Chapter 308 - Move in

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
*cough cough cough*

Todo-todo na inubo si Yuna sa sinabi ni Cally. Hindi niya akalain na sobrang prangka nito. Masyado naman yatang nagiging seryoso ang lalaki sa pagganap just to satisfy his kid. 

*kruuug* tumunog bigla ang tiyan niya na lalong kinapula ng pisngi niya. 

"I-I'm starving" sabi niya. Ang huling kain niya kasi ay sa ibang bansa pa. 

"Bumili ako ng pagkain." ang sabi nito saka nilagay ang mga binili nito sa lamesa na nasa loob ng kwarto. "Let's eat" 

Binuhat ni Cally ang anak niya at inupo sa isang silya ng kwadradong mesa. Tumabi naman si Yuna dito at umupo naman siya sa tapat ng babae para mas mapag-aralan niya pa ito. 

Napansin niya na magana na sa pagkain ang anak at naubos nito ang isang buong meal na inorder niya. 

Nilagyan muli ni Yuna ng pagkain ang plato nito. "Kumain ka pa" 

Hindi sumagot si Khalid sa halip nagpatuloy sa pagkain. 

"Come on, tell your Dad now." utos ni Yuna sa bata. 

Yumuko naman si Khalid at hindi makatingin kay Cally dahil nahihiya. "Daddy, I'm sorry"

Bahagyang napangiti si Cally. Hinaplos lang ang buhok ng anak na nagpatuloy sa pagkain matapos nitong manghingi ng sorry. 

Ilang araw pa lang si Yuna sa buhay nila pero nagtuturo na ito ng maganda sa anak niya. He's happy having this thought. 

Habang kumakain, naiilang naman si Yuna dahil nakatitig sa kanya si Cally. Hindi naman maiwasan na mapraning siya. 

'Sheeet baka nakahalata na siya na peke yung mukha ko' 

Kahit pa sabihin na open na ang mga tao sa plastic surgery, iba pa rin kapag natural. Kaya lang, ano ang magagawa niya? Kung nauna lang sana niyang nakita ang larawan ni Prin Matsui, e' di pinagaya niya na ang mukha nito. 

"Iuuwi ko na siya sa bahay ngayon. Come with us" putol ni Cally sa lumilipad niyang kaisipan. 

"Ngayon na?" ulit ni Yuna. 

'Ang bilis naman yata?' 

Pero naisip niya si Khalid na nakatingin sa gawi niya at naghihintay ng sagot. Alam ni Yuna na gusto nito na makarinig ng magandang sagot mula sa kanya. 

'Ay hayaan mo na nga! Ayaw mo ba n'on makakaboso ka kay Master?' tanong niya sa sarili. 

Kaya walang nagawa si Yuna kung hindi ang sumama sa mag-ama. 

Alas-dos na ng madaling araw nang makarating sila sa White Castle. Palibhasa, nakatulog siya ng mahaba sa eroplano, hindi siya makaramdam ng antok. 

Isang kwarto ang ipinahanda ni Cally para sa kanya pagdating nila sa villa. Katabi lang ng kwarto ng anak nito. 

"I hope you don't mind kung ilapit ko ang kwarto mo kay Khalid" 

"No problem" choosy pa ba siya? E, siya na nga itong nakikitira? 

"Ah… Master" tawag niya dito. Nilingon naman siya nito habang buhat nito ang natutulog na si Khalid. 

"Kung maaari, huwag mo sanang ipaalam sa Daddy ko na tumutuloy ako dito. I can tell him na bumili ako ng apartment or condo somewhere, and decided to be an independent woman" 

Tumango lang ito saka inakyat ng hagdan ang anak. 

Iniikot ni Yuna ang mata niya sa paligid. Pansin niya na nagbago ang karamihan sa kagamitan ng malawak nitong living room sa loob lang ng ilang araw na wala siya doon. 

Napaisip tuloy siya kung gaano karaming gamit ang sinira ni Khalid. 

"Iaakyat ko na po ang gamit niyo Miss Yuna, nakahanda na ang kwarto na pinaayos ni Shi Cally. Ako po pala si Xia" magalang na sabi ng lumapit sa kanyang babae na naglalaro sa thirties.

Sa tingin niya, base sa suot nitong suit, ang babae ang head sa responsibilidad sa bahay na iyon. 

Hindi niya rin alam kung kailan pa niya natutunan na mag-analyze ng tao at alam ni Yuna na marunong sa pakikipaglaban ang babae dahil sa kamay nito. 

This girl is acting like a simple and modest girl but she can feel her thorns. And it's normal sa buhay ng mag-ama. 

Agad din naman siyang tumanggi. "Ako na lang, nakakahiya e."

Pero hindi nito sinunod ang nais niya at binuhat na lang ang maleta niya papaakyat sa ikalawang palapag. Sumunod na lang si Yuna sa babae. 

Alam naman niya kung gaano kaistrikto sa pagsunod ang mga katulad nito. 

Pumasok sila sa isang kwarto.  

"Salamat Xia." nakangiti niyang sabi. Yumukod lang ito saka umalis. 

Iniikot naman niya ang paningin sa loob ng kwarto. Nagustuhan niya ang interior design nito. 

Pansin ni Yuna na magara talaga ang mga kagamitan sa bahay ni Cally. Sobrang laki pa ng kwarto kahit ang simpleng guest room na iyon. Isang king size bed pa ang higaan. Kahit magtumbling siya sa pagtulog, siguradong hindi siya mahuhulog. 

Pinuntahan niya ang shower at mas lalo siyang nabigla dahil halos isang studio apartment na ang laki nito. 

'Did Xia send me to the Master's bedroom?' 

Pansin niya kasi, napakalaki naman yata ng kwarto na iyon para sa kanya na makikitira lang. 

Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pintuan. Halos lumipad ang kaluluwa niya sa gulat nang makita si Cally sa labas na papasok din sa kwarto. 

"I... I'm sorry, I think nagkamali si Xia sa pinagdalhan sa 'kin na kwarto." pagpapasensiya niya dito. 

"She has never been failed" 

Napakamot siya sa ulo saka niya tinanong dito ang kanina pa bumabagabag sa kalooban niya. "ito ba ang… Master's bedroom?" 

"Yes"