Chapter 316 - Panda Cake

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Husbie, What are your activities today?" It was sunday morning and she is expecting that he will be staying with her at White Castle.

"What are your plans?" sa halip ay balik-tanong nito.

"I am thinking of cooking something for my baby panda. What about a cake?" nilingon niya ito na nagmamaneho.

"...I missed two of his birthdays" malungkot na sabi niya.

"You know how to bake?" He asked, sounded surprised. Inirapan niya lang ito.

"Of course I know! My skills have improved a lot okay, a lot!" binigyang diin niya pa na marami na siyang alam ngayon. Hindi na siya ang dating Prin Matsui.

Halatang duda si Cally, sampung taon mahigit man ang lumipas pero naaalala niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon na muntik nang sunugin ni Prin ang kusina ng bahay nila dati.

"... Cassandra taught me how to cook and I was Maria Celeste's cook for seven years… I've been a hotel manager for two years and of course knew how to manage our kitchen"

Tila may tumarak na patalim sa dibdib ni Cally nang marinig ang sinabi niya. He stopped the car and pulled her to give her a passionate kiss.

Looking in her eyes, he wanted to say he is sorry.

Sa loob ng labing isang taon, mas matagal pa silang nagkalayo kaysa magkasama. Kaya naman nangangako siya na gagawin niya ang lahat para bawiin ang lahat ng iyon.

He promised that he will be with her everyday.

"May I ask your forgiveness? I promise you that there is no third time." sabi ni Cally.

"Bakit ka naman manghihingi ng patawad? hindi mo naman kasalanan." part of it was her fault. Ano ang magagawa niya? she has been raised as a warrior princess, a Dark Guard.

"But it's my duty as your man."

Nagagalak ang dibdib niya na marinig mula dito ang mga bagay na sinabi nito. Siya na ang kusang yumakap sa asawa niya saka ito hinalikan.

Her heart was filled with sweetness. Gusto niyang bumawi at patunayan pa sa lahat na karapat-dapat siya kay Cally.

Isang katok mula sa bintana ng sasakyan ang gumambala sa kanila kaya naputol ang halikan na hindi nila alam kung gaano katagal.

Binuksan ni Cally ang bintana at sinalubong ang mata ng traffic enforcer.

"Sir, illegal parking kayo dito. You are causing traffic kulang na lang ay may gawin na kayo dito sa kotse"

"Sorry officer, it's because my wife says she's pregnant. I got excited" pagpapaumanhin ni Cally.

"Who- who is pregnant?" alma niya agad.

"Honey, nakalimutan mo na ba na buntis ka? Uuna na po kami..." pinisil nito ng sobra ang pisngi niya nang paandarin nito ang sasakyan.

"No no... not my face!" reklamo niya.

Saka sumilip agad sa salamin, baka kung ano ang nangyari sa mukha niya at matakot ang anak niya na magmukha siyang kuko.

=====

Sa umaga, matapos nilang umalis ni Cally ng hotel, namili sila ng mga gagamitin sa baking. Gusto niyang bigyan ng cake si Khalid sa dalawang birthday nito na hindi siya nakasama. She was lucky enough na sakto ang araw na nagkita sila nito sa araw ng kaarawan nito ngayong taon.

Pinag-aaralan naman siya ng lihim ni Cally habang kumukuha ng mga kakailanganin sa supermarket.

Her skills have improved a lot simula ng 19 years old siya but her actions and gestures are still the same. She can now manage a hotel and investigate things with her own skills.

Maybe her visual is different now but she was still the same Prin Matsui, his greatest love.

Nang sumapit ang hapon, nagbonding sila ni Khalid sa baking habang nanatili naman si Cally sa opisina nito para magtrabaho. Ang anak niya ang nagsukat ng harina, nagbati ng itlog at kung ano pa na madadaling gawin.

She wanted to spend more of her time with her family. Marami-rami siyang babawiin sa pamilya sa ilang taon na nawalay siya sa mga ito.

Dalawang chiffon cake ang nilabas nila mula sa oven. Pinalamig lang nila iyon saglit habang gumawa ng icing.

"Now baby, we will put icing. Let's make a Panda cake okay. A mommy panda and a baby panda" mungkahi niya dito. Isang itim at puti na kulay ng icing ang nasa harapan nila.

"Wow! That's cool!"

Halos matatapos na sila sa pagbuo ng cake nang bumaba si Cally. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cake nila.

"Uhm… What are you trying to do?" alam ni Prin na para sa kanya ang tanong nit.

"Daddy, we are making a panda cake" masayang sagot ni Khalid.

Nakahawak si Cally sa baba at pinagmamasdan ang mga cake na gawa nila. "Mukhang Panda yung cakeni Khalid. However.."

Nagbabanta ang mata ni Prin sa susunod na sasabihin ng asawa niya.

"Mukhang aswang 'yung cake ng mommy mo" diretsahan na sabi nito na hindi man lang siya binigyan ng kahihiyan.

Prin "..."

"Honey, I thought your skills have improved a lot. Don't tell me aswang ang kumuha sa iyo kaya ka inspired"

"Shut up"