Chapter 301 - I'm sorry

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sumunod si Yuna kay Khalid sa pagpasok sa bahay ng mga ito. 

"I will call my Dad" nakangiti ito na nagpaalam saka nagpunta sa kung saan.

Unang beses niya na makapasok sa Living room ng White Castle kaya medyo kinakabahan siya. Maluwag ang kabuuan ng living room. May malapad na hagdan pa patungo sa itaas. Pansin niya na magara ang mga kagamitan sa buong kabahayan hindi lang ang kusina kung saan siya tumungo nang nagdaang araw. 

Isang larawan ang pumukaw kay Yuna habang iniikot ang mata sa paligid. 

Nakapatong sa isang magandang cabinet ang larawan ni Khalid at ng Mommy nito na si Prin Matsui. Hindi niya napigilan na lapitan iyon at damputin ang frame nito para mas matitigan ng mabuti ang larawan. 

Ewan niya kung bakit, pero parang pinipiga ang dibdib ni Yuna habang nakatingin sa larawan ng mag-ina. 

May mga tinig siyang nadidinig habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Prin Matsui. Nag-eecho sa pandinig niya ang iba't-ibang tinig habang nakatitig sa larawan nito. 

'Yuna, don't lie to me. you know that I am not an ordinary person' 

'Stop calling me your Joo!' 

'My sister and her Mom are both witches' 

'My life is like a modern Cinderella with an evil step-sister and evil step-mother' 

'Prinnn!!!!' 

Isang boses ang pumukaw at nagbalik sa kanya sa reyalidad. "The dinner is ready"  

Dumausdos ang frame sa mga kamay niya, mabuti na lang at mabilis din siyang nakakilos at hindi iyon tuluyan na nahulog sa sahig. Natatarantang ibinalik niya iyon sa kung saan ito nakapwesto.

Nakakunot ang noo ni Cally at lumamig ang paningin nito nang makita na hawak niya ang larawan ng asawa nito. 

"Mommy, why are you crying?" nag-aalala na tanong ni Khalid. 

Hindi alam ni Yuna na napaluha siya habang hawak ang larawan ng Mommy nito. Pinunasan niya ang mga mata niya saka humugot ng hangin para pakalmahin ang sarili. 

"The dinner is ready" malamig na ulit ni Cally. 

Hindi naman mapalagay si Yuna habang nakatingin sa mag-ama na naghihintay sa kanya sa pintuan patungo sa kusina. 

"Ma-master Cally… Khalid…" tawag niya sa pangalan ng dalawa. Nagpatuloy sa agos ang luha niya dahil sa biglaang sakit ng dibdib niya. She has to face this sooner or later kaya mas makabubuti pa na harapin niya na ngayon ang dalawa kaysa lumalim pa ang samahan nila ni Khalid.

Khalid is a nice kid and she can't help to feel sad for him for losing his Mom at his young age. Kahit gaano karaming haplos ang gawin niya dito, hindi iyon mapapalitan ng haplos ng tunay nitong Mommy.

"Master… I think I shouldn't be here… your wife was with me nang mga huling araw sa barko.. I am Yuna Byrnes and Apolo's child… n-nanghingi ako ng tulong sa kanya noon… I.. I'm sorry, I am really, really sorry… she she..." 

"Stop it!" dumagundong halos ang sigaw ni Cally sa buong living room dahilan para matakot si Yuna. Halos lumuwa ang dibdib niya papalabas sa sobrang takot dito. 

Mahigpit na nakakuyom ang kamao nito. 

"I'm sorry Khalid… I am not worthy to be called your Mommy" sabi niya saka mabilis na tinungo ang pintuan papalabas. 

"No… Mommy no!" habol ni Khalid sa kanya.

Hinawakan ito sa braso ni Cally para pigilin. "She is not your Mommy" 

Binuhat ni Cally ang anak kahit gaano pa katindi ang pagpupumiglas nito sa pagkakahawak niya sa buong bewang nito. 

"No… Mommy! Mommy!!!" nagsimula na rin na umiyak ang anak niya while reaching out his hand sa gawi ni Yuna na papalabas. 

Pinilit naman ni Yuna na huwag pansinin ang mga pag-iyak ni Khalid sa loob ng living room. Mabilis siyang sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar iyon papalabas ng gate ng White Castle.

Uminit na ang ulo ni Cally dahil sa emosyon na hindi niya alam kung saan nanggagaling. He was really hurt. Tila binuksan ni Yuna ang naghilom niyang sugat. 

Bakit si Yuna, buhay? Bakit si Prin ang kinain ng apoy kasabay ng barko? At marami pa siyang 'bakit' na katanungan. 

Marahas na inakyat niya ang anak sa itaas patungo sa kwarto nito. "You will stay here" 

Basang-basa ang mukha nito dahil sa pag-iyak at hinarap ang pagbabanta ng mata niya. Binabantaan niya ito sa tingin na huwag susunod kay Yuna. Sumalampak ito sa sahig. 

Ilang hakbang pa lang nalalayo si Cally mula sa kwarto ng anak niya  nang makarinig ng mga pagbasag.

Tuluyan nang nag-tantrum ang anak niya at hinagis ang lahat ng babasagin na nasa kwarto nito. Picture frame, vase, mga kotse-kotsehan na maayos na nakasalansan sa isang parte ng pader, pati ang 40 inches na TV ay hindi natakot na hinila nito ang mahabang wire ng saksakan, dahilan para mahulog ito sa kung saan ito nakapatong. 

Hindi pa nakuntento na sinipa nito iyon at tila nanghahamon na sinalubong ang mata ni Cally na nasa tapat ng pintuan. .

"Don't try my patience Khalid!" 

Nagpipigil ng galit si Cally pero nagulat na lang siya ng sinaraduhan siya nito ng pintuan. 

Mga kasambahay na simpleng nakiki-tsismis "..."