Chapter 309 - Goodnight Kiss

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
'Ma-master's Bedroom?'

Nakaramdam ng pagkailang si Yuna lalo at ilang dipa lang ang layo sa kanya ng Master sa bedroom na iyon.

"Ehem!"

Pumasok sa isip niya kung ano ang nais nito. Gusto ba ni Cally na magtabi sila sa king size bed na nandoon? Kasabay niya ba na makiki-tumbling ang lalaki sa malapad na king size bed? Magkakainan ba sila ng strawberries sa ibabaw ng kama?

Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya na ikinapula ng magkabila niyang pisngi. Ang mas ikinabigla ni Yuna, mukhang nababasa nito ang nasa isip niya.

"Don't think too much. No one is using this room" narinig niyang sagot ni Cally.

Yuna "..."

Tinuro nito ang pintuan na nasa tapat ng kwarto ng Master's. "I am using that room simula ng lumipat kami dito."

Nakahinga siya ng maluwag pero hindi maiwasan na maki-usisa siya. "Bakit pala hindi ikaw ang gumagamit nito?"

Natahimik ito saglit at tinitigan siya ng mabuti sa mata.

"What's the use of using the biggest room if I don't have a wife to share it with me?" May kalakip na kalungkutan ang mga salita nito na dumaloy sa dibdib niya.

"I'm just checking on you. Feel free to use anything in this villa and you can ask anything in my staff"

"Sige salamat. magpahinga ka na rin" nakangiting sabi ni Yuna.

Inaabangan niya na umalis ito sa harapan niya dahil hindi naman tama na isara na lang niya ang pintuan habang naroon pa ito.

Nanlaki na lang ang mata ni Yuna nang ibaba nito ang mukha at dampian siya ng halik sa pisngi. "Good night"

Matapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na ito at pumasok sa kwartong sinasabi nito na ginagamit nito. Sinara niya ang pinto matapos nitong mawala sa paningin niya at napahawak siya sa pisngi na dinampian nito ng halik.

"O. M. G.! ahhhhhhhh!!!" yung tipo na sumisigaw ka pero ikaw lang ang nakakarinig ng dahil sa kilig. Ganoon ang ayos ni Yuna sa oras na iyon.

Ikaw ba naman ang bigyan ng halik ng crush mo 'di ba? Bigla tuloy siyang nanghinayang na hindi niya kasama sa kwarto ang lalaki. Chance na sana niya na makaboso.

Sa kabilang kwarto, napangiti ng simple si Cally. Ayaw niyang biglain si Prin kahit pa Yuna ang katauhan nito ngayon, it will reveal anything sooner.

Ilang saglit lang, nagri-ring ang telepono niya. Agad niyang sinagot ang tawag lalo na at Mommy niya ang caller.

"Mom?"

"Honey, kamusta na si Khalid?" tanong nito sa kabilang linya.

"Nakauwi na kami dito sa bahay. Nakiusap ako kay Yuna na kung maaari na samahan niya si Khalid."

"She's with you?"

"Yes. Pero nakiusap siya na huwag sabihin kay Apolo"

"Honey…"

"Yes Mom?"

Matagal na natahimik si Ginny sa kabilang linya. "Pabalik na kami ng Daddy mo sa Kent Mansion sa susunod na araw." ang tinutukoy nito ay ang mansion ng pamilya sa UK.

"Mag-ingat kayo ni Dad kung ganoon."

Simula kasi ng mamatay si Madam Lira dalawang taon ang nakaraan, lumipat ang magulang niya sa Kent Mansion para gwardiyahan ang posisyon ng pamilya sa Dark Lords. Tinanggap ng Daddy niya ang hamon na ito ang mamuno sa samahan bilang anak ni Madam Lira.

Maraming nabago ang Daddy niya sa organisasyon. Mas mapayapa na at wala ng politikahan, hindi tulad noong panahon ni Madam Lira. But everyone knew that Ginny Lopez is the person behind his Dad's back.

Dumaan sa ritwal at mga pagsubok ang Mommy niya kahit noon pa, kaya mas napanatag ang kalooban ng pitong pamilya.

Kaya naman binitawan niya rin si Lorenz para gabayan ang magulang niya at lumipat ito kasama si Cassandra sa UK.

"Honey?"

"Yes Mom?" matagal na natahimik ito sa kabilang linya.

"No-nothing. Ibababa ko na ang tawag"

"Okay, I love you Mom! good night!" Saka niya narinig ang pagputol nito sa linya.

Ramdam ni Cally na may gustong sabihin sa kanya ang Mommy niya at may pakiramdam din siya na tungkol ito kay Yuna dahil nawala na lang ang mga ito sa ospital matapos dumating ni Yuna.

Matapos niyang kausapin ito, tinungo niya ang drawer at kinuha ang dog tag ni Prin Matsui. He can't wait na ibalik ang bagay na iyon sa kanyang Baby Panda. Pero gagawin niya lang ang bagay na iyon kung sakali na tuluyan na talaga itong magbalik sa kanya.

=====

Kinabukasan, maagang nakatanggap ng tawag si Cally mula kay Mat-mat. Kasalukuyan siyang nagkakape habang pinanonood si Yuna at Khalid na masarap na kumakain at panaka-nakang nagpapalitan ng mga salita.

Nakatulong pa sa maganda niyang view ang orange na sikat ng umagang araw sa labas ng bintana.

Naririnig niya pa na pinauubos ni Yuna ang mga pagkain ng anak niya sa plato nito. Saglit siyang nag-excuse saka lumayo ng kaunti. Sapat lang sa lugar na mananatili ang pagsilay niya sa 'magandang tanawin'.

"Yes?" sagot niya sa tawag ni Mat-mat.

"Heto na mahal na Prinsipe ang mga pinahahanap mo sa akin" sarkastiko nitong sabi.

Nakinig ng mabuti si Cally. "Three years ago, pumasok siya sa kumbento para magmadre kaya lang na-realize niya yata na hindi siya para doon at lumabas matapos manatili ng isang taon. Two years ago, nagsimula siya na hawakan ang business ni Apolo. Walang boyfriend na na-report, sampu ang manliligaw pero walang sinagot kahit isa."

Kumunot ang noo ni Cally.

"Pumasok sa kumbento para mag-madre?" nilingon niya si Yuna na kasalukuyang umiinom ng kape.

"Are you sure about this?" paninigurado niya kay Mat-mat

"Of course…Hindi!"

"...Sinira ng mga anak ko ang super laptop ko, kaya someone have the audacity to sabotage my investigation. Someone is hacking my files. And guess who it is?"

Hinantay niya ang sasabihin nito.

"Coffee, the french girl!"