Chapter 298 - Stay in your place

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Miss Yuna, I'm sorry. May assembly kasi na gaganapin bukas kaya puno ng guest ang hotel. Marami pa tayong guest dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Kaya mas marami din ang mas pinili na dito na lang kumain." Paliwanag ng hotel staff sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at nag-check ng sitwasyon sa labas. Wala namang bagyo at sobrang biglaan lang ng pag-ulan. 

"Mommy, let me stay in your room. I'm afraid sa thunder" narinig niyang sabi ni Khalid na nananatili na nakayakap sa isang binti niya.

"Oh! Me too!" Bigla tuloy niya itong niyakap. Mahirap kasi ang sitwasyon nila na takot sa kulog at kidlat lalo na kung mag-isa lang sa kwarto. 

"Naku Miss Yuna, hindi ko alam na may anak na po pala kayo. Kamukha po niya ang asawa niyo" turo nito kay Cally.

Napalunok si Yuna. 

"Please send food to my suite" utos niya sa babae para matahimik na ito. Hindi naman tumanggi ang lalaki o nagkumpirma.

Matapos magbigay ng utos, doon lang niya napagtanto na kasama niya nga pala ang tatay, hindi lang ang baby. Bigla tuloy siyang napangiwi na hinarap si Cally.

"Ahh... Ma-master, sorry. A-ayos lang ba na sa suite ko na lang… tayo maghapunan?" Tanong niya sa lalaki na wala pa ring emosyon. 

Nakatitig lang ito sa kanya kaya lalo siyang na-conscious. 

Nakagat tuloy niya ang labi ng bahagya. Baka kasi isipin nito na inaaya niya ang mga ito sa kwarto niya.

"My Daddy said a 'big YES'" 

Cally "..."

Pinilit niya ang ngumiti kaya nagmukha tuloy siyang plastik sa dalawa. "Kung gan'on let's go he he"

Naglakad muli sila patungo sa elevator. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Khalid. Panay ang lingon niya dito kung ayos lang ito. Mukhang hindi naman nito inaalis ang paningin sa kanya. 

Naaaliw na lang siya na halatang gusto talaga siya nito. And she likes Khalid too kahit na unang araw pa lang nila na magkita. 

Pinatuloy niya ang dalawa sa suite niya. "Tuloy kayo." 

Dahil palagi namang may naglilinis na maid sa kwarto niya, kampante siya na malinis ang buong kwarto. 

"Upo muna kayo habang hinihintay ang pagkain natin" nakangiti niyang sabi. 

Nananatili naman si Cally na tahimik kaya nakaramdam ng pagkailang si Yuna. Ganoon pa man, mabilis ang kabog ng dibdib niya. Umupo ito sa mahabang couch na nasa visitor's area at inikot nito ang paningin sa buong kwarto. 

Tumabi siya ng upo dito dahil nag-iisa lang ang couch na iyon sa suite niya. Napapagitnaan nila ang bata. 

May isang kwarto ang suite ni Yuna, isang kitchen at table na pang-apatan. Ang Visitor's area kung saan sila naroon at malaking restroom. 

"You stay here?" usisa ni Cally. 

"Ah, Yes. It's part of my privilege as the General Manager of this hotel."

"I see difference sa pag-manage mo ng hotel" sabi nito. 

"Is it good?" tanong niya. 

Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin sa bintana ng kwarto niya na malaki ang pagkakahawi ng kurtina. Kitang-kita ni Yuna ang pagkidlat at pagkulog sa labas. 

Napapakislot siya habang nakikita ang mga pagliwanag at yanig ng kalangitan. Hindi maiwasan na lapitan niya ang bintanang salamin at isara ng mabuti ang kurtina. 

"Sorry Master Cally. Takot kasi ako sa kidlat kahit… hindi ko naririnig" 

"Mommy, I'm afraid. Is it okay if I sleep here?" hiling ni Khalid. 

Tumingin siya sa gawi ni Cally at hindi niya alam ang isasagot. Unang beses kasi na may bisita siya sa kwarto. Magtatanong na sana siya dito nang tumunog ang doorbell. 

"I think, that's our food" agad siyang tumayo at tinungo ang pintuan. 

Ngumiti lang siya sa staff at hinayaan ito na ipasok ang mga pagkain. Tinulungan niya ito na ilagay sa mesa ang mga iyon. 

Pinagmamasdan ng lihim ni Cally si Yuna. Ano nga ba ang rason ng pananahimik niya?

It's because of her voice. Kulang na lang ay pumikit siya at pakinggan ng mabuti ang babae. Mapagkakamalan niya na nasa paligid lang si Prin. 

The air fragrance in her room is likable. The sweet smell of Sakura filled his senses. Even the designs in her room are good. 

Naputol lang sa pag-iisip si Cally nang ayain siya ni Yuna na kumain. "Boys, let's eat" 

Sumunod si Cally "I just want coffee" 

"Mommy, I want milk" sabi naman ni Khalid. 

Ngumiti lang si Yuna saka nagsalin ng tubig sa water heater para magpakulo. 

"All I have is 3-in-one coffee. Okay lang ba sa iyo?" 

"No problem" 

Naubusan na si Yuna ng sasabihin kaya parang may dumaan na anghel sa paligid nila at dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang tatlo hanggang sa iabot niya ang kape at gatas na hiniling ng mag-tatay. 

Nagpatuloy naman sa pagkain si Yuna dahil nagugutom na rin siya. Sobrang ilang na ilang lang talaga siya kay Cally. 

"By the way, I will try my best na ihanap kayo ng kwarto." malakas kasi ang ulan at nabalitaan niya na nagbaha na rin sa kalsada. Alam niya na walang tyansa na makauwi ang mga ito sa White Castle. 

Nabalitaan niya pa na puno ang hotel sa araw na iyon dahil sa assembly. Hindi alam ni Yuna kung saan patutuluyin ang dalawa. 

"No Mommy, I will stay here. My Dad too" malungkot na sabi ni Khalid. 

Nanlaki ang mata ni Yuna. "I…" 

"I'll sleep on your couch." nagulat siya na pumayag si Cally. Tumingin pa ito sa mahabang couch na naroon sa main area niya. 

Napalunok si Yuna. 'O dear, uwi na kayo please!' 

Natatakot kasi siya. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan at akitin niya ang Master of all Masters sa gabi na iyon!