May isang linggo na si Yuna sa White Castle.
Kasalukuyan na inaaral ni Yuna ang financial statement ng Romantic Grand Hotel sa buwan na iyon. Halos parehas lang sa kinita nila ng nakaraang buwan.
Nakaupo siya ng komportable sa couch at tanging ipad ang hawak niya para reviewhin ang report na pinasa sa kanya.
She is expecting more profit dahil sa mga pag-ulan-ulan nitong mga nakaraang linggo. Idagdag pa ang mga conference na mga naganap sa hotel. She noticed that something is missing sa report na hawak niya kaya nagpadala siya ng email kay Mildred para sa iba pang report na kailangan.
Si Khalid naman ay nagd-drawing sa canvass maliit na mesa na nasa tapat niya. He is still doodling, mas enhanced nga lang ang skills kumpara noon.
Bumukas ang pintuan at sabay silang nag-angat ng mukha ni Khalid at nakita na papalapit sa kanila si Cally. Umupo lang ito saglit sa katabing isahan na sofa.
"Yuna, would you like to go with me to the Vienna Hotel this saturday weekend? I was invited in a business conference. It will also help you dahil marami kang makikilala na opisyal and businessman sa event na iyon. Pwede mo rin i-promote ang Romantik Grand Hotel" aya ni Cally.
Ang totoo, gusto ni Yuna. It's not because of their hotel but because of Cally.
For her, it was as if he was asking her to be his date. She can hold his arms, enjoying their wine and so much more, Tatanggihan niya ba ang lalaki sa aya nito? Of course not!
Ang hotel na sinasabi ni Cally ay nasa kalapit na city. Mga dalawang oras na byahe mula sa White Castle.
Nagpabebe muna siya saglit kahit pa nga she is looking forward na sumama sa lalaki.
"Hmmm.. hindi ba makakabastos iyon sa Vienna? I am actually a rival."
"Iwan ako?" Putol ni Khalid sa usapan ng dalawa. Halata na agad ang pag-aalala dito.
Napakamot sa pisngi si Yuna. Sa sobrang excited niya, nakalimutan niya na may Khalid pa pala siyang kailangan na intindihin. Nasanay na kasi ang bata na kasama siya sa gabi.
"How about you can go with me sa hotel. We can be together during daytime. Is that okay?"
Tahimik si Khalid at nag-iisip. Tulad ni Cally, walang makita sa emosyon nito kaya hindi niya alam kung natutuwa ba ito sa plano niya.
In Khalid's thought, as much as possible, he wanted all of her time. He wants the day time and the night time. Aside from that, his Mommy will be busy kung nasa hotel sila at hindi rin naman sila nito makakapagbonding sa maghapon.
Napangiti naman ng simple sa Cally, hindi man derektahan na pumayag si Yuna. Parang sinabi na rin na plano nito na sumama sa kanya dahil plano nito na suyuin si Khalid sa maghapon sa sabado.
"You can sneak on what I am doing in my office, isn't it great?" Dagdag ni Yuna.
"But I want to see my Daddy too" dahilan naman nito.
"Pwede kayong sumama sa akin sa opisina sa maghapon." Sabad ni Cally.
Si Yuna naman ang napa-isip, bakit ang swerte niya sa araw na iyon? Makakaboso siya sa lalaki hindi lang sa gabi kundi pati sa maghapon.
=====
Dumating ang sabado.
Nakapaghanda siya ng chiffon gown na susuotin ng mga nakaraang araw. Ayaw naman niyang ipahiya ang lalaki sa mga kakilala nito kung isang simpleng gown lang ang suot niya.
Ayos pa ang pakiramdam ni Yuna na pumasok sa MGM building hanggang sa makapasok siya sa mismong opisina ni Cally. Maliwanag ang kabuuan ng buong kwarto dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa labas ng clear na salamin na halos pader na ng opisina ni Cally.
May coffee-colored couch na malapad at pang isahan na nasa tapat ng isang maliit na mesa. May piano sa tabi ng indoor plants na nasa isang gilid.
Sumalampak agad si Khalid sa carpet na pula at nilabas nito ang gamit mula sa bag para ipagpatuloy ang pag-drawing nito.
"Here is my office. You can sit there" turo ni Cally sa couch saka ito tumungo sa personal space nito.
Naka elevated ang malapad na mesa nito na nasa dulong bahagi ng kwarto. His office is simple.
Nanuyo ang lalamunan ni Yuna habang pinagmamasdan ang buong kwarto ng opisina ni Cally, nagkaroon ng pamilyar na pakiramdam si Yuna simula nang pumasok siya doon. Looking at the small table kung saan nagd-drawing si Khalid, isang larawan ang pumasok sa isip niya while looking at him. It was a different table before.
She saw the image of Prin Matsui studying on the table.
Even the couch was black and not a coffee color. Nilingon niya ang isang pader and believes that there was a painting hanging in there. Not a wall clock.
Pinagpawisan ng malamig si Yuna. Hanggang sa nagkahalo-halo na ang mga imahe sa paningin niya kasabay ng isang matinis na ingay ang naririnig niya.
Nagulat na lang si Cally nang bumagsak si Yuna at nawalan ng malay.