Chapter 303 - She took a vacation instead...

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hindi tulad ng inaasahan ni Yuna, iba ang rason kung bakit siya pinuntahan ni Apolo sa opisina niya.

"I heard you spent a night with someone" 

Napakamot sa ulo si Yuna. Alam niya na maraming mata at staff sa paligid ng hotel na maaari siyang pagtsismisan. 

Nagulat lang siya na mas nauna nitong pag-usapan ang tungol sa bisita niya nang nagdaang gabi kumpara sa issue sa Paris. 

"Dad…" hindi niya alam kung ano ang isasagot. 

Tinatapik-tapik nito ang mga daliri sa mesa. 

"hindi kita susuwayin kung may nagugustuhan kang lalaki. I just hope na hindi ito makasira sa performance mo… Mari is now pregnant at ayoko naman na sumunod ka agad sa pagbubuntis niya." 

Alam ni Yuna na nag-aalala lang ito sa kahihinatnan nilang dalawa ni Mari at ng hotel. 

"Wala kang dapat ipag-alala sa akin. I don't have a secret lover or a boytoy or a boyfriend or something. No plans of getting pregnant sa kung kani-kanino. Nagkataon lang na malakas ang ulan nang nagdaang gabi and my friends need shelter." 

Pumasok tuloy sa isip niya muli ang mag-ama. Hindi naman na kailangan pang banggitin kay Apolo na nagpunta siya sa tahanan ng mga ito at ginalit niya ng todo ang Master ng Dark Lords. 

Ang hindi alam ni Yuna, pina-delete ni Cally ang lahat ng traces na nagpunta ang mag-tatay sa hotel na iyon kaya wala ring makuha na impormasyon si Apolo. Their safety is important. At ayaw nito na mapahamak ang isang inosenteng si Yuna nang dahil lang sa kagustuhan ni Khalid na tumungo sa hotel. 

Susubukan naman sana ni Apolo na alamin sa bibig mismo ni Yuna kung sino ang bisita nito. Pero mukhang hindi naman na kailangan. 

Gayunpaman, hindi ibig sabihin na kampante ang kalooban niya sa kung sino man ang kaibigan na sinasabi ni Yuna. 

"About the issue in Paris..." pag-iiba ni Apolo sa usapan. 

"Rest assured that I am doing something on that issue" 

Tumango lang ito saka siya tinitigan sa mata ng ilang saglit. 

"*cough* By the way, it's been so long at gusto ko sana mag-unwind o magpahinga muna sa trabaho. I'm going to Phuket for a couple of days" paalam niya dito. 

Saglit na natahimik si Apolo pero sinabi rin naman na ayos lang saka ito nagpaalam. 

=====

Nang makarating kay Mari ang balita na magbabakasyon si Yuna, mas lalong sumilay ang ngiti sa labi nito. 

Sino ba naman kasi ang mas pipiliin na mag-unwind at magbakasyon sa isang isla at magsuot ng swimsuit sa panahon na iyon na may kinakaharap na problema ang hotel nila?

Kinaumagahan, umalis din naman ang grupo ni Yuna patungong Thailand. 

Tapos na ang transaksyon ni Coffee, tapos na rin ang surgery ni Mikey sa isang batang babae na may sakit sa puso kaya pumayag ang mga ito sa nais niya na magbakasyon kahit tatlong araw. 

Sa loob ng tatlong araw, sinabotahe ni Coffee ang blog site ng French girl na nagrereklamo kay Yuna at pinaulanan iyon ng s.e.x videos na halos maging p.o.r.n sites na iyon. Napalitan iyon ng mga videos ng pakikipagtalik nito kung kani-kanino. 

Sa sobrang galit ng asawa nito, ginulpi nito ang babae na nagdala dito sa ospital, dahilan naman para hulihin ito ng pulis. 

Dahil sa issue ng mag-asawa nagkaroon tuloy ng katanungan kung nagsasabi ng totoo ang mga ito. 

Then, Yuna created her first ever social media account. Simple lang ang sinulat niya. 

[The truth is rarely pure and never simple] sinamahan niya pa iyon ng isang larawan niya na nakasummer dress at naglalakad sa beach. 

Marami naman agad ang pumuri kay Yuna sa pagtrato nito sa sitwasyon. And iba pa nga ay nagtatanong kung saang lugar siya nandoon. 

Alam niya na may nagpapaikot sa sitwasyon niya at malakas ang kutob niya na si Mari ang instigator ng mag-asawa. Ayon kasi kay Coffee, hindi na masyadong kumikita ang blog site ng babae na tungkol sa Travels nito dahil naubusan na ito ng funds. 

Pasasaan ba at ilalabas niya rin ang tunay nitong anyo sa likod ng itim nitong maskara. 

She is holding her biggest card against her idiot sister at ilalabas niya ang bagay na iyon kung sakali na inubos nito ng tuluyan ang pasensya niya. 

She is enjoying the sunset and the beautiful scenery nang nagmamadaling lumapit sa kanya si Coffee. Nakabikini pa ang babae na tumabi sa kanya. 

"Yuna, may relasyon ba kayo ni Master Cally?" 

Kumunot ang noo ni Yuna. At binaba ang shades niya na halos tumatakip na sa kalahati ng mukha niya. "You knew very well na wala" 

"Then, what is the meaning of this?" 

Isa sa hot comment sa kauna-unahan niyang post sa kanyang account ay nakasulat ang mga salitang 

[Yuna, please come back - Cally] 

Hindi nito personal na account ang ginamit pero wala siyang ibang Cally na kilala kung hindi si Cally na 'Master of all Masters' 

At hindi rin naman siya nito pababalikin sa Maynila kung walang nangyari sa anak nito. 

"Oh my gosh, kailangan kong bumalik sa Maynila" nag-aalala niyang sabi. 

Nakaplano namang tapusin ng grupo ang bakasyon sa araw na iyon at magbalik sa bansa kung saan galing ang mga ito, mauuna nga lang siya ng alis. 

Hindi maiwasan ni Yuna na mag-alala habang inaayos ang mga gamit niya. What happened to Khalid para kusang loob ang tatay nito na pabalikin siya? 

Sa kabilang banda, hindi niya rin maiwasan na kiligin sa mensahe nito.