Chapter 323 - Cally's Fans

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kinabukasan, pinagbawalan pa rin si Prin at Khalid ng asawa niya na magpunta sa hotel. Grounded sila ng anak niya.

Mukhang plano pa yata ng asawa niya na pauwiin muna sa Singapore si David bago siya nito payagan na makapunta sa hotel.

Sinabi na lang niya kay David na busy siya sa araw na iyon. Nakakahiya man ay sinabi pa rin niya dito na hindi na niya kailangan ang secret camera dahil nakagawa na siya ng paraan.

Nang nagdaang gabi ay sinamahan siya ni Cally na magpunta sa hotel para ayusin ang opisina niya. And they put an alarm kung sakali man na may maglalakas ng loob na pumasok doon.

Sa umaga ay nag-jogging silang dalawa ni Khalid. It was Khalid's first time to jog and it was also been three years nang huli niya iyong gawin, kaya naman kapwa sila nito na mabilis na napagod.

Sa maghapon ay magkasama lang sila ni Khalid sa bahay, nanonood lang ito ng kung anu-ano sa tablet nito habang siya ay nagbabasa ng libro tungkol sa business.

Nakausap niya si Apolo sa telepono at nasabi na rin sa kanya na magpunta sa engagement party ni Felix at Mari. Inalam nito kung ano ang nararamdaman niya kay Felix, and she said 'nothing'.

Mabuti na nga lang at hindi siya pumayag na makipagtalik dito noon, dahil kung hindi, she was dead for sure! Nalaman nga lang ng asawa niya na nakatanggap siya ng regalo mula kay David ay sobra na ang pagseselos nito.

Paano pa kung palaman nito na hinawakan siya kahit sa kamay lang ni Felix? She was really dead!

=====

"Mommy, you have a date with your Secretary today." paalala nito sa kanya nang sumapit ang hapon. Pati ang bagay na iyon ay alam nito?

Tama ang hinala niya na marunong ito makiramdam at alam nito ang nangyayari sa paligid.

Pinag-iisipan niya pa kung isasama si Khalid sa lugar since Ice cream House naman iyon. Iyon nga lang, ayaw niyang mapahamak ang anak sa kamay ng mga fan girls.

"Gusto mong sumama sa akin?"

Nagliwanag ang mata nito. Napangiti siya. Tulad ng inaasahan, gusto talaga nito na sumama at ayaw na malayo sa kanya.

"I told Daddy that I will protect you from bad guys" katwiran nito. Natawa siya sa katwiran nito, idinamay pa talaga ang asawa niya.

"Alright, you can come. But don't tell them that you are Master Cally's son okay?" paalala niya.

Tumango lang ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "I am Mommy's son."

Natawa siya sa sinagot nito.

Bigla niyang naisip, kung sakali na maghihiwalay sila ni Cally, siguradong hindi na ito mag-aatubili na sasama sa kanya. Wala naman siyang plano na makipaghiwalay kay Cally, iyon nga lang naaaliw siya sa anak niya.

"Baby, kung maghihiwalay kami ng Daddy mo, Kanino ka sasama?" she was curious kaya tinanong niya ito.

"Kay DADDY" mabilis na sagot nito.

Prin "..."

"*cough cough*" nangati ang lalamunan niya dahil ang yabang pa man din niya sa naiisip na siya ang pipiliin nito.

"I will follow him so I could easily get revenge for you and will scold him everyday" katwiran nito.

"Oh! You are a sweet talker." Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi ng anak. Niyakap niya ito at hinalikan si pisngi.

"Is there any girl you like to be your girlfriend? Kapag nanligaw ka, sigurado na sasagutin ka nila agad dahil ang sweet-sweet mo magsalita"

Namula ang pisngi nito. "No one. I'm only four and I only want mommy. If Daddy heard you, you will be scalded to death"

Niyakap niya na lang ng sobrang ang anak niya sa sobrang pangigigil.

=====

Kinatagpo nila si Mildred. Naroon na daw ito sa ice cream house na tinutukoy nito. Binigay lang nito ang address sa kanila ni Khalid.

Nasabihan niya na rin ito na 'wag sasabihin ang tungkol sa anak niya. Dahil kapag may nangyari dito, kahit matagal na siyang hindi nakakalaban, ay baka sunugin na lang niya ang ice cream house. Sapat na nga na pinapayagan niya ang mga ito na pagpantasyahan si Cally.

Pero hindi akalain ni Prin na may ganoong klase ng ice cream house. Parang naging tambayan na ng mga kababaihan o fans club ang lugar na iyon.

The room was filled with photos of celebrities. Pinagsama-samang ibang shades ng pink ang kulay ng buong kwarto na para bang hindi galit sa pink ang Ice cream house na iyon.

At ang pinaka-nakakaaliw sa lahat, nasa tatlong malalaking frame ang larawan ng asawa niya na nakasabit sa isang pader, sa kabilang pader naman ang ibang mukha ng mga celebrities.

'Haay, kahit dito ay possessive pa rin ang asawa ko.'

Pinainom niya si Khalid ng Strawberry milkshake. Nakikiramdam lang ito. Sa oras na iyon ay puno ang lugar. Pinag-uusapan ng mga ito ang mga bagong shows at kung ano pa ng mga paboritong artista.

"Miss Yuna. pasok lang ako saglit." tinuro nito ang kusina.

Iniikot niya lang ang mata sa buong lugar. Lumapit siya sa isang poster ni Cally na malapit sa cashier. Hindi niya kasi alam kung peke iyon o tunay. Paanong nagkaroon ng pictures ang asawa niya at nasa isang poster?

"Ahhh, oh my god! Millie Brown shows in her social media. Nakatanggap siya ng flower mula kay Master Cally." bigla ang lingon ni Prin sa fan girl na kinikilig habang nakatingin sa cellphone nito.

Naningkit ang mga mata ni Prin sa narinig, kinuha niya ang poster na sinusuri at hinati iyon sa kalahati. *schrrrt*

'You are Dead Cally Han!'

Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat ng babaeng nandoon at halatang galit din sa kanya dahil hinati niya sa dalawa ang poster ng asawa niya.