Chapter 319 - What rights do you have?

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Baby, is there any food you'd like to eat?" tanong niya kay Khalid habang naglalakad sa hallway ng hotel.

Matapos umalis ni David, naisip niya na kailangan na rin nilang umuwi ni Khalid para hindi sila gabihin.

"Anything you cook, Mommy" sabi nito.

Naisip niya na mabuti pa ang anak niya at na-aapreciate ang mga gawa niya, hindi tulad ng Daddy nito na tahasang laitin ang gawa niya pero naubos naman nito mag-isa ang Aswang cake niya nang nagdaang araw.

Nakasalubong nila si Mildred sa hallway.

Nakangiti ito ng pilit habang iniiwasan na tumingin kay Khalid. Nakatikim kasi ito ng bagsik mula sa batang Han at iniiwasan na nitong makatikim muli ng kahit na anong banta sa bata.

He looked adorable and cute, pero alam niya sa sarili na hindi isang simpleng bata si Khalid base na lang sa pananalita nito. He is smart.

"Uuna na kami. Tawagan mo ako kung sakaling may problema." paalam ni Prin sa babae.

"Ingat po, Miss Yuna."

"Thank you. Baby, please give untie Mildred a goodbye kiss" utos niya sa anak para makabawi man lang sa ginawa ng anak niya dito.

Saka ayaw niya na magkaroon si Mildred ng impresyon na hindi natuturuan ng magandang asal ang anak niya.

Nagliwanag ang mata ni Mildred. Kapag nalaman ng mga kagrupo niya na nahalikan siya sa pisngi ng anak ni Master Cally, siguradong maraming maiingit sa kanya.

Walang expression si Khalid pero sumunod ito sa kanya. Hangga't maaari ayaw nito na humahalik sa kung kanino lang, lalo na sa hindi kilala.

He thought after that 'I need to brush my teeth ten times tonight'

"Miss Yuna, gusto mo bang sumali sa group namin? It was actually fun saka malapit lang dito. Ang leader namin ay may-ari ng ice cream house na puntahan ng mga fan girls. Pero nakapokus kami kay Master Cally bilang siya ang humuhulma sa lahat ng artist na pangarap ng iba. Kaya naman marami kaming fans niya..." kinikilig na sabi nito.

"...Huwag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kung sakali na ayaw mo. Pwede kong sabihin na dinala lang kita doon para kumain ng ice cream"

Nag-isip naman si Prin. Ang totoo, nacurious din siya kung ano ang mayroon sa grupo nito na fans ng asawa niya. Isa pa, posible na may masagap siyang tsismis doon kung ano ang mga ginawa ni Cally sa loob ng tatlong taon.

"Sure. Let's go tomorrow."

=====

Sunod na nakasalubong nila si Mari sa hallway. Sa totoo lang, hangga't maaari, ayaw niyang nakikita ang pagmumukha nito at gusto na niyang pabalikin ang babae sa kung saan ito galing.

Hindi niya alam kung bakit pakalat-kalat ito doon.

Iyon nga lang, wala rin naman siyang karapatan na sitahin ito lalo na at hindi naman siya tunay na anak ni Apolo. Sa kanilang dalawa, ito ang nagmamay-ari sa hotel na iyon at siya ay tanging manager lang doon.

Humalukipkip ito saka siya tinanong. "Where are you staying?"

Bigla niyang naalala na sinundan siya nito ng nakaraang linggo.

"It's none of your business" simpleng sagot niya habang hawak ng kanang kamay si Khalid at hawak ang bag niya sa kabila. Nagpatuloy sila sa lakad.

Tinapunan lang ng tingin ni Khalid si Mari and he could feel that his Mommy doesn't like this girl. Makulit naman na sumunod ang babae sa kanila.

"Sa weekend ang uwi ni Dad, nakapag-usap na sila ng magulang ni Felix about the wedding. Please be sure na makakapunta ka sa kasal namin ni Felix" sabi nito, saka nito napansin si Khalid.

"Are you someone's mistress now?" tanong nito sa kanya.

Hindi niya ito pinansin dahil ayaw niyang magkaroon siya ng pangit na impresyon sa anak kapag nakipagtalo siya dito.

Umismid naman si Mari. "Yuna, I underestimated you. Akala ko noon ay mahinhin ka at hindi makabasag ng pinggan. Who would have thought that you could bring someone else's child here? Nagmukha ka tuloy losyang"

Huminto si Khalid sa paglakad saka hinarap ang babae. "My Dad is not just somebody"

Kumunot ang noo ni Mari. Nagtaas ito ng kilay habang patuloy na nakahalukipkip ang magkabilang braso. "If he isn't just somebody. Who is he?"

She is expecting na makakuha ng sagot dahil apat na taon lang ang bata. Pero nabigla siya sa sinabi nito.

"What rights do you have? You can't even compare to my Mommy's secretary because you are brainless." matalim na sabi.

Nanlaki ang mata ni Mari.

"Your nose is too pointy that someone may think you are idolizing Pinocchio..."

"Your body shape was like a jigsaw puzzle piece, your right boob is bigger than the other that someone may think you are feeding 11 babies. Even that girl..." tinuro nito ang naglilinis ng bintana. "Is prettier than you"

"Pfff--" pinipigilan niya ang matawa dahil sa sinabi ng anak niya.

Nanlaki ang mata ni Mari. Halos mamula ang mukha dahil sa pagkakapahiya at galit lalo na at nasa hallway sila kung saan maraming dumadaan na guest.

Ang iba nga na nakarinig ay hindi na napigilan ang pagtawa.

Isang batang lalaki ang nagpahiya sa kanya at hindi niya matanggap 'yon. Nagpapadyak si Mari sa galit.

Inakay na ni Prin ang anak niya palabas.

"Baby, next time don't talk to that girl. Okay?" saka siya bumunghalit ng tawa. "Oh my god.. I can't..." pinunasan niya na ang mga namuong luha sa sobrang pagtawa.

Nasabihan lang siya ng losyang ni Mari pero andami nitong nakuhang panlalait mula sa anak niya.