Chapter 305 - Like a rapist looking at his prey

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
(three days backtracking)

Maririnig ang mga pagbasag ng kung ano sa loob ng White Castle.

"Ano ang nangyayari?" tanong ni Xander sa asawa nito na si Xia na siyang nag-aasikaso sa kasalukuyan ng mga kailangan sa White Castle.

"Inubos ni Master Khalid ang lahat ng plato at baso sa kusina." nakangiwing paliwanag ng asawa niya. Sinilip niya ang kotse kung saan nakaupo si Cally na nagtatrabaho sa laptop nito.

"S-shi…?"

"Let him, kung gusto niyang ubusin ang lahat ng gamit sa bahay, bahala na siya. Just make sure that he is safe" utos nito kay Xia.

"Yes, Shi"

Napangiwi na lang si Xander. May ideya siya kung gaano kamahal ang mga kagamitan sa white castle, at hinahayaan lang ng Shi nila na ilabas ang sama ng loob ng anak nito sa pamamagitan ng pag-ubos ng kagamitan ng bahay nito?

Sumenyas na lang si Xander sa asawa nito na ito na ang bahala sa nagtatantrum na si Khalid, saka siya sumakay sa itim na kotse at inutusan ang chauffeur na magpatuloy na sa pagmaneho patungong opisina.

Kinabukasan hindi akalain ni Cally na mas malaki ang problema niya kay Khalid. Habang nasa dinner meeting, tinawagan siya ni Xia para ipaalam na nasugatan ng bubog ang binti ng anak niya at hindi kumain ng kahit ano sa maghapon at nanghihina na ito sa kwarto.

Marahas na kinamot niya ang kilay at tinapos ang meeting niya sa araw na iyon. Inutusan niya si Xia na dalhin ang anak niya sa ospital na pag-aari ni Christen.

"Go and find Yuna" utos niya kay Xander saka dumeretso sa ospital. Alam niya na ito lang ang magiging hero niya sa sitwasyon ng anak.

Eksakto naman na naroon na sa oapital si Khalid at tsine-tsek ng doktor nang dumating siya

Matamlay na ito at wala na sa mood magbasag ng kung anu-ano pero ang una nitong ginawa nang makita siya ay hanapin si Yuna. "I want my mommy"

"So, kaya ka ba hindi kumakain dahil gusto mong sumunod sa mommy mo sa hukay?"

Sinalubong nito ang mata niya at tila naiinis. Of course he knew that he is looking for Yuna.

"What?" panghahamon niya rin dito.

Binawi nito ang tingin. Hindi na ito sumagot, sa halip ay nagtago sa puting kumot.

"Is that your new method to kill yourself?"

Umikot ito sa ibabaw ng kama na halatang naiinis na ito sa kanya. Pinilit nila na pakainin ang anak niya o painumin ng gamot pero ayaw nito na tanggapin ang lahat ng ibigay nila dito na halos mag-init na ang ulo ni Cally.

Ilang araw na siyang hindi makatulog dahil lihim niyang binabantayan ang kilos ng anak niya at talagang nakaramdam na siya ng pagod.

Nag-report naman agad sa kanya si Xander tungkol kay Yuna at nabalitaan niya na nagpunta ang babae sa Phuket. Pinakita pa sa kanya ni Xander ang larawan nito sa isla.

"Shi, tatlong araw kasi ang nakaraan, nagkaproblema si Ms Yuna sa branch sa Paris."

Pinagmasdan niya ang larawan ni Yuna.

Parang diwata si Yuna na sinilang sa isla na iyon habang nakasuot ng floral na bestida na abot hanggang sakong, nililipad pa ang buhok nito na nakikiisa sa hangin, at wala man lang sa anyo nito na stress o kung ano pa man sa problemang kinasasangkutan nito.

Then he commented, 'please come back - Cally'

Xander "..." 'Shi, that's my account'

Alam ni Cally na may ideya si Yuna na si Khalid ang dahilan kaya siya nagkomento sa account nito. Pero hindi si Xander. Iba ang tumatakbo sa isipan ng assistant niya.

"Do something for her sa issue niya sa Paris." utos ni Cally saka tinawagan ang piloto niya para maghanda sa pagsundo nila kay Yuna.

=====

"Shi, we have Ms Yuna now" pagbibigay-alam ng tauhan ni Cally sa radyo na nasa gilid ng eroplano. Nakampante naman ang kalooban niya nang marinig na kasama na ng grupo niya ang babae saka niya pinatay ang radyo.

Ilang minuto pa nga at nasa harap niya na si Yuna. Tila ito hinatid ng mga anghel sa harapan niya at hindi niya pinahalata na saglit siyang natigilan.

'You idiot! What are you thinking?!' pinagagalitan niya ang sarili dahil lumilipad na ang isip niya kung saan-saan.

Syempre walang ideya si Yuna sa kung ano ang mga iniisip ni Cally. Seryoso at walang makitang emosyon sa kanya kahit pa nang ipaalam niya dito na na-ospital si Khalid.

"What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo? Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap magluto ang cook niyo!" nagagalit na sabi nito.

Habang nagagalit ito ay tinitigan niyang mabuti si Yuna. Her actions, gestures and even the way she talks was like Prin. para nitong pinipitik ang dibdib niya habang nagagalit. Natahimik si Cally.

Ang huling beses na naramdaman niya ang ganoon ay sa asawa niya rin na si Prin. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay pinagagalitan siya ni Prin.

Natahimik naman ito matapos nito magbigay ng litanyang napakahaba. Tapos umupo sa kabilang couch at natulog.

Sa loob ng mahabang oras ng byahe, nakatingin lang siya sa gawi ni Yuna. Para siyang rapist na pinanonood ang biktima niya sa mahabang oras na iyon.