Chapter 300 - Her role in life

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinabukasan, mas maganda na ang panahon sa siyudad. May kakaunting hamog na lang na iniwan sa paligid ang malakas na pag-ulan nang nagdaang gabi. 

Nagpasalamat si Yuna dahil hindi napahamak ang ilong niya sa paggulong niya sa carpet. Kung hindi ay talagang nakakahiya dahil baka naka-face mask siya sa mga oras na iyon hanggang sa makabalik sa Korea para ipaayos muli iyon. 

Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos. Unang beses din kasi na may bisita siya sa kwarto.

"Mommy, when will I see you again?" tanong ni Khalid. 

Kapit na kapit ito sa kamay niya at tila naghihintay ng magandang sagot bago siya nito bitawan.

"This…" napakamot siya sa pisngi at hindi alam ang isasagot. 

Hindi naman kasi siya ang masusunod kung nais niyang makita si Khalid dahil mahigpit ang seguridad nito. Sigurado na hindi rin naman hahayaan ni Cally na maiwan sa kanya ang anak nito ng walang kasama at walang maayos na security. 

Kasalukuyan nilang inaabangan ang chauffeur ng mag-ama sa lobby. 

"Can I see you everyday?" pangungulit ni Khalid. 

"Yuna…" tawag ni Cally. 

Nilipat niya ang paningin dito. Namula na naman ang mukha niya dahil nagbalik sa ala-ala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. 

"Since you are still thinking, I have a better proposal… kung ayos lang, we will invite you to dinner tonight and let's talk about it." 

Saglit na nag-isip si Yuna. 

Ang totoo, hindi niya masabi kay Cally na malabo na iwanan niya ang trabaho niya sa hotel kahit magkano pa ang ibayad nito sa kanya para alagaan si Khalid. 

She is Apolo's heir. Her job as his daughter is also important. Iyon ang unang dahilan kung bakit siya sinilang sa mundong iyon, to become an heir. 

Sa loob ng dalawang taon ay pinag-aralan niya ang business ng pamilya para hindi maging kawawa na tulad ng mga narinig niya na naranasan niya dati. 

Though she can't find any dark feelings inside her heart against those people na tumapak sa kanya noon, she has to play her role as Yuna Byrnes. 

Even her Mom died dahil parehas silang mahina kaya kailangan niyang ayusin ang trabaho niya ngayon. 

"Mommy, I want to see you tonight" nakikiusap ang mga mata ni Khalid at may bahid ng lungkot ang hiling. 

Hindi napigilan ni Yuna na yakapin ang batang lalaki. 

Huminga siya ng malalim. Hindi niya kayang tiisin kapag si Khalid na ang humihiling sa kanya. 

"Sure. I'll go to your place." Sabi niya habang haplos ang pisngi nito. Then, she placed a sweet kiss on his cheeks. 

Sakto naman na dumating na ang sasakyan ng mga ito sa harap nila kaya satisfied na sumakay si Khalid sa likurang bahagi ng kotse nito. Sumenyas lang sa kanya si Cally na aalis na ang mga ito bago tuluyang sumakay. 

Pabalik na sana siya sa suite niya para magpatuloy ng pahinga nang makasalubong si Mari. Maganda na sana ang umaga niya kung hindi lang niya nakita sa umaga na iyon ang demonyita. 

"Who is that man? Ang bilis mo naman yata mang-landi ng iba?" pagpaparinig nito nang mapadaan siya sa tabi nito. 

Ayaw patulan ni Yuna ang babae kaya dumeretso lang siya ng lakad patungo sa elevator. 

Si Mari naman ay nahiwagaan kung sino ang lalaking pinaalis ni Yuna. Hindi nito nakita si Khalid at tanging likuran lang ni Cally ang bahagyang nakita nito. 

Napangiti naman siya ng nakakaloko. Soon, she will tell Felix na may inuuwing lalaki si Yuna sa hotel. Para tuluyan na mabwisit ang lalaki sa kapatid niya. At sa loob ng dalawang buwan niya doon, sisiguraduhin niya na hindi maayos ang mundo ni Yuna. 

===== 

Nang sumapit ang gabi, nagpunta si Yuna sa White Castle, katulad ng pangako niya kay Khalid. 

Hindi na siya nagpahatid at siya ang kusang nagmaneho patungo doon. Mukhang na-alertuhan naman ang security ng lugar kaya hindi na ganoon kahigpit sa kanya ang guards kumpara ng nagdaang araw. 

Kalalabas niya pa lang ng kotse, tumatakbo na si Khalid papalabas mula sa loob ng bahay. 

"Mommy!!!" 

Mabilis na tumakbo ito at yumakap sa binti niya. 

Nakita niya na may palabas din mula sa loob ng villa. Si Lorenz at isang babae na hindi niya kilala kaya sumeryoso siya at tinanguan ang mga ito. Nakaangkla ang kamay ng babae sa lalaki. 

"We are going Khalid. See you soon" paalam ng babae. 

Napatigil ito saglit nang mapadaan sa gilid niya at saglit siyang tinitigan. 

"Did we met before?" tanong ng babae sa kanya. 

"I-I don't know. Dalawang buwan pa lang ako dito sa Maynila. Maybe you checked-in sa Romantik Grand Hotel and we met there before. Or maybe you saw me yesterday" 

"Honey, let's go. Malapit na ang oras ng boarding time natin, baka ma-late tayo" aya dito ni Lorenz. 

Tulad nang nagdaang araw, malamig pa rin ang trato nito sa kanya. Parang may bloke rin ng yelo na nakapaligid dito katulad ng iba pang kasama ni Cally. Pero pansin ni Yuna na malambot ito sa babaeng kasama. 

Khalid waved goodbye nang walang sinasabi. 

"Okay, see you next month" Saglit pa na tinapunan siya ng babae ng tingin bago nagpatuloy sa pagsakay ng kotse.