Iniimbestigahan ni Prin ang lahat ng dokumento na binigay sa kanya ni Mildred.
Hiningi niya ang system records at nagbabalanse naman sa kung ano ang nasa final statement.
Iyon nga lang, hindi palagay ang loob niya dahil hindi siya naniniwala na hanggang doon lang iyon. She is living in the hotel for the last two months at hindi nagsisinungaling ang mga mata niya, she is expecting more sales.
Records are easy to tampered by someone, at ito ang pinanghahawakan ni Prin.
Maybe this person she is an idiot or walang alam kaya nagawa nito na subukan siya dahil bago lang siya doon.
Kinuha niya ang desk calendar at nagbasa ng news online. Pinagbasehan niya rin ang mga petsa kung kailan sa pagkakatanda niya ay marami silang guest sa hotel.
Tulad na lang ng kaarawan ni Khalid. Puno ang lahat ng kwarto sa araw na iyon dahil sa assembly na ginanap sa hotel nila. Idagdag pa na nag-ulan kaya puno pati na ang restaurants.
Pero base sa records, normal lang ang sales nila tulad ng mga nakaraang buwan.
Pwede naman siyang mag-imbestiga ng mas malalim, iyon nga lang kakailanganin niya mismo ang mga resibo para mag-audit at masyadong mauubos ang oras niya doon.
She wants an answer as soon as possible.
Eksakto naman na nakatanggap siya ng tawag kay Coffee para ibalita lang nito sa kanya na ayos na ang issue niya sa Paris Branch.
Nagpapasalamat naman siya dito dahil hindi naman niya ito sinuswelduhan at tanging pagkakaibigan lang ang bayad nila sa isa't isa.
"Coffee Dear, can I ask you a favor?" tanong niya dito sa kabilang linya.
"Sure! what is it?" mabilis na sagot nito.
"Looks like there is something wrong with my Accounting Branch Manager. She gave me a report which I do not believe. My expected sales are not like this and even the expenses have been doubled." paliwanag niya.
"Hmmm.. Maybe you gave a discount in accomodation Apps?" nagbigay ito ng isang rason ng mga posibleng dahilan kung bakit mababa ang sales nila.
"Still, I need answers. What I need to know is kung may nadagdag ba sa bank account niya or something" ito lang naman ang posibleng dahilan.
"Okay, Got it! Catch you later!" nagpaalam na ito sa kanya at alam niyang anumang oras ay tatawagan muli siya nito.
Ayaw niyang mapraning at lalong ayaw niya na ituro sa kanya ang isyu pag dating sa huli.
Maganda na ang handa at nakakasiguro siya na malaki ang tulong na mabibigay nito sa kanya. Saka niya kakausapin ang Accounting Manager kung sakaling may makita itong kahina hinala.
Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan. "Tuloy"
Bumakas iyon at bumungad si David. Inaasahan niya na nakauwi na ito sa Singapore kaya nagulat siya saglit.
"Oh, Hi David!"
Pumasok ito sa loob para harapin siya. "Aayain sana kitang kumain ng meryenda" sabi nito.
Ngunit bago pa siya maka-oo o hindi, inangat ni Khalid ang ulo at diretsahang sinagot ang paanyaya ng lalaki.
"She's not available. Thanks!" saka binalik ang atensyon sa ginagawa.
Prin "..."
Kumunot ang noo ni David at sinisino si Khalid. Nakilala din naman nito agad si Khalid na ito ang batang tumawag sa kanya ng Mommy nang araw ng birthday ng anak niya.
"Oh! Sorry, may bisita ka pala"
"I'm not just a visitor, I'm her son." sabi habang patuloy sa pag-guhit na para bang ayaw na nitong tapunan ng tingin si David kahit isang sulyap.
David "..."
Napakamot sa ulo si David.
Sinabihan siya ni Coffee na maglakas ng loob at huwag to-torpe-torpe kaya sinisimulan niya na ang kausapin si Yuna ng mas mahaba, hindi katulad noon na simple lang sila nito mag-usap.
Nagkataon naman na kinailangan niyang magpunta sa Maynila para um-attend ng Business assembly.
"Okay, some other time then." sabi ni David.
"Oh, by the way, we have this secret camera right? Can you install two cameras here in my office?" tanong niya.
"Sure. Let's schedule it tomorrow. " nakangiting sabi nito. Matapos iyon, may kinuha itong kahon sa bulsa at inabot sa kanya.
Kumunot ang noo ni Prin saka iyon kinuha at binuksan. Isang sapphire-white gold bracelet . Binalik niya ang paningin kay David.
"David, this is too much. I won't accept this."
He felt bad in a second dahil pakiramdam nito ay nabasted agad, pero nakabawi rin naman agad matapos maisip na ganon talaga siya. "Don't think too much, it's a gift from the three of us para sa tulong mo sa 'min sa loob ng isang taon."
"B-but… I can't accept gifts"
Ngumiti naman ito. "Kung nahihiya ka talaga, maybe palitan mo na lang ng iba sa susunod." sabi nito.
"I…" hindi niya tuloy alam ang sasabihin. It's a nice sapphire bracelet. Mga asul na maliliit na bato na nakadisenyo sa white gold bracelet.
Nagpaalam ito agad para hindi na niya maibalik pa ang bracelet dito.
Ang mas nakakatawa, titig na titig ang anak niya sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Napalunok siya habang sinalubong ang mata nito.
"A-are you Daddy's spy?"
"Yes" tapat na sagot ng anak niya.
Prin "..."
Ngayon ay alam niya na kung bakit kusang-loob na pinasama ni Cally sa kanya si Khalid.
"But don't worry, I love Mommy more. Your secret is safe with me"
Prin "..."