Chapter 313 - Filled with fireworks

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
She handed her black invitation card sa lalaking naka-suit ng itim at nag-aabang sa main entrance ng event hall. Saka niya sinimulang hanapin si Cally.

Nagkaroon pa sila ng mahabang seremonyas ni Khalid para lang sumama ito kay Xia. Mahabang biyahe ang papunta doon mula sa White castle at hindi niya gugustuhin na mapagod ang anak niya.

Nakapukaw si Prin ng ibang bisita. She looked dreamy in her midnight blue silk chiffon evening gown na tinernuhan niya ng diamond necklace. Over these three days ay pinaghandaan niya ang damit na iyon bilang si Yuna para hindi mapahiya si Cally sa pagdala sa kanya sa event na iyon.

Halos puro tungkol sa business ang naririnig niyang usapan sa paligid.

Inabutan siya ng wine ng napadaan na waiter. Kinuha ni Prin ang bagay na iyon para magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin si Cally.

Madaming tao sa lugar at nahirapan siyang hanapin ang asawa niya.

Hinarap niya ang isang waiter. Pasimpleng inabutan niya ito ng pera.

"Sir, have you seen Master Cally? He is the president of MGM. I will be glad na dagdagan pa iyan kung sakaling ipapaalam mo sa akin kung nasaan siya."

Simple rin naman na tinanggap nito iyon. "Marami po kasi ang nangungulit kay Master na mga business partners para ireto ang mga anak nilang babae. Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon pero magtatanong-tanong po ako." Bulong nito.

"Salamat" sa sobrang tense ni Prin, naubos tuloy niya ang lahat ng wine na laman ng kopita saka niya ibinalik dito. Mabuti at maganda ang ibinalita nito sa kanya kundi ay makakatikim ng suntok sa kanya ang asawa niya.

"Where do Cally go kapag ganitong nab-bwisit siya?" Bulong ni Prin.

"Yuna?" May kumalabit sa kanya. Bigla ang paglingon niya sa nagsalita at nakita niya si David.

"David?" Nasorpresa siya na makikita ang lalaki sa event na iyon.

Iba ang ayos nito. He is wearing a gray business suit na hindi normal sa suot nito tuwing kasama niya.

"What are you doing here?" Sabay nilang tanong sa isa't-isa. Hinayaan niya naman na ito ang maunang sumagot.

"Naaksidente ang Daddy ko last week kaya heto, I have no choice kundi ang magpunta dito sa event. May hinahanap ka?"

Napansin na kasi siya nito pagpasok pa lang niya sa main entrance.

"Ah yeah." Bigla niyang naalala si Cally.

"Ah Yes, catch you later. May kailangan akong puntahan." Mabilis na siyang umiwas dito at nag-excuse sa makapal na grupo ng tao. Tinawag pa siya nito pero hindi na niya pinansin dahil alam na niya kung saan posibleng nagpunta si Cally.

Mabibilis ang mga hakbang at nagtanong-tanong siya sa mga waiter kung saan makikita ang garden ng hotel.

Tinuro naman sa kanya kung saan.

"May fireworks kayo?" Tanong niya sa isang hotel staff. She wants to celebrate that day with fireworks.

"Meron po Mam"

"Okay! Sabi ng organizer, in 10 minutes paputukin niyo daw lahat" saka niya ito inabutan ng pera at nagmadaling tumungo sa garden.

Huminga siya ng malalim at nakaramdam ng tense. Humigpit ang hawak niya sa silver pouch na tanging bitbit.

Wala siyang nakitang tao sa garden sa unang tingin. Humakbang pa siya para iikot ang paningin sa kabuuan nito.

Napayuko siya at nag-isip muli kung saan pa maaring magpunta si Cally.

"What are you thinking?" Nabigla siya nang magsalita ito at lumabas sa malalaking halaman. Nasapo niya ang dibdib dahil sa gulat.

"You are so bad! Para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat sa iyo"

Nakatingin lang ito sa kanya. Mukhang nagtago pa yata ito ng makarinig ng kaluskos.

Nilapitan niya ito saka sinuntok ng mahina sa dibdib. "That is for Khalid! Bakit hinahayaan mong maging pasaway ang anak natin?" Simula ng reklamo niya dito.

Sinuntok niya muli ito ng isa pa "And that is for me! Alam mo bang masama ang nang-iiwan ng kadate?" Sabi niya dito.

Sinuntok niya ito ng isa pa "And that is for me again!"

"And this and this!" Hinayaan lang siya nito na suntuk-suntukin niya ito sa dibdib.

Hinuli nito ang kamay niya. Then, he locked her in his embrace na halos wala ng space na pumapagitan sa kanilang dalawa.

"I miss you so much" bulong nito.

Napaiyak si Prin. "Kailan mo pa alam?"

"Airplane"

Inisip niya kung saan ang airplane na sinasabi nito. At pumasok sa isip niya ang byahe nila mula sa Phuket hanggang Maynila.

Kaya ba nito pinahiram sa kanya ang Master's bedroom sa kanya? Kaya ba every night ay nabibigla na lang siya tuwing dadampian nito ng halik ang pisngi niya para sa goodnight kiss? Kaya ba he let his down guard whenever she is around.

It's been hard for Cally na hindi siya kulitin at sinarili nitong mag-isa ang sitwasyon sa loob ng ilang araw.

"Do you like the new me?"

Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mata nito, para siyang pusa na naghihintay ng sagot mula sa Master nito.

Hindi na ito sumagot sa halip ay sinakop nito ang labi niya. Isang pulang fireworks ang pumutok sa langit na sinundan ng marami pa na para bang nakikiisa sa damdamin nila.

*****

Hotel staff sa kasama nito "gago ka boy! Hindi kasal ang event ngayon lagot ka kay boss!"