Chapter 321 - Battle of brains

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hinanap ni Prin ang asawa niya at natagpuan niya ito na inutusan si Xander na i-donate sa kung saan ang sapphire white gold bracelet at ipinangalan si David Young bilang donor.

'He knows David's full name?'

Hinawakan niya ito sa braso saka hinarap. Napangiwi siya na makitang masama pa rin ang loob nito. His gaze was still dark and gloomy.

"Husbie, look, huwag mo na itong pansinin. This bracelet issue is not that important. I never had a relationship with David. Plano ko naman talaga na isauli bukas ang bracelet tutal naman ay maglalagay siya ng secret camera sa opisina ko. " paliwanag niya.

Nilingon siya nito bigla.

"He what?" lalong nagsalubong ang kilay nito.

'Oh no! Me and my big mouth'

"*cough* I need safety sa office and to protect my files and doc.u.ments, I need a secret camera na hindi makikita ng kung sino. We have this small camera that we can put inside a figurine or -- "

Napangiwi si Prin na makita na lalong nagdidilim ang awra nito. "Ha!You asked him instead of me?"

Napakamot siya sa ulo. Gusto niya ng manghingi ng tulong sa Avengers kung paano paliliwanagan ang asawa niya.

Hindi naman niya akalain na magiging isyu ang bagay na ito.

Sa mga nakalipas, magkakasama sila na nagtatrabaho ng grupo niya. At ang pakiusap kay David na maglagay ng secret camera sa opisina niya ay normal at simpleng pakiusap lang na nakagawian niya sa loob ng isang taon, at wala naman siyang nakikita na masama doon, noon.

Surely enough, she forgot Cally's feelings.

Pero ang inaakto na iyon ng asawa niya ay para bang may kasalanan siya at makikipagtagpo siya sa kabit ng palihim kinabukasan.

"Husbie…" she doesn't know what to say naubusan na siya ng sasabihin dito. She hugged his waist instead.

"I'm sorry. Let's discuss this later. Let's eat please… I cooked a nice dinner for you and for my Baby Panda. For sure you don't like to waste my effort, right?"

Sinalubong ni Cally ang mata ni Prin. Nagdikit lang ang balat nila, niyakap lang siya nito at agad na nawala ang pagkainis na nararamdaman niya. This girl knew how to seduce him.

He couldn't help himself to kiss her right there. Saka inilapit ang labi sa tenga ni Prin.

"Try other things to coax me. It will depend on your performance tonight. I will evaluate you and will forget the issue if you are good."

Sinuntok niya ito sa dibdib.

Mukhang effective naman ang naging paraan niya para paamuhin ang hari ng mga leopard kaya nahila niya ito pabalik sa kusina.

Pagkaupo, tumingin ito kay Khalid na nananatiling nakaupo sa katapat na mesa at naghihintay para kumain.

"You kid, who told you to lie?" tanong ni Cally sa anak. Kailangan niyang leksyunan ang anak na mali ang ginawa nito. A girl? Does this kid think he is an idiot?

Sinalubong naman nito ang mata ng Daddy nito. Bakas ang pagka-guilty sa mata nito pero hindi nito sinagot ang tanong ni Cally. The kid wouldn't dare na ilagay sa alanganin ang sarili o si Prin. Sa halip...

"Mommy, you want to know more about Millie Brown right?" nakaangat ang mukha nito kay Prin na papaupo pa lang.

Cally "..."

Biglang naalala ni Prin ang pangalan ng babae. Siya naman ngayon ang nakatingin ng masama sa asawa niya. "Yeah, who is that Millie Brown?"

"Well, she is a beautiful girl, looks like Barbie." gatong muli ni Khalid.

"You find her beautiful?' tanong ni Prin sa anak. Hindi niya akalain na magagandahan ang anak niya sa ibang babae. He even finds the girl looking like a barbie.

Tinimbang nito ang sasabihin. He doesn't want his Mommy to be upset.

"Uhmm. Don't worry Mommy, starting this day, I don't find her attractive anymore. Looks like Annabelle, the chaka doll"

Prin "..."

This little guy knew how to talk.

Biglang lumipat ang mapanghusga niyang tingin kay Cally. Sinandukan nito ng pagkain ang anak.

"Don't look at me like that. She is just my artist. I have never even met that Milie Brown before, so don't question me anymore."

"It's..." simula ni Khalid na pinutol ng Daddy nito.

"Let's eat! The two of you are grounded! Khalid hindi ka na sasama kay Mommy sa office, you are not a good spy"

Tumahimik lang si Khalid, pinagpatuloy ang pagkain at tila hindi ginawang seryoso ang banta ng Daddy nito.

Kampante naman si Prin sa sagot ng asawa niya.

He said na hindi niya pa nakita ang babae na may pangalang Millie Brown and she trusted that words. Pero hindi pa rin maiwasan na mailang siya lalo at nabalita ang babae na iyon na nakikipag-date sa asawa niya.