Chapter 304 - Like a wife

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Mabilis na nagtungo si Yuna sa airport para makahanap ng ticket kung saan mabilis siyang makakabalik sa Maynila.

Pero mas nabigla siya na may personal siyang sundo sa airport mula kay Cally.

Tatlong lalaki na parang miyembro ng men-in-black ang nag-escort sa kanya papuntang papuntang private plane kung saan naghihintay ang 'Master of all Masters'.

Natagpuan niya si Cally na nakaupo sa isang kompartableng couch na nasa loob. Nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang may dinadanas na malaking problema. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa katauhan nito ang malakas na appeal na susukuan ng kababaihan.

"Ehem!"

Pinilit ni Yuna na pakalmahin ang sarili baka kasi manghingi siya ng autograph sa lalaki. Nilapitan niya ito..

"Anong nangyari? " tanong niya.

"Khalid is at the hospital now. Hindi siya kumakain simula pa kahapon"

"What?! Y-you…" dinuro ni Yuna si Cally.

"What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo? Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap magluto ang cook niyo!" nagagalit at sunud-sunod ang reklamo niya dito habang pinameywangan pa ang lalaki.

Cally "...."

Para siyang sinapian ng misis na nagagalit sa asawa nito. Wala namang emosyon na binigay sa kanya ang lalaki at nagpatuloy sa pananahimik.

Matapos niya itong pagalitan, parang nakabalik naman sa reality si Yuna. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob niya na pagalitan ang 'Master of all Masters'.

Natatakot na ba siyang mabuhay?

Gusto ba niyang ihagis siya nito sa dagat at ipakain sa pating?

Umupo na lang si Yuna sa couch na nasa kabilang isle. Wala naman siyang narinig pa sa lalaki at mas pinili na lang nito na matulog. Hindi naman na ninais pa ni Yuna na istobuhin pa si Cally dahil mukhang ilang araw na itong walang pahinga.

Mas pinili na lang niya na magpahinga din dahil mahaba-haba rin ang byahe nila. Halos hindi nga niya namalayan na nakatulog siya ng limang oras at ginising na lang siya nito nang maka-landing ang eroplano. Pagdating ng Maynila, lumipat lang sila ng helicopter para mas mabilis silang makakarating sa ospital na pag-aari ng mga Hans.

Pagdating sa ospital, dinala siya ni Cally sa isang kwarto at natagpuan niya si Khalid na nakahiga sa isang kama. Ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang galos ng bata sa binti.

Naniningkit ang mga mata na hinarap niya si Cally.

"What did you do, Cally?" naiinis na tanong niya sa lalaki. Habang tumatagal ay mas tumatapang na ang apog niya na pagalitan ang lalaki.

Hindi niya na ito tinatawag na 'Master'. Nagpapasalamat na nga lang siya dahil hindi naman ito umaalma, kung hindi ay talagang 'Yari' siya at baka ipadala siya nito sa Iran para pigilin ang giyera laban sa Amerika.

Parang napahiya naman si Yuna nang makabawi, lalo at may mga tao pala sa loob ng kwarto. Nasa loob ng kwarto na iyon ang mag-asawang Ginny at Cloud Han kaya biglang umurong ang dila niya.

"So-sorry po" pagpapaumanhin niya sa mga tao doon. "Ano ba ang nangyari talaga?" maayos nang tanong niya.

"For two days, binasag niya ang mga gamit sa White Castle, kaya hindi naiwasan na masugatan siya." paliwanag ni Cally. Nanlaki naman ang mga mata ni Yuna sa nadinig.

"Dahil akala niya ay wala siyang mapapala sa pagbasag lang ng gamit sa bahay, he came up with another plan, ang huwag kumain. It's more than 24 hours at wala siyang ginugusto kahit tubig. He just wants to see you"

Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa nadinig. Ilang saglit pa, nagdilat ito ng mata at unang nakita si Yuna. Agad na lumuha ang mata nito saka umupo at yumakap sa kanya.

Hindi ito nagsalita at tahimik na lumuluha. "Baby, don't cry… I will stay with you, okay"

Tumango ito.

"Your dad told me, hindi ka kumakain simula kahapon. That is bad for your health. What do you want to eat?"

"Anything you cook"

"Okay, lulutuan kita ng pagkain everyday. For now, inumin mo muna 'yung gatas mo" Mabilis naman na nakarating sa mga kamay ni Yuna ang baso ng gatas para ipinainom kay Khalid. Matapos iyon pinakain niya muna ng biskwit para hindi mabigla ang tiyan nito.

Habang ginagawa niya iyon, pinag-aaralan naman siya ni Ginny saka bumulong sa asawa nito.

"Honey, let's talk outside"

Tahimik na lumabas ang mag-asawa. Akala ni Cloud ay sa malapit lang sila pupunta ng asawa niya ngunit nabigla siya nang dinala siya nito sa parking at sumakay ng kotse si Ginny.

"You drive" utos ni Ginny.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa Romantik Grand Hotel" sagot ni Ginny. Kinakagat-kagat nito ang kuko habang nakaupo sa unahang bahagi ng kotse nilang mag-asawa. Wala siyang ideya pero mukhang seryoso ang kailangan nito kay Apolo. Kilala niya na ang asawa niya at alam niyang na-stress ito bigla.

Tinawagan niya muna si Drake para abisuhan si Apolo na patungo sila doon para kitain ito. Sigurado naman siya na nauunahin silang harapin ni Apolo kahit ano pa ang ginagawa nito sa kasalukuyan.

Samantala, sa parehas na oras, sumimple si Cally na lumabas sa hallway at tinawagan niya ang pinsan na si Mat-mat.

"Please investigate what Yuna Byrnes did in the past three years."