Chapter 299 - I saw a c.o.c.kroach

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
She ordered a new set of pajamas and casual wear for Cally and his kid at a hotel. 

Inutusan niya ang sekretarya niya na si Mildred na dalhin sa kwarto niya ang mga kailangan nito para sa gabi na iyon. Nagtataka man ang babae, sumunod pa rin ito sa kanya. May shops naman sa hotel kaya hindi siya nagkaproblema para sa mga susuutin ni Khalid at ni Master Cally. 

Inabot niya lang ng mga iyon sa pintuan at hindi naman ito nakiusisa kung mayroon siyang bisita. 

Natutuwa siya habang pinaliliguan si Khalid. Hindi na dapat niya iyon gagawin pero nagpumilit ito na paliguan niya. Just how much does he miss his Mommy?

Sa totoo lang masaya si Yuna sa presensya ni Khalid. Masaya rin siya sa kaibigan nito na batang babae. She never like kids but she likes Khalid and that little girl named Angel. 

"Ah… M-master, you can clean up yourself. I ordered a set of pajamas." sabi ni Yuna sa lalaki matapos niyang paliguan ang anak nito. 

Natagpuan niya ito na nasa parehas na pwesto na tinayuan ni David at nakatingin din sa labas. Ang pagkakaiba nga lang ay maulan sa siyudad nang oras na iyon. 

"Yuna, how much is your monthly salary?" nabigla siya nang sa halip ay itanong nito. 

Hindi masagot ni Yuna ang biglaan na tanong na iyon ni Cally dahil hindi naman siya simpleng empleyado lang sa hotel. 

She is Apolo's child and eventually everything in that hotel will become hers. Whatever time she spent there is basically training, but of course her dad is providing something for her. 

"I'll double your salary if you accept my job offer. Even triple." 

Napalunok si Yuna. 

'Oh no! don't tell me my job is to become your mistress?!' 

She heard na walang babae na makalapit dito dahil sa sobrang mailap ng lalaki at sigurado si Yuna na kulang sa s.e.x life si Cally. 

'Grabe ka girl, ang harsh mo kay Master. Malay mo mayroon, pero di mo lang alam.' 

Pinasadahan ni Yuna ang lalaki na lumapit sa lugar nila mula ulo hanggang paa. 

Lumilipad ang utak niya at nag-iisip na ng kung anu-ano nang muling magsalita ito. 

"I just want you to be my son's… Nanny" 

Yuna "..." 

Parang may itim na uwak na dumaan sa paligid niya. 

'Asang-asa day?' 

"Huwag mo munang sagutin. I'll give you a week para pag-isipan. And… You are drooling" sabi nito bago kinuha ang damit na nasa tabi niya at tumuloy sa pagpasok sa loob ng restroom. 

Pinahid ni Yuna ang likod ng kamay niya sa namasang labi. Gaano niya kaya katagal na tinitigan ang lalaki? 

'Oh my goodness, nakakahiya' 

=====

Habang malakas ang ulan sa labas, gising na gising si Yuna na nakahiga sa malapad na kama habang yakap-yakap ng dalawang braso niya si Khalid. 

May ngiti pa sa labi ang bata habang nakasiksik sa dibdib niya na natutulog. It's as if he belonged to that place. 

Nanunuot pa sa ilong niya ang amoy nito na baby powder. 

She can tell that Khalid likes her so much. 

Nagawa pa nitong suungin ang malakas na ulan makita lang siya. This little guy is living like a little prince. Handa rin magbayad ang daddy nito ng malaking halaga para lang siya ang magbantay sa anak nito dahil sa gusto siya ni Khalid. 

Siguro kung tatanggapin niya ang offer ni Cally, siya na ang may pinaka-malaking sweldo na tsimay sa ibabaw ng mundo. 

She kissed Khalid's forehead. 

Nakaramdam ng pagkauhaw si Yuna kaya dahan-dahan siyang bumaba mula sa kama para hindi magising si Khalid. 

Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig. Tanging dim na bedside lamp lang ang nagbibigay liwanag sa buong suite niya. 

Nilingon muli niya ang couch kung saan nakahiga si Cally na nakahalukipkip. Hindi niya mapigilan na lapitan ito. Nakatingkayad ang mga paa na naglakad patungo sa nakahigang si Cally. 

Iniiwasan niya na gumawa ng ingay. 

Dahan-dahan na lumapit siya hanggang sa makalapit siya sa lalaki. Umupo siya sa harap ng sofa kung saan mapagmamasdan niya ng mabuti ang mukha nito. 

Para siyang si Toshio Saeki ng 'The grudge japanese movie' na yakap ang mga binti at pinagmamasdan ang mukha ni Cally. 

Mas malapitan niyang mapag-aaralan ang mukha nito sa posisyon niya na iyon. 

Pinasadahan niya ang paningin sa bawat parte ng mukha nito. Nakuntento na siya sa kakaunting liwanag na binibigay ng bedside lamp. 

*Ba-dump* *ba-dump* 

Saka siya napalunok nang tumigil ang paningin niya sa labi ng lalaki. 

'Oh sige na nga! crush na nga kita, Master!' 

Can't anyone blame her? She thought, no one is more perfect than this guy.

"Are you done watching?" 

Natumba si Yuna sa pagkakabigla nang magsalita ang lalaki. Gumulong siya sa carpet na parang si Spider man. 

"ehem ehem! I thought I saw a c.o.c.kroach underneath" katwiran niya. 

Namumula ang mukha na mabilis na gumapang siya pabalik ng kwarto. 

'Sheeeet!' yung ilong ko baka tumabingi!' 

Doble-doble ang kahihiyan niya kapag nangyari iyon. Kahit pa nga dalawang taon na nang huli siyang magparetoke, nasabihan pa rin siya na huwag magkikilos basta-basta. 

Matapos naman ang maraming taon, sumilay muli ang ngiti sa labi ni Cally. This Yuna girl is really something…