Chapter 312 - Survival

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Looking at Cally, parang mas masakit pa na makita ang mga pagtulo ng luha nito. 

Ang malalaking apoy ay pumapagitna sa kanilang dalawa ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang tahimik na pagluha ni Cally na mas tumatarak sa dibdib niya.

She cried having the thought na hanggang doon na lang siya. 

They only have two minutes. Tears flowing down on her cheeks. 

She is just looking at him dahil naubos na ang lahat ng lakas na mayroon siya. Ang kaya niya lang sa mga oras na iyon ay ang pagmasdan ang mukha ni Cally. 

She is starting na bawiin ang lakas. Kaunti na lang kasi ang natitira sa lakas niya. At walang panghihinayang sa dibdib niya kahit ubusin niya ang lahat ng iyon sa pagtitig kay Cally sa pagitan ng maiinit na apoy. 

Umingit ang barko simbolo na nasira na ang iba't ibang parte nito dahil sa sunog at sa bomba. 

Gumewang ang barko ng Maria Celeste 1 dahil sa mga bomba na pinasabog ng Princess Ghost ship. At nahati iyon sa dalawa. 

Dahilan para dumusdos si Prin sa pader na gawa sa kahoy na may malalaking sunog. 

"ahhhh…" halos hindi na niya maisigaw dahil wala na siyang natitirang lakas. Pero pinilit niyang paganahin ang utak niya. At nagbibilang ng minuto. 

Literal na pakiramdam niya ay kinakain siya ng apoy. 

She saw Yuna sa sahig sa di-kalayuan na dumausdos din ang katawan. Ilang minuto na itong hindi kumikilos kaya alam niya na wala na itong buhay. 

Mabilis na humapdi ang buong mukha ni Prin. Pinilit niyang gumapang papalabas ng pader na iyon na nasusunog. 

Ang sumunod na naramdaman ni Prin ay ang lamig ng tubig dagat. 

'Prin, you can do it!' sabi niya sa sarili. 

Pinilit niyang indahin ang hapdi ng pisngi at sakit ng ulo. May naririnig pa siyang matinis na ingay. 

'You are a Dark Guard! Do it for your baby! Do it for Khalid' sabi niya sa sarili. 

Binigay niya ang lahat ng natitira pang lakas para makalayo. Lumangoy siya papalayo sa Maria Celeste 1 dahil alam niya na anumang oras ay sasabog na iyon. 

She can't see the Princess Ghost ship. She knew na nagtatago sa dilim ang malaking barko ni Cally na halos camouflage na iyon. At wala rin ang barko sa direksyon niya. 

May fifty meters pa lang yata na nakakalayo si Prin nang tuluyan na sumabog ang Maria Celeste 1. At nagsimula iyon sa ilalim ng tubig. Pero hindi katulad ng inaasahan na sobrang lakas. 

Mukhang nakagawa ng paraan ang mga kasama niya. 

Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pressure ang pagsabog sa ilalim ng tubig. 

Naramdaman na lang niya na hinampas siya nito papalayo hanggang sa hindi na niya maramdaman ang lahat ng parte ng katawan niya. Tuluyan ng naubos ang isip at lakas niya but she could feel the cold water na halos magpayelo sa mga laman niya. 

Siguro ganito ang pakiramdam ng namatay.

Black out lahat. 

Nagpatianood na lang siya sa dagat at kung saan siya gustong dalhin ng panginoon. 

"Mommy…" 

"Mommy…" 

Mga pag-iyak ni Khalid ang nagpabalikwas ng bangon kay Yuna. 

Napaupo siya bigla at inaral ang lugar kung saan siya nandoon. She was in a white hospital bed. Puting-puti ang pintura at tanging paintings lang ang nagpapakulay sa kwarto. 

She knew this room. Ito ang parehas na kwarto kung saan dinala si Khalid ng nakaraang linggo. 

Saka niya ito nilingon at nakita na sumasampa sa kama. 

"Mommy…" nagputoy ito sa pag-iyak. 

"Khalid!" agad niya itong niyakap. She cried hard habang yakap ito ng mahigpit. 

Kapwa sila umiiyak. Kapwa takot ang dahilan sa magkaiba nga lang na paraan. 

"Mommy, are you okay now? Do you feel anything bad? Khalid was sorry, I wasn't able to carry you here in the hospital."

It's because he is small, hindi niya kayang buhatin ang Mommy niya. 

Pinaiwan pa ni Cally si Khalid sa opisina at pinahatid kay Xander na iuwi ng White Castle para dalhin ang katawan ni Yuna na nawalan ng malay sa ospital.

Kinulit lang nito si Xia para dalhin ito doon sa ospital habang wala ang Daddy nito. 

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Yuna kasabay ng pagtawa. Hindi niya alam kung natatawa siya o naiiyak dahil sa sinabi nito. Para siyang nababaliw. 

"Daddy is bad! He never allows me to be here" reklamo nito sa pagitan ng pagluha. 

Pinupog niya ito ng halik sa buong mukha. 

"Don't worry, we will teach him a lesson." hindi na naman niya napigilan na umiyak habang nakatitig sa mata nito. 

Bumukas ang pintuan at nakita niya si Xia saka si Xander na pumasok. 

"Where is your Master?" tanong niya dito. 

Nakakunot naman ang noo ni Xander. 

"Miss Yuna nagpunta na po sa conference, may isang oras na po siyang nakaalis. Nang masiguro ng doktor na ayos ang lagay niyo, doon lang siya napanatag saka umalis papuntang Vienna Hotel." 

Tingnan mo ang lalaking iyon, iniwan na lang siya basta dito. Hindi ba nito alam na masama mag-iwan ng ka-date?!

Napansin niya ang invitation sa medicine cabinet na mukhang naiwan nito. 

His face is an invitation already kaya hindi nito kailangan ang bagay na iyon. Tsk! 

Hinarap niya si Khalid at pinunasan ang basang pisngi nito. 

"Baby, stay with Xia in White Castle, okay? susunduin ni Mommy si Daddy para paluin sa puwet."