Chapter 306 - Kiss on her lips

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
He continues to analyze Yuna habang natutulog ito sa kabilang couch. Even her sleeping posture is like Prin Matsui. 

Hindi niya rin maramdaman ang panganib sa babae. Hindi niya napigilan na lapitan si Yuna at huminto sa tapat nito para titigan ang buong mukha nito na nakapikit. 

She has a pointy nose, nice chin, clear skin na halos wala ng makitang pores sa balat nito. A lips like cherry. 

He can tell that Yuna underwent plastic surgery sa malapitan. Hindi niya iyon napansin ng una.

"Master..." naputol siya ng attendant dahil pauupuin sana siya nito dahil sa galaw ng hangin o air turbulence. Sinenyasan niya ito na umalis sa harapan niya. Nagbalik naman ang babae sa kabilang kwarto

Ilang saglit pa, biglang gumalaw ang eroplano patagilid. Natumba si Cally sa pwesto ni Yuna. 

Agad naman niyang nahawakan ang arm rest ng couch para sa suporta. Pinilit niya na huwag masagi o maipit si Yuna na nanatiling malalim ang pagkakatulog. 

Doon niya lang nakita na nagbigay pala ng seatbelt warning ang piloto niya. 

Gumalaw muli ang eroplano. He never thought na babagsak ang mukha niya sa leeg ni Yuna. Kahit pa hindi nakikita ni Cally ang sarili, alam niya na namula ang mukha niya dahil sa intimate position nilang dalawa. 

Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na amoyin ang leeg nito. She smells like cherry blossoms in an early spring time. 

"Master, are you okay?" tanong ng piloto sa radyo. 

"I'm good!" sigaw niya dahil sa pagkainis. Mabuti na nga lang at nananatili na tulog si Yuna. 

Hindi niya akalain na tulog mantika din ang babae. O kaya naman napagod ito sa pagswimming sa dagat

Nanatili si Cally sa posisyon niyang iyon. He is enjoying her scent. Hindi niya alam kung gaano katagal pa niya na pinagmasdan at inaral ang babae. 

Tapos, sumunod ang kanina pa niya tanong sa mahabang oras na pagkakatitig niya dito. 

'Are you Prin Matsui?' while looking at her.

He is not certain about her but he followed his instinct. He can't help but to place a kiss on her lips.

Ang mas lalong kinabigla ni Cally ay nang gumanti ito ng halik sa kanya sa iilang pagkilos lang ng labi nito. Then she stopped and continue her sleeping. It's like she forgot everything but her body and heart will always remember. 

Isang luha ang namuo sa mata ni Cally.

Bumalik siya sa couch kung saan siya talaga nakaupo at tumingin na lang sa bintana. 

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ayaw niyang gumawa ng aksyon na ikapapahamak na naman ng pamilya niya. Ayaw niyang umasa but the truth was right before his eyes? 

Does Cally need to investigate? Hindi na kailangan, because he knew, he knew his heart very well. 

'What did you do in the past three years, Prin Matsui?' 

=====

Tumungo si Ginny sa Romantik Grand Hotel pero hindi nila nakausap si Apolo. 

Ayon sa anak nito na kausap nila, nagtungo si Apolo sa Paris ng hapon lang na iyon. 

"Ginny Lopez, malapit na 'ko magselos" reklamo ni Cloud pero pabulong lang na sakto lang na si Ginny ang makakarinig. 

"Can we please go home?" iritable pero pabulong lang na dagdag niya. 

Hindi naman siya pinansin ni Ginny at nagpatuloy sa pag-usisa kay Mari.

"May kailangan ba kayo Master Cloud, Miss Ginny?" tanong ng dalaga. 

"Can I ask you something about your sister?" tanong ni Ginny. 

Iba naman ang naglalaro sa utak ni Mari. Kilala ng pamilya niya si Master Cloud at lalo na si Ginny Lopez. 

If there is something good na nais ng dalawa na ibigay kay Yuna, hindi niya syempre ikatutuwa ang bagay na iyon. At pagkakataon na rin niya para ipakilala ng mabuti ang sarili. Noon pa nais ng mommy niya na sana ay mapalapit siya sa mga Hans. 

Kaya naman she create stupid things para sirain ang imahe ni Yuna sa dalawa. 

"Haay, Miss Ginny. Walang ginawa ang kapatid kong iyon kun'di ang maglakwatsa. Nagawa pa ng Daddy ko na magpunta sa Paris to cover her mistakes. At alam niyo po ba kung nasaan siya habang inaayos ng daddy ko ang gusot na ginawa niya? She is enjoying life in Phuket island!"

"...Samantalang ako itong buntis, pero ako ang naiwan dito sa hotel para i-manage ito ng maayos" 

Ngumiti lang si Ginny saka nagpaalam. "Take care of your baby. Uuna na kami" 

"Salamat Miss Ginny, please visit this hotel everyday. We can chat everyday… like sisters" nakangiti pa na sabi ni Mari na parang nakababatang kapatid na humihiling sa ate nito. 

Ngumiti si Ginny. "Okay, we have to go. Bye!" hindi nito diretsahan na dinecline ang paanyaya ng babae. 

Bago makalabas ang mag-asawa… 

"Does this lady know na ayoko na nagpupunta ka dito sa hotel ni Apolo?" 

Mari "...."