Chapter 302 - Hard to seduce

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Masama ang loob ni Yuna na bumalik sa hotel. Mabigat ang dibdib niya habang inaalala ang pagtawag sa kanya ni Khalid habang umiiyak.

Mabuti na lang at nasa Maynila ang mga kaibigan niya. Kaya naman agad niyang tinawagan si Coffee matapos niyang mag-park ng kotse.

"Hello Dear *cough*"

"Where are you guys? At bakit parang inuubo ka?" usisa niya dito.

Agad din naman niyang naisip na baka nag-aadjust ang katawan nito sa siyudad dahil nagmula pa ang babae sa malamig na bansa.

"Tamang-tama ang tawag mo, because your Dad might call you soon *cough*." sabi nito nang may bahid ng pagbabanta. Then, she sneezed.

Pero base rin sa tono nito, hindi nito masyadong binibigyan ng pansin ang kung ano man na rason kung bakit siya ipapatawag ni Apolo.

"Okay, I'm here sa lobby. See you in a minute" sabi niya saka nagpaalam na dito.

Kailangan niyang i-divert ang atensyon mula kay Khalid na patuloy na umaalingawngaw sa tenga niya ang pagtawag nito ng 'Mommy'.

Nakasalubong niya muli si Mari at Felix sa elevator. Palabas ang dalawa at siya naman ay papasok.

"Hi sister Yuna" bati ng babae.

Inikutan niya lang ng mata ang mga ito saka nagpatuloy sa pagsakay sa elevator. Bakit naman kasi kung kailan bad mood siya saka niya makikita ang mukha ng mga ito? Para bang nananadya ang tadhana na lalo siyang bwisitin.

Bad mood pa naman siya dahil tinakot siya ng first-ever crush niya. Well, sa loob ng tatlong taon.

'Hmp! Di na kita crush!' sabi niya habang nasa imahe ng isip niya ang seryosong mukha ni Cally.

Lihim naman na napangiti si Mari na tila may alam ito na hindi alam ng iba.

Dumeretso si Yuna sa pinaka-mataas na palapag para puntahan ang Presidential suite kung saan naroon ang tatlo niyang kaibigan.

She used her master key card saka tuloy-tuloy na pumasok sa suite ng mga ito. Natagpuan niya si David at Coffee na magkatabi sa isang couch at parehas na nanonood ng movie sa TV. Balot na balot ng comforter si Coffee at namumula ang mukha.

"Where is Mikey?"

"May surgery." simpleng sagot ng babae. Then, she coughs again.

Nagsalin siya ng wine sa kopita at dinala sa single couch na nasa gilid ng dalawa

"So, wala kang biktima kaya ka narito?" tanong niya kay Coffee

Umikot ang mata nito dahil sa inis saka pinatay ang TV. Nagsalubong ang kilay nito saka nagsimulang magreklamo.

"Wala! I tried to seduce Makisig, I even wear my s.e.xiest tube dress when I met him earlier, tinodo ko pa ang pag-push up sa cleavage ko to get his attention. You know what he did? He asked me -- 'Naiinitan ka dito sa Maynila?" nagboses lalaki pa ito.

"...guess what he did next?" she paused for a moment. At umubo muli tapos ay kumuha ng tissue para pigain ang sipon nito.

"Nilagay ang aircon sa 8 degrees! I didn't even bring a jacket or something to cover my delicate s.e.xy body in a red lace-tube dress… *sneeze* and that is the reason why I have a flu now"

Tawa ng tawa si Yuna. Base sa kwento nito, mukhang may ideya si Makisig na inaakit na ito kaya para magtigil si Coffee ay nilagay nito sa malamig ang aircon na parang nasa winter ang panahon. Para palayasin na rin ang kaibigan niya nang hindi ito mapapahiya.

"Sana man lang kasi nag-research ka about him bago ka sumabak sa giyera. He and his wife knew each other since they were teens and he never got involved to other girls"

"Malay ko ba! Ang alam ko lang noong teenager ako. Nag-aral na ko ng kama sutra. *cough*"

"Why don't you seduce David instead?" saka niya dinala ang wine sa bibig..

Nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Nagtaas lang ang kilay ni David samantalang inubo naman si Coffee.

"Nah! Forget it! hindi 'yan takot sa labanan pero ayaw niyan sa babaeng mas palaban sa kama kaysa sa kanya"

Napangisi si Yuna "And... how did you know?" nakataas ang kilay na usisa niya dito.

Umubo ito ng sobra-sobra.

"Because... I have an ex same as David, okay?! Anyway, balik tayo sa concern ko… Sa tingin ko, babalik ka sa France the soonest." Pag-iiba nito sa topic na hinayaan na lang ni Yuna.

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Dahil nagreklamo ang isang french doon. And she is attacking you personally." Kinuha nito ang laptop na nasa mesita at may mga pinabasa sa kanya.

Isang guest na babae na naglalaro sa 35 to 40 ang edad ang nagrereklamo sa Romantik Grand Hotel sa Paris pero patungo sa kanya ang atake. Isang blogger, kaya malaya nito na nasabi ang mga nais at reklamo nito sa personal site nito.

Ang dating manager daw ng hotel na iyon (which is si Yuna) ay nahuli nito na babae ng asawa nito at iba-iba pa daw ang lalaki na nagpupunta sa hotel na halos maging brothel house na iyon.

She looked at the guy's photo at hindi maiwasan na mapangiwi siya. The most surprising is that this guy said sorry to his wife na parang pinatotoo nito ng hindi direktahan ang bintang sa kanya.

Nakaapekto ang bintang nito kay Yuna sa hotel branch na nasa ibang bansa at sigurado na makakaapekto rin iyon sa Stock market ng kumpanya nila.

Ilang saglit pa nga, tumatawag na si Apolo sa cellphone niya. "Dad…"

"I'm here at your office" sabi nito.

"Okay. papunta na ako diyan."

Hinarap niya si Coffee. "I know na may pang-atake ka na sa French girl na ito kaya bakit pa ako pupunta sa France? Why don't we enjoy the days on Phuket island instead?"

"I like your idea!" nakangiting sabi nito. Saka bumahing.

"Grrr! I hate this Makisig!"