"Hindi ko pa makalimutan ang ginawa ng babaeng ito samin ni Donna. But I wonder kung ano ang relasyon ni Coffee kay Yuna"
Sa mga oras na iyon, ang gusto lang malaman ni Cally ay kung ano ang mga ginawa ni Yuna sa tatlong taon.
It's easy for him to get a DNA test but it's not easy to get Yuna's history in the past three years.
Isa pa, natatakot siyang malaman ang totoo, hindi pa siya handa kung ang babae talaga si Prin. Ang pinanghahawakan niya lang sa ngayon ay ang damdamin niya. He wanted to take it slow. Gusto niyang sabayan ang asawa niya sa hinaharap nito.
"Just continue to investigate" ang huling sinabi niya kay Mat-mat bago bumalik sa mesa para harapin ang babae.
"Pwede kang sumabay sa amin sa pagpunta mo sa hotel" sabi niya dito.
"Kung ganoon, pasensya na sa abala." pagpayag nito.
Walang dalang sasakyan si Yuna kaya mabilis siyang napapayag ni Cally. Naiwan kasi ang kotse niya sa hotel.
Ang totoo, wala rin siyang plano na magtrabaho sa araw na iyon kun'di matulog lang sa suite niya doon.
Hindi kasi siya pinatulog ng simpleng halik nito ng nagdaang gabi.
=====
Nang makabalik si Yuna sa hotel, dumeretso siya agad sa suite niya. Papikit na siya nang tawagan siya ni Coffee. Nanatili kasi ang babae sa Phuket at ngayong araw pa lang nito plano na magbalik sa France.
"My dear, kamusta?" tanong nito.
"I'm good. Masakit lang ang ulo ko dahil hindi pa ako nakatulog kagabi. Buong byahe kasi pauwi ng Maynila kahapon ay tulog ako."
"...Salamat nga pala sa kung ano man ang nilagay mo sa file ko" sabi niya dito.
"Yep. sinunod ko lang kung ano yung mga sinabi mo sa akin. By the way, where did you get those ideas? Why did you choose na magpunta sa kumbento? walang boyfriend? Madaming manliligaw? Etchetera? Until now hindi ako maka move on sa mga pinalagay mo sa akin"
Natawa si Yuna pero hindi niya sinabi dito ang dahilan kahit pa simple lang ang rason niya.
Cally is his first ever crush at pinaiimbestigahan siya nito. Hindi naman siya nag-isip ng masama dahil madalas niyang makakasama ang anak nito. Normal na alamin nito ang pagkatao niya.
At normal din na hindi niya gugustuhin na makarating dito na may ex-boyfriend siyang sc.u.mbag na tumuhog sa kanilang magkapatid. Ayaw niya rin syempre na ipaalam na patay na patay siya kay Felix noon at nakaraang taon lang sila nito naghiwalay.
Lalong-lalo nang ayaw niyang makarating dito na nagparetoke siya ng mukha. Anong iisipin ng lalaki sa bagay na iyon?
"It's because it's exciting" simple niyang sagot kay Coffee.
"Oo nga pala, may sumabutahe sa sasakyan ng Daddy ni David, kaya doon siya umuwi sa Singapore kanina" pagbibigay-alam nito.
"No problem, wala naman tayong trabaho recently, kaya ayos lang"
Matapos niyang makausap si Coffee nagpaalam na rin siya dito.
=====
Tulad ng plano, sa White Castle siya uuwi kinahapunan. She is missing Khalid already.
Pumapasok na sa imahe niya ang pogi at seryoso nitong mukha. Ang mga pagkunot ng noo. *cough* hindi pala si Khalid kundi 'yung tatay ang nasa isip niya.
Kaya naman matapos niya lang magbigay ng instruction sa sekretarya niya, lumabas na siya para tumungo sa parking.
Nakita siya ni Mari na papuntang parking at sumakay ng kotse. Curious ito kung saan siya pupunta. Nagtaas ang kilay nito at mabilis na sumakay din ng kotse at sumunod sa kanya.
Napansin naman ni Yuna ang sasakyan ni Mari kaya mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi niya ipapaalam sa babae ang iterenary niya sa araw-araw. At lalong hindi nito malalaman kung saan siya tumutuloy.
Bahala itong mabaliw sa kaiisip kung saan siya nagpupunta.
Lumiko ang sasakyan niya pakanan, pakaliwa, at niligaw niya ang babae. Nang hindi niya na nasisilayan ang sasakyan nito, doon niya tinungo ang daan papuntang White Castle.
Inis na inis naman si Mari dahil hindi niya nasundan si Yuna. Tinawagan niya si Felix para magpasundo at magreklamo dito.
Hindi niya alam ang mga pasikut-sikot sa siyudad, kaya nangigigil siya lalo kay Yuna.
"Felix, niligaw ako ni Yuna… I'm just trying to know kung saan siya papunta dahil nag-aalala ako sa kanya." agad niyang reklamo sa lalaki.
"Mari, can you please stop calling me when I'm in a meeting?" iritableng sabi nito.
"... And why do you care kung saan siya nagpupunta? Napunta na rin ba ang utak mo sa ipinagbubuntis mo kaya hindi ka nakapag-isip ng maayos? Nakalimutan mo ba na buntis ka?"
"What can I do? Hindi ko alam kung nasaan ako.." naiiyak na sabi niya dito.
"Wait for me then!" iritable na sabi nito.
Lalong na-stress si Mari. Kasalanan itong lahat ni Yuna! Nagalit tuloy si Felix sa kanya!
Kailangan niya tuloy gumawa ng paraan para bawiin ang init ng ulo nito.