Chapter 324 - You are dead!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
She ripped the poster into two.

Ang nakakatawa, sabay-sabay at nanlalaki ang mata ng mga fans ng asawa niya na napalingon sa kanya dahil nakarinig ang mga ito ng napunit na poster.

"Ahhh!!!" lumapit kay Prin ang isang babae ng nagagalit. Hinablot nito mula sa kamay niya ang poster na nahati sa dalawa.

"Sinira mo ang mukha ni Master Cally!!!" galit na sabi sa kanya ng isang fan girl at nagpapadyak.

Prin "..."

"Alam mo ba na special edition ito? Sampu lang kami ang meron nito sa buong mundo!"

Prin "..."

"Pfft!" hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi nito. 'Kahit 100 pa kayo, nasa akin ang pinaka-special edition at nag-iisang tunay, okay?'

May lumapit na isa pang babae. "Oh my gosh, his charming nose! nawala na!" parang maiiyak na sabi.

"I can't see his dazzling eyes anymore" gatong ng isa pa.

"His kissable lips are no longer here, wala na akong mapapangarap na halikan"

Prin "..."

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa babaeng fan girls ni Cally.

"Kailangan mong maparusahan!" Sabi ng isa. sumenyas ito sa mga kasama. Mabilis na hinawakan siya ng apat na babae sa braso at kamay. Dalawa sa binti.

Dahil harmless naman at inaabangan niya ang gagawin ng mga ito, hinayaan niya na lang kung ano ang sunod na gagawin nito o parusa sa kanya.

Naglalaro sa bente hanggang twenty five ang mga babae doon. At dahil mukhang bente dos lang si Prin dahil sa retoke niya sa mukha, madali siyang nakahalo sa grupo.

Saka sa paniniwala niya, wala doon ang tunay niyang kalaban kung hindi ang Millie Brown na binanggit nito kanina. When she learned about the girl before, wala siyang ginawang effort na alamin pa kung ano ang hitsura ng babae dahil balewala naman ito sa kanya.

Why does she make an effort sa taong baleala naman. When he said na hindi niya pa nakikita ang babae, she trusted him wholeheartedly at parang pinadaan lang ang isyu sa tenga niya.

But this day is different. Her husband needs to explain!

What the hell about those flowers? E, siya nga ay wala pang natanggap kahit isang bulaklak sa loob ng mahabang panahon!

Lumapit si Khalid sa puwesto nila sa bungad. He expanded his arms to protect his Mommy from these girls. Humarap ito sa mga babae.

"Hey! Don't touch my Mommy!" singhal nito sa mga babae

"Baby, don't worry, they are harmless." sabi niya sa anak. Ayaw naman niya na mapahamak ang anak niya mula sa mga babae.

"He is your Kid?" naniningkit ang mata na tanong muli ng isa. Nakasuot ito ng makulay at magandang bestida. Her skirt is flowy at naka pigtails ang buhok sa magkabilaan na mukhang fan ng Kpop idol.

Noon lang napansin ni Prin na mga nakaayos ang mga fan girls na ito. They dressed up like Lolitas. Kahit si Mildred ay iba ang awra.

'Pabebe girls' ang tamang terms.

"Girls!" sumenyas muli ang naka-pigtails sa mga kasama na sa tingin niya ay ang pinuno ng grupo. Hinawakan din ng apat na babae ang anak niya.

'Oh my god! Naloko na!'

Dinala si Khalid sa isang table, katapat ni Prin. Nagpupumiglas ang anak niya na hawak din ng apat na babae.

"Don't touch me! Don;t touch my Mommy!" pero balewala sa mga ito ang pagpupumiglas ni Khalid.

"Girls, Attack!"

Kiniliti sila ng mga babae. Mabilis na nakiliti naman ang magnanay sa mga maseselan na bahagi ng katawan nila. Sa tiyan, sa leeg, sa tagiliran.

"Wahahahaha!" So, ito pala ang parusa.

But seeing her kid na tawa ng tawa sa ibabaw ng table gave her a different feeling. He is laughing so hard.

Napalabas na rin tuloy si Melody mula sa kusina nang malaman na may 'pinarurusahan' at inalam ang nangyayari. Lalo na nang makita sila ni Khalid na kinikiliti.

"Stop! Stop! I can't breathe anymore! Ha ha ha" nagluluha na ang mga mata ni Khalid sa sobrang pagkatawa. Bahagya nang nalilis ang damit ni Khalid. Natanggal na rin ang isang butones ng Jumper na suot nito.

Naaawa naman si Mildred sa kanilang dalawa dahil sumusuko na ang mga parte ng katawan nila sa pagkiliti ng mga ito.

"Girls, stop it!" pigil ni Mildred ngunit hindi ito pinansin ng mga kasama. Nag-aalala ito kay Khalid.

"Girls, girls, stop it! He- he is Master Cally's kid!" sigaw ni Mildred na parang nag-echo sa mga tenga ng mga ito. Natutop naman ni Mildred bigla ang bibig dahil sa kadaldalan.

Maingat na binitiwan ng mga babae si Khalid sa ibabaw ng mesa. Saka ito pinagmasdan ng mabuti.

"Oh my god! kamukha mo nga si Master Cally! Ahhh!!!"

Nagtakip ng tenga ang anak niya dahil sa tili ng mga babae.

Prin "..."

Biglang lumingon sa kanya ang mga babae.

"You! You kidnapped Master Cally's baby!" bintang sa kanya ng mga babae.

Prin "..."

Wala siyang nagawa kundi ang kumawala sa kamay ng mga babaeng may hawak sa kanya at binitbit ang anak niya saka tumakbo palabas ng shop.

'Cally Han! You are so Dead!'