Chapter 320 - Can't keep secrets

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang makauwi ang mag-ina, napansin ni Prin na nakasimangot pa rin ang anak niya na sa palagay niya ay si Mari ang dahilan. 

She understand na hindi nito gusto ang nangyari kanina na nilait-lait siya ng babae. She finds him cute and adorable habang magkasalubong ang mga kilay nito. 

"Baby, huwag mo ng isipin ang panget na babaeng iyon." saka siya tumawa. "Kids should be happy. I will cook something delicious. Don't be angry anymore" 

"I don't like brainless people…" reklamo nito

Lalong humagalpak ng tawa si Prin. 

"Oh my gosh!" coming from a four year old kid na sabihan na bobo si Mari ay hindi niya mapigilan na matawa. 

Nakabawi rin naman ito habang naghahanda sila ng dinner. Pinigil siya ni Xia na magluto sa kusina pero nagpumilit siya. 

"Don't worry, hindi ko susunugin ang bahay ni Master Cally" natatawa na sabi niya dito. 

Ang tanging nagawa nito ay makiramdam na lang. Hindi alam ng mga ito na siya si Prin Matsui kaya naman naiintindihan niya ang concern ng mga kasama sa bahay. 

Ang tanging alam ng mga ito ay malambot sa kanya ang magtatay. 

Kahit pa alam din ng mga ito na magkasama sila ni Cally sa Master's bedroom. No one dared to ask about their relationship. 

Dumating si Cally eksaktong tapos na siya magluto. "What are you doing?" 

"Cooking menudo, chicken fillet, saka chop suey."

Sinuri nito ang mga pagkain. 

"See? See I told you, I can cook now" 

"Yep, I can agree that we will be having a nice dinner. Kaya lang…" 

Nagbabanta muli ang mata ni Prin. 

"Akala ko sinigang na kulay pula ang menudo mo." 

Inamba niya dito ang sandok na hawak. 

"I hate you! Go upstairs and change your clothes!" kasalukuyan pa kasi na naka formal suit ang asawa niya. 

Sumunod naman ito sa kanya, pero ilang saglit lang bumalik ito at may hawak na nakapanlaki sa mga mata niya. 

"What is this?" hawak nito ang blue sapphire white gold na binigay ni David. 

Hindi niya akalain na nasa bag niya iyon. 

Ang pagkakaalam niya ay iniwan niya iyon sa mesa. Pero posible na napagkamalan niyang lagyanan ng ballpen ang box ng bracelet kaya na-ishoot niya rin sa bag habang kausap si Cally para ipaalam dito na pauwi na sila ng anak nito. 

Napalunok si Prin. 

Napatanong siya sa sarili. Bakit pakiramdam niya ay nahuli siya ng asawa na nangangaliwa, samantalang wala naman siyang ginawa. 

"I-it's a bracelet."

"Yes, I can see that this is a bracelet. But why are you having an expensive bracelet with a note 'You are the most beautiful girl I have ever met'?" 

Kumunot ang noo ni Prin at lumapit sa asawa niya para silipin ang hawak ang bracelet. Hindi niya iyon napansin na may nakaukit doon nang iabot iyon sa kanya ni David. 

"Daddy, I protected Mommy from bad guys. no one dared to ask her out!" paghuhugas-kamay ng anak niya. 

"So, who is the person who gave this?" tanong nito sa anak. 

"uhmm…" tumingin ito kay Prin saka sa Daddy nito na nagbabanta. "A girl" 

"*cough* cough" siguro guilty siya kaya parang sumakit ang lalamunan niya lalo at nagsinungaling ang anak niya para sa kanya. 

"Yeah right?! I believe you." kumbaga sa bulkan ay umuusok na ang ulo nito. hinarap nito si Prin. 

"You even know how to teach our kid to lie. " 

"Of-of course not! I don't care about the bracelet, alright! I am planning na isauli rin iyan bukas, nabitbit ko lang." katwiran naman niya. 

"So, who is the guy who gave you a special edition, 3 million worth bracelet?" binigyang diin pa nito na tatlong milyon ang bagay na iyon. 

Nanlaki ang mata niya. "Ganun iyan kamahal?" 

"please talk human language" 

"Hindi ba iyon human language?" 

Halatang umiinit na ang ulo nito. "Fine! don't say his name as if I don't have ways" 

Yumuko siya "David" 

Halatang hindi nito ikinatuwa ang pangalan na sinabi niya saka tinawag si Xia. "I am giving this to you but don't wear it whenever I'm around" 

Nanlaki ang mata nito. "Master, I won't accept this!" sabi ni Xia. 

"See? That is the right expression for not accepting gifts" leksyon nito. 

Napangiwi si Prin. 

Lumabas ito at dinala ang bracelet. Hindi niya akalain na para itong sumabog na bulkan, malaman lang na nakatanggap siya ng regalo. 

Wala siyang kasalanan okay! 

"Mommy, it's your fault! You can't keep secrets" paghuhugas muli nito ng kamay. 

Prin "..."