ng mesa.

Bumaba ng silya si Khalid at tumungo sa lugar niya. Hinawakan nito ang suot niyang bestida saka sinalubong ang mga mata niya.

"Mommy Ginny, I want to see my Mommy everyday. That's what I want for my birthday"

Hinaplos na lang niya ang buhok nito. Para sa hiling nito, desidido si Khalid na magsalita ng mahaba at kumpleto, masunod lang ito.

"But I don't know where to find her"

Nilabas nito sa bulsa ang isang tarheta at inabot sa kanya "Here. She works here"

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga nakasulat sa maliit na card. "She works at Romantik Grand Hotel?!"

"Oh, if that's the case, it's easy. We can go to Apolo's hotel to meet her"

"You are not going" kontra ni Cloud.

Sumimangot siya at hinarap ang asawa "Why not?"

"Dahil sabi ko." Sagot nito.

"Why are you so petty? It's Khalid's birthday. I also want to see this girl. Malay mo maging mommy niya sa future si Miss..." binasa muli niya ang nakasulat na pangalan sa card "...Yuna Hirose. Yuna?"

"Ginny Lopez, subukan mo lang na magpunta sa hotel ni Apolo at ipadadala kita sa Pacific Ocean"

Bumuntong-hininga si Cally. Alam niya ang ibig sabihin ng Daddy niya at hindi naman makahalata ang mommy niya sa nais ng asawa nito.

"Sige na Mom ako na lang ang magdadala kay Khalid. Umuwi na lang kayo ni Daddy dahil baka abutan pa kayo ng baha" Tumingin siya sa gawi ng anak. "But you have to finish your meal"

Dali-dali ito na bumalik ito sa pwesto nito at mabilis na inubos ang pagkain. Napapatanong na lang sila kung gaano nito kagusto na makita si Yuna.

====

Habang kausap ni Yuna ang mga kaibigan, isang sigaw ang nadinig niya mula sa entrada ng hotel.

"Mommy!!!"

Nilingon niya ang entrance at nanlaki ang mata nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa kanya hanggang sa yumakap ito sa binti niya.

"Mommy, I miss you" sabi nito.

Kapwa naman nakakunot ang noo ni Coffee at Mikey. "You have a child?!" Sabay na tanong ng dalawa.

Nananatili naman na seryoso si David. Napakamot na lang sa ulo si Yuna at hindi alam ang isasagot. Ayaw niya kasing ipahiya si Khalid sa mga kasama.

Napalingon ang mga ito sa entrance at nakita na papalapit din si Cally sa gawi nila.

"Oh my goodness! U-uuna na kami! Bye bye!" Paalam ni Coffee saka mabilis na hinila si Mikey papalabas. Halos itago nito ang mukha mula sa bagong pasok.

"Si-sige, bukas na lang" bulong niya na hindi niya alam kung umabot sa pandinig ng dalaga.

Kinakabahan naman si Yuna na hinarap ang mag-ama. Pero nabigla siya na nananatili si David sa tabi. Sinesenyasan niya ito na umalis pero mukhang wala itong balak na sundin ang mga senyas niya. Pilit na ngumiti si Yuna.

Napansin niya na malalim ang tingin ni Cally sa mga kaibigan niya na umalis kaya napalunok siya.

"W-what are you guys doing here?" Tanong niya kay Cally para magbalik ang pokus nito sa kanya.

Hindi naman siya nabigo at nilingon siya nito.

"Mommy, I miss you." Sabi ni Khalid na nakayakap sa mga binti niya. Nakatingala ang mala-anghel na mukha nito sa kanya. Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa sinabi nito.

"Yuna, are we going? Magdi-dinner pa tayo." Biglang sabi ni David na nasa tabi. Malamig ang tingin na pinupukol nito kay Cally.

"Ahhh" nahati bigla ang atensyon niya sa tatlong lalaki.

"Mommy, hindi pa ako nagdi-dinner" sabi ni Khalid.

Kumunot ang noo ni Cally sa nadinig. Hindi niya akalain na magagawa ng anak na magsinungaling para lang makasama si Yuna.

Nalungkot naman si Yuna sa narinig. "Aw! David, I'm sorry... I'll ask someone to send a meal to your room."

Saglit na natahimik ang lalaki at nag-isip. "No need. I'll go somewhere." Ang sabi nito. Malalim ang tingin nito sa bata saka tinungo ang daan papalabas.

Mas lalo naman nailang si Yuna dahil naiwan siya doon. "Ma-master Cally, what do you want to eat?"

"Sasamahan ka namin na kumain kung ano ang gusto mo" sagot nito.

Tumango na lang siya. Pagdating sa restaurant ay puno ang lahat ng table.

Nagkaproblema tuloy si Yuna kung saan sila kakain.