Katatapos lang niyang patulugin si Khalid sa kwarto nito nang tawagan siya ni Coffee. Lumabas muna siya ng kwarto saka ito sinagot.
Tulad ng inaasahan, mabilis magtrabaho ang babae.
"Hello Dear!"
"Yuna, I can't find any suspicious credits on your Accounting Manager's bank account… You know what I found?"
Naghintay siya ng sasabihin nito.
"You suddenly have a Swizz bank account with a current balance of 40 million! Walang labis walang kulang"
Nabigla talaga siya sa sinabi nito at nanlaki ang mata niya.
"What?!" bulalas niya. Eksakto pa na kabubukas niya lang ng pintuan ng Master's bedroom.
Tumingin naman sa kanya si Cally nang nakakunot ang noo.
"Thanks friend! Mukhang may kumikilos talaga para sirain ang pangalan ko" at wala siyang ibang naiisip kundi si Mari!
Mapatunayan lang niya na ito ang nasa likod ng mga bagay na iyon, hindi lang powdered milk ang gagawin niya sa b.o.o.b.s nito, baka gawin niyang Ensure Gold at ibenta sa mga matatandang lalaki na sesenta pataas ang edad.
Nagkataon kasi ang dating nito sa pagmamanipula ng records sa financial statement ng hotel. Nagpasalamat lang siya diti at nagpaalam.
"Honey, kailangan maikabit ngayong gabi ang spy camera sa opisina ko." sabi niya sa asawa.
Kailangan niyang maghanda. Kanina lang niya nareview ang mga files at ayaw niya na may mawala sa mga iyon o kaya naman ay mapalitan.
"Huwag kang mag-alala. I've already asked someone." sagot nito
Kumunot ang noo niya. 'Ganoon kabilis?'
Ganoon ba talaga nito kagusto na huwag magtagpo ang landas nila ni David?
"What? Don't tell me you want to meet your little suitor?" nagbabanta na naman ang pagtapon ng suka nito sa paligid.
"I'm fine with it! I am just missing those days when we were working together." Bigla na lang siyang sumeryoso.
Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pag-alala ng nakaraan. Hindi na nga niya matandaan kung ilang beses naitanong sa tadhana. Bakit malupit ito sa kanilang mag-asawa?
She looked outside para itago ang nararamdaman niya at ayaw salubungin ang mata ni Cally.
"If I add up all those years that I'm not around, the total would be 10 years… Having the thought, it really breaks my heart." hindi niya napigilan na maluha.
Bakit ang saklap ng tadhana sa kanila? She was lost for seven years, reunited for a year and has been lost again for another three years.
Naaalala niya pa noon ang 'Uhmma' ni Khalid, kung saan huli niya itong nakasama. Who whould have thought na ngayong nakabalik muli siya ay parang mas matalino pa sa kanya ang anak niya?
He knew a lot of things now. He can paint or play the piano. Samantalang noon ay pag doodle lang sa papel ang alam nito.
Somehow she is happy for her kid, but at the same time it was sad and painful, because she was not there…
Wala siya ng mga panahon na natutunan ng anak niya ang mga bagay na iyon.
Tumayo si Cally at niyakap siya ng mahigpit. He felt her sadness kahit pa itago niya dito ang mukha niya.
Hinayaan lang siya nito na umiyak. Kailangan niyang ilabas ang bagay na 'yon para maka move on. Namasa ang polo na suot ni Cally mula sa mga luha niya pero hindi siya nito pinigilan. He wants to share her sadness.
"Honey, let's move on. I know you missed three of his years. Your baby panda is still a baby. There are so many things to enjoy. There are more things he can learn from you..."
"kaya niyang magpinta ngayon, pero hindi siya marunong sa fencing o sa boxing. Kaya niyang magpatugtog ng piano, pero hindi niya pa kayang gumawa ng aswang cake na hindi mo aakalain na masarap."
Bigla siyang natawa sa biro nito. Pinalo niya ito sa dibdib. "ehhh!"
"See? There are so many things he could learn from you. So don't be sad just because you are missing his three years. Pwede mong bawiin ang lahat ng taon na nawala sa iyo."
"I promised na hindi na mauulit ang mga nangyari na ito sa atin. This is our time now. No one will stop your special time with your baby panda. You can enjoy him kahit saan mo pa siya gustong dalhin"
Gumaan naman ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito.
Her husband was right. She can raise Khalid her way and no one will stop her. Ngayon ay alam niya na kung bakit nito pinapasama sa kanya ang anak.
"Honey, thank you for raising my kid. I know it was also hard for you as a single parent." sabi niya dito.
"It's because I love his Mommy so much."
Hinalikan siya nito sa labi hanggang sa mawala na ng tuluyan ang lumbay niya.
"Husbie, sa palagay mo ba panahon nang sabihin natin kay Khalid na ako talaga ang totoo niyang Mommy, si Prin Matsui?"
Bigla tuloy itong tumingin sa kanya. "Honey, are you joking? He knew alright! He. Knew."
"But how did he know?" Ayaw na siyang intindihin pa ni Cally.
He doesn't know what to do with his wife's intelligence. Lumipas man ang araw at taon ay si Prin Matsui pa rin ito na kaya niyang i-bully.
"Because he is my son and a smart kid. For us, questions and answers are not necessarily needed."
Prin "..."
Posible na noong una ay hindi alam ng anak nila at gusto lang talaga nito ang katauhan ni Prin na si Yuna. But calling him 'Husbie'? calling her 'Honey'? being together on the same bed in the same room? Kailangan pa bang i-explain sa anak niya na ito si Prin Matsui?