Chapter 317 - Secret fans

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
It was Monday morning.

Napagdesisyunan nila na isasama niya si Khalid sa hotel. Of course, her kid is extremely happy about the thought.

She can spend more time with her baby. Sinama niya ito sa opisina niya at pinaupo sa couch na para sa mga personal niyang bisita. Nilabas muli nito ang drawing book saka nagsimulang magdrawing.

Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito na nagkukulay. Three years ago, it was his favorite thing to do. Hanggang ngayon ay paborito pa rin nito ang colored pens.

Nang pumasok si Mildred, nabigla ito na makakita ng bata sa loob ng opisina ni Prin. Sa isip nito, nang nakaraang linggo nautusan ito na magdala ng damit sa suite ni Miss Yuna na sa tingin nito ay para sa batang tahimik na naglalaro sa couch.

"Who is this kid?" interesadong tanong ni Mildred bago pinatong ang ilang folder ng hotel records sa table ni Prin.

"I'm his son" si Khalid ang sumagot na bahagyang nag-angat ng ulo.

Nanlaki ang mata nito. "M-may anak na po kayo, Miss Yuna?"

"Anak siya ni Master Cally" simpleng sagot niya na nagtitimpla ng kape. Hindi niya ito sinagot ng direktahan dahil may usapan sila ni Cally na ililihim na muna niya ang tungkol sa totoo niyang pagkatao.

"Master Cally? As in MGM?!" Gulat na gulat ito. Inisip naman nito na normal na magkaibigan sila ni Cally dahil magkalapit ang mga pamilya nila.

Tumango siya.

"Wow! Miss Yuna, his son is actually here. Wala siyang picture sa high society dahil pinagbabawal ng MGM. ehhh!!! his son is actually here" paulit-ulit na bulong nito pero kinikilig at gustong sumigaw.

"You like him?" curious siya sa inaakto ng sekretarya niya. Humigop siya ng kape.

Lalo naman itong naging excited sa tanong niya. "Oh!!! Miss Yuna, I like him so much! Do you know Miss Yuna that I even joined a secret group na mga nagmamahal kay Master Cally?"

*cough cough cough* inubo siya at bahagyang napaso sa kape na tinimpla.

"But unfortunately, he will not love you or your group." narinig nilang sabad ni Khalid.

Agad na napangiwi si Mildred

'what a savage little guy' sa isip naman ni Prin.

"Of course we are not. We are just fans of your Daddy... And we understand that he belongs to someone else." bigla naman itong nalungkot.

Napangiti si Prin. She knew Cally very well kahit na ilang taon pa siya na mawala, hindi siya nito malilimutan.

'Of course, because he belonged to me.' mayabang na naiisip niya. Nagpatuloy naman si Mildred.

"He is dating MGM's best celebrity, Millie Brown." bulong pa nito sa kanya na akala mo ay nakikitsismis.

Si Prin naman ay nabuga ang iniinom niyang kape. Mabuti na lang at naroon siya sa gilid kung saan naroon ang kape at wala siya sa mesa niya kung saan naman naroon ang mga dokumento na kailangan.

"Okay lang kayo Miss Yuna?"

"Who- who is Millie Brown?" usisa niya habang pinupunasan niya ang sarili ng kape.

"His rumoured girlfriend" si Khalid muli ang sumagot na para bang balewala lang dito ang tsismis.

'He has a rumoured girlfriend? Why didn't I know about this?!' at alam ito ng anak nila. Sumimangot siya sa nalaman. Well hindi naman niya masisisi ang sarili, dahil wala naman siyang pakialam kay Cally noon.

"Can I have a photo with you?" tanong ni Mildred kay Khalid.

"Uhmmm" nag-isip muna ito. Nakangiti naman si Mildred at nag-eexpect ng magandang sagot mula kay Khalid.

"No! It's because you hurt my Mommy's feelings. Bye!"

Mildred "..."

Nagbalik muli ito sa pag-drawing at parang lamok na lang si Mildred na nasa paligid nito. Sumimangot si Mildred. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at itinapat iyon sa lugar ni Khalid.

"Don't try to capture even a single strand of my hair." narinig nilang banta ng bata kahit seryoso na namimili ng kulay sa mga colored pens na nasa ibabaw ng table.

He is just a kid pero alam nito ang mga nagaganap sa paligid. He knew how to protect himself from strangers.

Nanlaki ang mata ni Mildred dahil nakaramdam siya ng kilabot sa pananalita ng bata kahit apat na taong gulang pa lang. Syempre hindi siya magtatangka na sundin ang nais niya na makakuha ng larawan.

Sigurado na hindi siya makakalabas ng buhay sa hotel na iyon kapag pinilit niya ang gusto.

Hindi napigilan ni Prin na matawa. Sa iilang araw na nakasama niya ang anak, masasabi niya talaga na nagmana ito kay Cloud Han, idagdag pa ang ugali ng Daddy niya na si Rob Matsui at ang pinaka-savage sa lahat, ang asawa niya.

Bigla tuloy niyang na-miss ang Daddy niya at ang Mommy niya.

Walang nagawa si Mildred kung hindi ang magpaalam na nakangiwi. "Sige na Miss Yuna ako na muna ang mag-i-inspect sa labas."

"Don't tell anyone that I am here, okay?" huling banta ng anak niya dito.